Chapter 27: Bisexual

8.1K 328 48
                                    

Nagpunas ako ng panyo sa leeg ko. Pinagpapawisan kasi ako, summer na kase. Nandito ako sa covered court at nanonood ng volleyball mens. Naghiyawan ang manonood nang pumuntos ang gusto nilang team. Nagagalingan ako doon sa isang lalake na kung makahampas ng bola ay parang gusto ng putukin. Gwapo siya. Matangkad at katamtaman lang ang kulay ng balat. Lumingon ito sakin nang makapalo siya at pumuntos. 'Yung tinging 'Ang galing ko look.'

Straight set ang laro, panalo 'yung lalakeng nagagalingan ako.

Umuwi na ako sa bahay ni Lola at naabutan siyang nagluluto ng miryendang piniritong kamote. May kausap ito sa cellphone niyang touchscreen, ang lakas maka-millenial ni lola. Iphone. Regalo sakanya ni mama.

"Oo, ayos lang naman ang anak mo dito," sagot ni lola sa katawagan niya. Si mama yata.

"Ah, magpapatakod ka rito ng wifi? Oh sige, kung 'yan ang gusto mo, mahina kase ang data rito." sagot ni Lola.

Dalawang linggo na ako dito sa probinsya. Nakapag adjust naman ako na unti-unti ng nasasanay sa environment na tanaw ang bundok na malayo sa sibilisasyon. From city boy na naging probinsyano na. Mag isa lang dito si Lola, matagal na siyang byuda, bata pa ako. Tatlo ang anak niya. Si mama, si Tito Carlos na may pamilya na, malapit lang ang bahay nila dito at si Tita Vina na nasa Amerika, na nakapangasawa ng foreigner. Bumibisita naman ito dito tuwing pasko.

Isang araw, tinuro sakin ni lola ang ilog na magandang paglanguyan. Maganda nga ang ilog, napakalinis ng tubig, may mga naliligo naman. Dahil sa naiinitan na talaga ako ay naligo ako. Hinubad ko ang damit kong pang itaas at lumusong na sa tubig. Wooh, ang presko. Hanggang balikat ko ang taas ng tubig.

Pansin ko ang isang babaeng kaedaran ko na sulyap ng sulyap sakin. Hanggang sa tinulak-tulak siya ng mga kaibigan niyang babae palapit sakin.

"Kuya, crush ka daw nito." tukso sakanya ng mga kasama niyang babae. Pansin ko ang pamumula ng pisngi ng babae.

Kunwareng lumangoy ako palayo sa kanila. Nalagyan ata ng tubig ang tenga ko, kaya tinagilid ko ang aking ulo at pinukpok ito gamit ang kamay ko upang lumabas ang tubig.

"Kuya, ano daw pangalan mo?" sigaw ng isang babae at naghiyawan sila. Hindi ko naman sila pinansin. Bahala na kung sabihan nila akong suplado.

Nakalayo-layo na ako sa kanila.

"May mga linta dyan." rinig kong sabi ng lalake. Lumingon ako at si volleyball star pala.

Nakatayo siya sa malaking bato habang kumakain ng bayabas.

"Ah, talaga?" tanong ko.

Tumango naman siya. Napangiwi ako at gumilid para umahon na sa tubig. Sinong hindi matatakot sa linta na nangsisipsip ng dugo?

Napansin ko naman ang paghagod niya ng tingin sa katawan ko nang makaahon na sa tubig. Nakaboard shorts lamang ako.

"Daks." rinig kong bulong niya, pero narinig ko.

Nakaramdam naman ako ng ilang sa tingin niya sakin.

Magkasing tangkad lang pala kami nito.

"Nagba-volleyball ka ba?" tanong niya, tatalikod na sana ako para kuhanin ang damit ko.

"Ah, medyo." sagot ko.

"Kulang kase kami ng isang player, pwede ka ba?" tanong niya.

Napaisip naman ako. Sa dalawang linggo ko dito sa probinsya ay wala pa akong nagiging kaibigan. Kaya chance ko 'to para makisalamuha naman ako sa ibang tao at maging kaibigan.

"Sige ba."

Napangiti naman siya.

"Ayos. Ako nga pala si Niccolo," sabay lahad niya ng kamay.

"Dwayne." pakilala ko at tinanggap ang kamay niya.

"So, what's your position?" tanong niya.

Parang nagloading naman ang utak ko.

"Ahh, ano quiker."

"Ako naman versa, ah este all around player, pero naka-position ngayon sa open." aniya. Tumango naman ako.

At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin at sa mga kapwa niya volleyball players.

Late ako sa training nila ng tatlong madaling araw na, malayo-layo pa kase ang bahay ni Lola. Pero ayos lang sa kanila kase baguhan pa lang naman daw ako. 9 players sila at kulang nga ng isa. Lalaban kase sila sa tournament dito sa bayan.

"Dwayne!" tawag sakin ng setter na si Jeron.

Sumabay ako sa pagtaas ng bola at buong lakas na pinalo ito. Nakalusot ang bola sa blocker at hindi nakuha ng libero na nagrolling pa.

"Yey!" sigaw nila at nag apiran kami.

Dalawang araw bago ang tournament ay puspusan na ang training namin, kaya ginagabi na tuloy ako ng uwi. Nagpapaalam naman ako kay Lola na gagabihin ako sa training. Nakakasabay ko si Niccolo na umuwi. Naglalakad kami kase walking distance lang naman.

"Nagtitiktok ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami pauwi.

"Hindi. Ikaw?"

Pinakita niya naman sakin ang tiktok videos niya na nagsasayaw siya. Ang cool niyang gumalaw.

"Woah, famous ka pala dyan." sabi ko nang makita ang dami ng views.

"Gusto mo gawa tayo?

Agad naman akong umiling. "Hindi ko naman hilig yan eh."

Napangiti ako nang maalala ang tiktok videos ni Ken na puro pakita ng katawan.

"Sige na, isa lang." pamimilit niya.

"Ayoko nga." Wala siyang magagawa dahil ayaw ko talaga.

Ang bahay niya ang unang madadaanan namin, malayo pa ang bahay ni Lola.

"Oh, ba't ka pa sumasama nanaman sakin?" takang tanong ko nang malampasan namin ang bahay niya.

"Hatid na kita, baka tambangan ka dyan, mahirap na. Baguhan ka pa naman dito." aniya.

"Okay lang, wala naman adik sa dadaanan ko." ngiti ko.

"Ah, basta." aniya.

Tumango nalang ako. Pangatlong beses na 'to na hinahatid niya ako sa bahay. Para naman ako nitong bata na ihahatid pa. Pero sabagay, nakakatakot ang dadaanan, madilim, isang poste lang ang tanglaw sa kalsada. May kakahuyan munang madadaanan bago ang sa amin.

"Dwayne, ang totoo, naaatract ka rin ba sa kapwa mo lalake?" bigla niyang tanong habang nakaakbay siya sakin na naglalakad.

Kinabahan naman ako sa tanong niya. Aamin ba ako ng pagkatao sakanya?

"Ah, eh, o-oo naman." Sa huli, nasagot ko narin.

Paulit-ulit naman siyang tumango. Sana nga lang, wag akong husgahan nito.

"Nangyayari talaga 'yan. Wag kang mahihiya." aniya.

"Kase ako, aaminin ko sayo, I'm a bisexual." pagtatapat niya.

Nanlaki ang mga mata kong lingunin ang gwapo niyang mukha.

Bisexual siya?

***

My Beautiful Rival (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon