Chapter 7: Top

14.3K 513 102
                                    

Natapos na ang kasal at nandito na kami ngayon sa loob ng hotel kung saan ang venue ng wedding reception. Katabi ko ang kapatid kong si Claire sa isang bilugang lamesa. Kanina niya pa sinasabi sakin ang pagkahumaling niya kay Tyrone. Gwapong-gwapo naman 'to sa gagong 'yun. Gusto niya raw ligawan siya at tulungan ko siya.

"Sige na kuya, paano?" pagpupumilit niya.

Tsk!

"Hoy! Ikaw ah, ang landi mo na! Mag aral ka muna!" asik ko sakanya at tinabig ang kamay niyang nasa braso ko.

"Shhh..." saway samin ni Ate Hannah na katabi si Claire. Nagme-message na pala kase si Mama na mangiyak-ngiyak kila Ate Jessica.

"Ang gwapo niya, sana siya na ang mapangasawa ko balang araw, hihi!" rinig kong sabi ni Claire. Di ko siya pinansin at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa harap kung saan nagdadrama ang parents ng ikinasal.

A few moments later ay kainan na. Buti naman, kase kanina pa ako nagugutom. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako ng cr nitong hotel. Hindi ko naman inasahan na makakasalubong ko si Tyrone na palabas na ng cr.

"Ang gwapo natin ah." aniya.

"Pero mas gwapo ka." pabalik kong sabi. Ngumiti nalang ako. Tinalikuran ko na siya at napatalon ako sa gulat nang tinapik niya ang puwetan ko.

Sisinghalan ko sana siya kaso nakalayo na. Umiling nalang ako. Nababakla yata 'yun.

"Oh my God Kuya! Alam mo ba? Mag a-outing pala tayo sa Boracay kasama rin ang family ni Tyrone." sabik na sabi ni Claire nang makabalik na ako sa upuan.

"Huh? Sinong nagsabi?" tanong ko.

"Ako, ngayon ko lang sinabi ang plano nila mama." sabi ni Ate Hannah.





Dumating na nga araw ng planong outing ng dalawang pamilya. Sabado ngayon walang klase. Kami ang naunang makarating sa Boracay, on the way narin daw ang mga Enriquez. Nang makapagcheck-in na kami, hindi na mapalagay si Claire.

"Hoy, ang likot mo." saway ko sakanya.

Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa paghahanap niya ng kanyang one piece swimsuit sa kanyang bag.

Paglabas ko ng pinto, nabungaran ko ang pamilya ni Calvin at si Ate Jessica. Tinuro sa kanila ng bell boy ang kani-kanilang room. Nasulyapan ko naman si Tyrone na nasa likuran. Nakanguso at nakapamulsa. Tinaasan niya ako ng kilay pangbati niya.

Naglakad na ako at lumabas na ng hotel. Ang daming turista parang summer time lang. Nakasuot ako nang pang summer outfit syempre. Hawaiian shirt at short. First time kong makapunta rito sa Boracay. White sand. Ang ganda pala talaga ng tanawin dito.

Sinipa-sipa ko ang buhangin, para akong ignorante na ngayon lang nakatapak ng white sand.

Napaangat ako ng tingin nang may babaeng foreigner ang dumaan sa harap ko. Naka bikini siya. Ang sexy.

"Enjoying the view, huh?".

Nagulat ako nang nasa likuran ko si Tyrone. He's topless. Nakasuot ng trunks. Inalis niya ang shades sa mata at itinaas sa buhok.

Inirapan ko lang siya. Wala akong masabi sakanya. Biglang sumagi sa isip ko yung nakita ko sakanya. Kasing puti nitong buhangin. Hindi ko na yata makakalimutan ang nakita ko parang tumatak na sa utak ko.

"What's the funny?" tanong niya.

Nakaangat na pala ang side lips ko.

Umiling naman ako agad. "Wala."

"Tyrone!" tawag ni Claire.

At ang babae, nakaswimsuit na. Agad namang sumabit ang kamay niya sa braso ni Tyrone.

My Beautiful Rival (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon