Atheia Villacita's P.O.V.
I'm used to it. Pero bakit parang hindi ko man lang alam kung pa'no kontrolin?
I took a deep breath bago umatras. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko 'to ginagawa e. Hayst, ang hirap naman ng buhay ko.
Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri, ang lakas ng hangin ngayong gabi pero hindi ko naman ramdam yung lamig. Pinagmasdan ko ang maliwanag na gabi mula sa mga ilaw ng iba't-ibang gusali.
I smiled bitterly. Kung sana lang ay masaya ang buhay ko, ano kayang pakiramdam? I want to get rid of being alone, pero hindi ko naman alam kung pa'no. I have friends, yes. Pero pakiramdam ko'y lagi akong naiiba sa kanila. Kapag kaharap ko sila, masaya ako pero 'pag sa tuwing nakatalikod na 'ko o kaya'y malungkot ako, hindi ko alam kung pa'no sila sasabihan ng problema. Tila ba kailangan ko lang ipakita sa kanila na palagi akong masaya, na wala akong problema. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko.
Bumuntong hininga ako at naramdaman ang pag-vibrate ng phone. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag dahil alam ko naman na sa mga oras na ganito, siya lang ang laging nandyan para sa 'kin. Siya lang ang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman. Palagi siyang dumadating sa oras na kailangan ko siya.
Agad kong sinagot ang tawag habang ang atensyon ko'y nasa mga maliliwanag na gusali. I'm enjoying the view. Tila hobby ko na talaga ang 'pag punta dito sa tuwing naiistress ako.
"Nasa rooftop ako." sagot ko, at binaba ang cellphone bago ito ibalik sa loob ng bulsa ko.
Napangiti ako nang humaplos sa mukha ko ang preskong hangin ng gabi. This place never failed to make me feel relieved.
Siguro nga ay may mga panahong malungkot ako, pero at least ay may tao pa ring nakakaintindi sa 'kin at dinadamayan ako. Hindi naman niya obligasyon na gawin iyon, pero ginawaga niya pa rin.
Inilibot ko ang tingin sa mga nagkalat na gusali, habang pilit na ibinubugkos ang sumasabog kong buhok dahil sa hangin.
After finally making my hair into a bun, ay saka ko narinig ang boses niya mula sa likuran ko. Lumawak ang ngiti sa labi ko. Kahit kailan talaga ay hindi niya 'ko binibigo. He's always there whenever I need someone to talk to.
"It's running late and you're here. Bakit hindi ka pa umuuwi?" he said in his usual tone. I took a deep breath before looking at him.
As usual, dala na naman niya ang paborito kong pagkain. Parang kumulo ang tiyan ko nang maamoy ko ang siomai. Kaya naman ay hindi ko pinansin ang sinabi niya at agad na kinuha ang dala niya. May milktea pa iyon.
"Para namang hindi mo 'ko kilala." sa kasuwal na tono ay sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago umupo sa bench ng roof top at sumunod naman ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi.
"Bakit naman milk tea pa rin? I'm already seventeen, pwede naman na 'kong uminom ng beer. Kahit iyong canned lang." wika ko habang tinutusok ang straw sa milktea. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.
"Beer my foot. Hindi pa rin pwede. You're not even sure if you're high tolerance pagdating sa mga liquor. Besides, milk tea is not that bad." aniya. "At bakit ka naman mag-iinom? May problema ka ba?" tanong niya.
Ibinaba ko ang hawak na milk tea saka siya tiningnan.
"Seriously? Kung wala akong problema, ano pang ginagawa ko rito?" pabalang kong tanong na tinawanan niya lang naman. Napairap ako.
BINABASA MO ANG
The Hidden Class (ON GOING)
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about their dirty little secrets. Sa isang laban, nakakasiguro ka nga ba kung sino ang iyong kakampi at kaaway? Pa'no kung ang itinuturing mong kakampi ay kaaway mo pala? At pa'no kung ang tinuturing mong kaaway ay kakampi mo...