Chapter 10: Suitor

13.4K 467 44
                                    

Tyrone Enriquez updated his profile picture.

3 days ago. 2,112 likes, 94 comments and 68 shares.

Namalayan ko nalang ang sarili kong inistalk siya. Famous pala ang gago. Ang picture niya ay nakasuot siya ng basketball jersey, pinicturan niya sa salamin ang kanyang replekyon.

'You're so HOT!'

'Ang gwapoooo mo'

'Buntisin mo ako please☺'

'Yan ang nabasa ko nang tiningnan ang comment section.

Iniscroll ko naman ang wall niya. May isang picture na may kasama siyang babae, nakatingkayad ang babae at hinalikan ang pisngi ni Tyrone. May mga group picture na mga kateammate niya sa basketball at siya ang may hawak na trophy. May group picture na mga kaibigan niya sa bar. Muntikan ko nang mabitawan ang cellphone ko nang biglang dumating ang mga kaibigan ko dito sa bench. Nanlaki ang mga mata ko nang aksidente kong ma-like ang isang picture niya na nakahubad siya ng damit.

"Gulat ka yata, ano 'yan, nanonood ka ng porn?" sabi ni Ken at kukuhanin sana ang phone ko nang bigla kong itinago ito sa bulsa.

"Haha! Share naman, basang-basa ka na oh." nagulat ako nang hinipuan ako ni Jiro sa ano ko. Tinampal ko naman ng mabilis ang pagmumukha niya.

"Wala, nagfacebook lang ako." sabi ko. Umupo na sila at nag agawan ng dala nilang malaking chichirya.

Mabilis parin ang pintig ng puso ko nang maalala na na-like ko ang isang picture ni Tyrone. Haist! Hindi ko nai-unlike. Makikita nun na ini-stalk ko siya, Tsk!

"Punta kayo sa birthday ko ah." paalala samin ni Eros. Tumango nalang ako. Birthday pala nito sa makalawa.

Nung uwian na ng hapon, habang umaangkas na ako ng motor at inaayos ang helmet ko ay nakita ko si Tyrone na papunta rito sa parking. Tumango lang siya sakin bilang pagbati at nilampasan na ako. Kanina, ini-unlike ko na yung na-like kong picture niya, sana hindi niya nakita sa kanyang notification.

Hindi ko na maintidihan ang nararamdaman ko, para bang gusto ko siyang makausap, para bang gusto kong maulit, pakiramdam ko, nag iinit ang katawan ko. Arrgh! Pinilig ko ang ulo ko. Naiinis na ako sa sarili ko. Paulit-ulit nalang na naaalala ko ang nangyari samin. Ginugulo ko na ang buhok ko dahil parang nafu-frustrate na ako, ayoko ng ganito. Lalake ako at babae ang dapat magustuhan ko.

"Kuya, kakain na!" sigaw ng kapatid ko na si Claire. Nandito ako sa may terrace na nagmumuni-muni. Pumasok na ako ng kwarto at lumabas na.

Nagdaan ang mga araw at nandito na ako sa beach resort ni Eros, dito kase siya magpapaparty. Maganda naman ang beach resort nila, marami naman ang nagdadayo ritong turista.

"Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you...." malungkot naming kanta. Hinihipan niya naman ang cake niya.

"Thank you guys, sa malungkot niyong pagbati." malungkot niya ring sabi.

Nagsitawanan naman kami.

Nagkainan na kami. Ang dami niyang handa ah, mukhang mabubusog ako nito.

Nagulat naman ako nang biglang dumating si Barbie na may dalang cake.

Invited ba siya?

"Happy birthday! Dao ming si." masaya niyang bati. Nagtawanan naman kami pati ang pamilya ni Eros.

Bumuntong hininga si Dao ming si, ah este Eros pala. Parang hindi niya nagustuhan ang presensya nito.

"Thanks." tipid na sabi ni Eros at tinanggap na ang cake for the very first time. Ngayon lang ata siyang tumanggap na bigay ni Barbie.

My Beautiful Rival (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon