"Ano, come back?"
Napatitig naman ako sa mapungay niyang mga mata. Kumakabog na ang dibdib ko. Wala naman akong salitang masabi. Pakiramdam ko, may humahaplos sa puso ko. Ewan ko kung dahil ba sa tuwa o sakit.
Hanggang sa may dumaang bola. Sapol sa ulo ni Tyrone. Napatili ang ilan na naroon sa court. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kung hahawakan ko siya para i-comfort.
"Ay, sorry." si Rex nang lumapit samin. Siya yata ang pumalo sa bola.
Sapo ni Tyrone ang kanyang ulong tinamaan. Sakit nun. Lakas din kaya ng palo nitong si Rex.
"Sorry tol, di ko sinasadya."
Nakayuko lang si Tyrone habang hinihimas ang gilid ng noo niya.
"Okay lang tol." sabi ni Tyrone at natatawa na siya.
"Ang lakas naman kasi ng palo mo." sabi ni Niccolo kay Rex.
Nahihiyang napakamot nalang ng batok si Rex.
Bumaling ako kay Tyrone at medyo namumula na ang gilid ng noo. Magkakabukol pa yata siya.
"Heto, cold compress." Lumapit si Mina kay Tyrone at dinampi nito ang yelo na nababalutan ng bimpo.
"Para-paraan din eh!" singhal ni Niccolo.
Umalis na ako sa kinauupuan ko at si Carla ang pumalit.
"Masakit pa ba bebeboy?" tanong ni Mina.
"Oo, ayos na ako." sabay baling sakin ni Tyrone pero tinalikuran ko na siya. Masyado kase siyang pahalata na kilala niya na talaga ako.
Naramdaman ko naman ang pag akbay sakin ni Niccolo.
"Uuwi ka na?"
"Oo."
Para akong lumulutang habang iniisip ang mga sinabi ni Tyrone na gustong makipagbalikan sakin. Parang may humahaplos parin sa puso ko habang iniisip yon.
Sumama pa sakin si Niccolo hanggang sa bahay. Makiki-Wifi pala kase.
"Tiktok tayo.." pamimilit niya. Kanina pa 'to habang naglalakad kami pauwi. Sa huli, napapayag narin ako. Gusto ko naman na malibang kahit papaano. Pakiramdam ko kase ang problemado ko. Tinuruan niya ako. Igagalaw lang pala ang baywang habang tinuturo ang sentido at tatakpan ang mukha. Parang tanga lang. Pero sinakyan ko na.
It really hurts ang magmahal ng ganito,
kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo,
hanggang ganun na lang nga
kailangan ko tong tanggapin na sa puso mo meron na ngang ibang umaangkin...Panay naman ang tawa ni Niccolo habang pinapanood ang ginawa namin.
"I-delete mo na nga 'yan." natatawang sabi ko. Pati ako, natatawa sa ginawa ko. Para akong baliw doon.
Aagawin ko na sana ang cellphone niya pero nailayo niya sakin habang natatawa pa.
"Ang cute kaya, sa tingin ko, mag vi-viral 'to." tawa niya.
Napailing nalang ako. Bakit naman kase pumayag akong magtiktok? Tsk!
At ang gagong si Niccolo, pinost pa pala yung tiktok video namin sa facebook. Parang nagtaasan naman ang dugo ko sa mukha ko nang makita sa wall ko. Tinag niya ako.
"Bakit mo pinost?" asik na tanong ko kay Niccolo. Akala ko sa tiktok niya ilalagay.
Tumatawa lang siya habang hawak ang tiyan.
Haist, kung alam ko lang na ipopost niya sa facebook, hindi na sana ako pumayag.
Nagsunod-sunod ang notification sakin sa facebook habang nagcecellphone na ako.