Chapter 29: Swimming

7.8K 320 27
                                    

"Ayos ba? O dapat na nakahubad ako?" tanong ni Niccolo nang matapos na siyang sumayaw at umupo sa tabi ko.

Lumabas na si Tyrone sa isang bahay at pumasok na siya sa sasakyan at pinaandar na ito. Tila may dumaang kirot sa puso ko habang tinatanaw ko ang papalayong sasakyan.

Nakita niya ba ako?

Sinundan niya ba ako rito sa probinsya o taga rito siya? Ang small world naman yata kung tagarito siya at nagtatrabaho bilang water boy.

"Uy, tulala ka?" Siniko naman ako ni Niccolo. Naalala ang tanong niya.

"Ah, ano, kahit hindi ka na maghubad, feeling mo naman macho ka." ngumisi ako.

"Ipakita ko pa sayo abs ko, oh." Tumayo siya at binalandra sa harap ko ang abs niya na 4 packs.

Napalunok na lang ako nang bumaba ang tingin ko sa bakat na nasa short niya.

Umirap nalang ako.

Tiningnan ko nalang ang gallery ng cellphone niya na hawak ko parin. Nakita kong madami siyang selfie. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinablot ang cellphone niya.

"Pakealamero ka din eh."

"Ano 'yung mga video?" tanong ko, kase pipindutin ko na sana ang isang video.

"Wala yun."

"Anong wala? Ikaw ah." ngisi ko.

Nakita ko naman ang dalawang bata na naglalaro sa bakuran nila.

"Mga kapatid mo?" tanong ko.

"Oo, lima kaming magkakapatid, sila yung pang apat at pang lima, ako naman pangalawa." sagot niya.

Magulo ang isip ko pauwi na ng bahay kasama si Niccolo, gusto niya raw sumama. Nagkukwento si Niccolo pero ang utak ko, lumilipad. Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na baka kamukha lang ni Tyrone pero siya talaga 'yun eh.

Nang makarating na sa bahay ay naabutan namin na may nagkakabit ng wire. Siguro ito na 'yung wifi na sinasabi ni Lola.

"Ayos! May wifi kayo, lagi na akong tatambay dito." sabi ni Niccolo.

"Magtitiktok ka lang eh, at manonood ng--" Tumawa ako.

"Tsk, baka ikaw ang mahilig manood ng pornograpiya." malakas na boses ni Niccolo. Nahiya ako bigla sa mga nakarinig.

"Anong sabi niyo mga hijo?" Lumapit samin si Lola na nakahalukipkip. Nagkatinginan kami ni Niccolo at nangangapa ng ipapalusot.

"La, sabi ko ano, ah hindi kami nanonood niyan, bad yan." sabi ni Niccolo.

"Ikaw talaga, Niccolo, kung anu-ano ang tinuturo mo sa apo ko."

Nahihiyang napakamot nalang si Niccolo sa batok niya.

Gabi, nang nakahiga na ako sa kama. May sarili din akong kwarto. Paulit-ulit sumasagi sa isipan ko ang pagkakita ko kay Tyrone kanina. Mayaman siya ah, ba't water boy ang trabaho niya? Sa huli, kinumbinsi ko nalang ang sarili ko, na baka kamukha niya lang.

Kinaumagahan, humihikab pa akong lumabas ng kwarto at umiinat nang biglang may dumaan sa harap kong lalake na may bitbit na water container. Natatakpan pa nito ang mukha dahil sa nakalapat sa braso niyang water container.

"Diyan nalang, hijo." turo ni Lola sa maliit na lamesa. At nang ibinaba na ng lalake ang container, nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. Bumaling si Tyrone kay Lola nang hindi ako tinitingnan.

Inabot ni Lola ang bayad.

"Salamat po." sabi nito kay Lola at nagmartsa na siyang lumabas ng bahay.

My Beautiful Rival (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon