Habang bumabiyahe, may naririnig na kaming tambulan, mukhang may madadaanan kaming piyestahan dahil may bandiritas akong nakikitang nakasabit sa itaas. Sa malayo ay matatanaw ang mga taong nagsasayawan na may mga makukulay na kasuotan.
"Dito tayo." sabi ni Tyrone at niliko na ang sasakyan sa may parking. Pinark niya na ang kanyang sasakyan at bumaba na kami. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad na kami sa maraming mga tao na nasa gilid ng kalsada. Imbes na sa paligid ang atensyon ko ay parang dito sa magkahawak naming kamay ako nakatingin. Para bang ang sarap sa pakiramdam na ganito, na walang nakakakilala, pero hindi maiiwasan na may mga taong napapatingin samin lalo na sa magkahawak naming kamay. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa paligid.
Umaalingawngaw sa buong lugar na 'to ang tunog ng bassdrums, lyres, at mga hiyawan ng mga tao. Kita sa kanilang mga mukha ang kasiyahan. Ang mga nagsasayaw sa gitna ng kalsada ay may pintura sa kanilang mukha. May grupo na mga bata at matatanda na nagsasayaw. Parang ang ibinibida nila ay mga mangga dahil sa may dala sila nito na nasa basket sa kanilang likuran.
"Ano 'to? Mangga festival?" tanong ko kay Tyrone. Pansin ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Parang.." maikling sagot niya.
Naglakad-lakad kami ni Tyrone. May mga nadadaanan na kaming mga palaro. Ang pumukaw sa atensyon namin ay ang pabilisan na maubos ang pagkain.
"Tamang-tama, nagugutom na ako." sabi ni Tyrone. Ako rin naman, nagugutom narin ako.
Lumapit na kami sa emcee at nagpresintang sasali sa laro.
Hindi naman nagtagal ay pinapunta na kaming mga sampung kasali sa parihabang lamesa.
Natakam naman ako sa pagkaing nakahain sa aming mga plato. Mangga ang specialty. Adobo na may mangga?
Nagkatinginan kami ni Tyrone, nasa tabi ko siya, tumaas ang kilay niya. Gameface na ang mokong.
"Okay, ready? Eat!" sigaw ng baklang emcee.
Sa pagsubo ko palang ng pagkain ay nagustuhan ko na ang lasa nito. Mabilis ang kain ko, napatingin ako sa timer. 34 seconds nalang.
"Go! Mga pogi!" cheer ng mga babae, nakatingin sila samin.
5, 4, 3, 2, 1.
Nagtaasan na kami ng mga kamay nang matapos na ang isang minuto. Nagulat nalang ako nang wala ng pagkain sa plato ni Tyrone. Samantalang sakin, marami pang natira.
"And the winner is.... anong name mo sir?" sabay lapit ng emcee kay Tyrone.
"Tyrone." tipid na sagot niya.
"Ang gwapo naman ng nanalo, ang lakas kumain." sabi ng emcee.
Kung anu-ano pa ang tinanong sakanya at binigay na ang kanyang premyo na 2,000.
Sa paglilibot pa namin ay may nadaanan kaming singing contest.
"Mukhang mapapasabak ako sa kantahan ah." sabi ni Tyrone.
"Ano sa tingin mo, sasali ako?" tanong niya.
"Bahala ka." kibit balikat ko.
Nagdalawang isip pa siya kung sasali, pero sa huli, ayun na siya sa stage matapos magpalista na sasali. Marami naman ang nagtilian sakanya.
Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap
Nais kong makamtan
Sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan...Nagtama ang mga mata namin. Napangiti naman ako.
Ikaw parin... ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan
At pupuntahan
Pag ibig mo..
Ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon, bukas, at kailanman..