Chapter 18: Mad

11.9K 441 141
                                    

Gumugulong ako sa aking kama, hindi ako makatulog kaiisip doon sa halikan namin na ginusto ko rin naman dahil tumugon ako. Ang sarap niya naman kaseng humalik, nakaka adik. Parang hahanap-hanapin mo ang ganung klaseng halik. Parang napangalanan ko na yata ang tibok ng puso ko. Inlove na yata ako sa lalaking 'yon. Haist!


Kinabukasan, habang tumatambay kami ng magbabarkada sa gilid ng soccer field sa ilalim ng puno ay biglang lumapit samin si Tyrone. Abala sa pag i-ml nina Jiro kaya hindi nila napansin ang paglapit ni Tyrone.

Nagulat ako nang may inaabot siya sakin na ice cream na cornetto. Parang uminit ang pisngi ko. Mukhang nahiya pa ako dahil hindi ko pa kinukuha, sa huli, tinanggap ko rin naman.

"Salamat." sabi ko at tumango siya. Tumalikod at naglakad na palayo.

Habang naglalaro naman sina Eros ay hindi nila napigilang mapalingon sa gawi ko.

"What the fuck!" malutong na mura ni Ken nang nadefeat siya.

Nagtawanan naman sila Jiro at Eros.

"Hoy! Akala mo hindi namin napansin." sabi ni Jiro.

"Ang alin?" kunot-noo kong tanong habang binabalatan na ang ice cream.

"Close na yata kayo." panunuyang sabi ni Ken.

"Frienemies sila." si Eros.

"Sana all, binibigyan ng ice cream." si Jiro.

Hindi pa nila halata. Parang natatakot na ako kung sakaling mahalata nila.







Dumaan pa ang mga araw na lagi ng nagpaparamdam sakin si Tyrone. At hindi talaga nahahalata nina Eros.



Isang araw, uwian na ng biglang umulan. Wala akong dalang payong. Nauna ng umuwi sina Jiro. Sinuong ko ang ulan palabas ng campus.

"Tsk! Magkakasakit ka niyan." asik ni Tyrone na biglang lumapit sakin at pinasukob niya ako sa kanyang payong.

Ay! Galit?

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami. Heto na naman ang kabog ng dibdib ko, haist! Lagi nalang kapag nandyan siya.

"Dwayne!" rinig kong sigaw ni Kendra.

Tumatakbo siyang humabol samin.

"Dito ka na sa payong ko, samahan mo ako sa coffeeshop." anyaya niya.

Napanganga nalang ako. Wala akong masabi. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa habang naglalakad kami malapit ng makalabas ng campus.

Hinigit na ako ni Kendra at pinasukob niya ako sa payong niya. Parang wala akong nagawa at nagpatianod nalang sa kanya. Kapit niya ang braso ko ng mahigpit.

Nilingon ko si Tyrone na napahinto sa paglalakad. Salubong ang mga kilay. Gusto ko man sa kanyang sumama pero ito kasing babaeng 'to, tsk!

"Close na yata kayo ni Tyrone." sabi ni Kendra habang nagkakape kami dito sa coffee shop.

"Ah, yeah!" sabi ko na lamang.

"Don't get me wrong ah, pero parang may tinatagong galit siya sayo kase diba, sa tingin niya inagaw mo ako sa kanya." aniya.

"Hindi naman." giit ko.

Hindi nagtagal ay umuwi na kami. Nabasa parin ako ng ulan kase nagmotor ako. Senermonan pa ako nila Mama dahil nagpaulan ako, dapat daw ay nagpahatid nalang ako sa kotse.



Nang nakahiga na sa kama, inisip ko yung nangyari kanina. Sana hindi big deal kay Tyrone yung pagsama ko kay Kendra. Pero parang big deal, kase naman nagmemessage siya sakin ng good night pero alas-onse na, wala parin siyang mensahe. Haist! Ako na nga lang.

'Good night!'

Naghintay ako ng ilang minuto at nagreply narin siya ng 'Nyt.' Yun lang.

Parang nalungkot ako. Wala manlang sweet na message. Napalabi na lang ako. Baka nga nagtampo na 'yun dahil mas pinili kong makisukob na lang sa payong ni Kendra.

Babawi ako.






Kinabukasan, hindi ko nakita si Tyrone at hindi nagparamdam. Sa halip, si Kendra ang nakasama ko sa cafeteria, nakisama siya samin kumain nina Jiro.

Hapon na nang makita ko si Tyrone sa gym na nakaupong mag isa sa bleachers. Nilapitan ko siya at inabot sa kanya ang dala kong mango shake. Nagulat naman siya sa presensya ko. Tiningnan niya ang shake at mukhang nag alinlangan pang kunin.

"Sayo 'to." sabi ko. Tinanggap niya naman ito. Umupo ako sa tabi niya.

"Galit ka ba?" tanong ko.

"Ba't ako magagalit?" balik niyang tanong.

"Kase ano, ah mas pinili kong makisukob sa payong ni Kendra." sabi ko.

"Hindi ako galit." masungit na sabi niya.

"Galit ka eh." giit ko.

"Sabing hindi ako galit." aniya.

Napanguso ako.

"Wag mo 'yung dibdibin." sabi ko.

Tinitigan niya naman ako ng mariin. Para tuloy akong napipi. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"Sinong pipiliin mo samin?" taas kilay niyang tanong.

"Siya." ngiting sabi ko. Nalukot ang mukha niya at bigla siyang tumayo.

"Joke lang." ngising sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Tinabig niya ang kamay ko at naglakad na pababa ng bleachers.

"Uy, joke lang, ikaw talaga ang pipiliin ko." matapang kong sinabi.

Bahala na kung may makarinig. Pero parang wala naman makakarinig kase busy ang mga naglalaro ng basketball.

Napatigil si Tyrone sa paglalakad at lumingon sakin. Bumaba narin ako ng bleachers at nilampasan siya.

"Kung ayaw mong maniwala, di wag!" irap ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ang kamay ko.

"Okay, edi tayo na."

Inakbayan niya ako palabas ng gym. Uminit na ng tuluyan ang pisngi ko at para akong lumulutang.


Kami na?



***

My Beautiful Rival (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon