Chapter 14: Heartbeat

11.5K 403 24
                                    

Kinabukasan, medyo mabuti na ang pakiramdam ko. Nadatnan ko si Claire na halatang excited sa kwarto niya na mini-make-up-an siya ng baklang make up artist.

"Hi pogi.." bati ng make-up artist sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya and he giggled.

Luh!

Pagkababa ko sa sala, nagulat ako na nandito na pala si Tyrone. He looks so neat and dashing in his black tuxedo. Tumango siya sakin nang makita ako. Inirapan ko siya at dumiretso sa kusina. Ewan ko ba, malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ng kasambahay namin kung mabuti na ang pakiramdam ko.

"Ah, magaling na po ako." sagot ko at hindi ko naman alam kung ano ang kukunin sa pagbukas ng ref.

"Pakibigay naman nitong juice kay ser." utos ni Manang Risa na abala sa pagluluto. Tumango naman ako.

Naiinis na talaga ako sa sarili ko. Ba't ba ako kinakabahan sa presensya niya? Ugh!

Nilapag ko ang orange juice sa mini table nang hindi siya tinitingnan. Nalanghap ko naman ang pabango niya.

Ang bango.... anong pabango ang ginagamit niya?

"Salamat. Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong niya nang akmang tatalikod na ako sa kanya.

"Ah, oo." sabi ko.

Natanaw ko naman si Claire na bumababa na ng hagdan. She's wearing a yellow cocktail dress.

"Pasensya ka na sa paghihintay, Kuya Tyrone." sabi ni Claire.

"Ayos lang. You're so beautiful." sabi ni Tyrone.

"Thank you, hihi!" ani Claire.

Tsk!

"Umuwi ka na ng mga 9." sabi ko.

"Luh! Si kuya, hanggang 11 ang ball noh!" umismid siya.

Wala ang parents namin dahil nasa trabaho at si Ate Hannah naman ay nag o-ojt kaya ako ang mag i-strict sa kanya ngayon.

"So. Umuwi ka ng maaga." seryosong sabi ko.

"Tss, ang kj mo kuya, I hate you, tara na nga kuya Tyrone baka may mens ngayon si Kuya, ang init ng ulo niya." aniya at lumabas na ng bahay.

Napatingin naman ako kay Tyrone na nakatingin sa make up artist.

"Jusko, ang gagwapo.." bulong ng baklang make-up artist pero rinig ko. Pinapaypay nito ang sarili gamit ang palad.

Ngumisi na lang si Tyrone at sumunod na kay Claire na lumabas na.

Kaya naiwan kami ng make up artist.

"Hi pogi..." bati niya na naman. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.

"Wampipti, charot lang, sige alis na ako, hope to see you again, Hihi!" Lumabas narin siya dala ang mga gamit niya pang make up.

Hindi nagtagal, habang nanonood ako ng tv ay may nagdoorbell.

"Ako na po." sabi ko kay Manang Risa na akmang palabas na sana ng kusina. Kumunot ang noo ko nang matanaw si Kendra sa labas ng gate.

"Hi! Dito ka pala nakatira." aniya habang nagmamasid sa paligid.

"Pasok ka." Pinagbuksan ko siya ng gate.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko habang papasok kami ng bahay.

"Alam kong dito ka sa village na 'to nakatira. Nagtanong-tanong na lang ako kung ano ang house number niyo.." aniya.

Tumango ako at pinaupo siya sa sofa.

"So, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sabay upo rin sa sofa.

"Gusto lang kitang kamustahin, ano, magaling ka na ba?"   tanong niya.

Tumango naman ako. "Oo, magaling na ako." sabi ko sabay stretch ng kaliwang braso ko.

Sa panonood namin ng netflix ay inabot naman siya hanggang gabi, dito narin siya naghapunan kasama ang mga magulang ko.

Panay ang mga tanong sa kanya nila mama at kantyaw naman ang inabot ko na nililigawan ko daw si Kendra.

"Naku, bagay na bagay kayo, Hihi!" sabi ni Mama.

Napailing na lang ako. Si Kendra naman ay halatang na o-awkwardan na. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya.

Pagkatapos kumain, nagtagal pa si Kendra dahil panay ang kwento sa kanya ni mama at papa dito sa sala. Ako naman, nakatutok lang sa panonood ng tv. Parang binubugaw na nila ako ah. The way kasi ng pagkikwento nila parang sobra kong bait at proud na proud sila sakin.

"Son, ihatid mo siya sa bahay nila." utos ni papa. Tumango na lang ako.

"See, he's so gentleman, manang-mana sakin." sabi ni Papa.

"Ang bait ng parents mo noh." sabi ni Kendra nang makasakay na kami ng kotse ni papa.

Tumango na lang ako.

"Marunong ka pala magmaneho ng kotse,"

"Oo, kaso hindi muna ako pinapagamit." sabi ko.

"Manood tayo ng sine ah, sa 25." aniya.

Nag isip pa ako kung may gagawin ako sa pasko, wala naman kaya tumango na lang ako.



Nang makarating na kami sa bahay nila ay nagulat ako nang hinalikan niya ako bigla sa pisngi bago lumabas ng sasakyan. Nanlaki lang ang mga mata ko.

"Bye." kumaway siya, ngumiti lang ako at pinaandar ko na ang sasakyan.


Alas-diyes na, wala pa rin si bunso. Sila mama, tiwala na makakauwi ng maayos si Claire kaya natulog na sila. Ako, heto nag aabang sa pinto. Hanggang sa marinig ko na ang busina ng sasakyan. Nakahalukipkip akong sinalubong sila sa labas at pinasadahan ang wristwatch ko.

"Anong oras na?" seryoso kong tanong.

"10:30 na kuya, ba't di ka pa natutulog?" tanong ni Claire.

Aba't! Pinanlisikan ko siya ng mga mata.

"Salamat kuya Tyrone, this is the best night ever." sabi nito kay Tyrone

Nakangiting tumango naman si Tyrone.

"Bye." paalam ni Claire.

Inirapan pa ako ni Claire at kumaway na siya kay Tyrone habang papasok ng bahay.

Tatalikod na sana ako nang hinawakan ni Tyrone ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya.

"Good night." aniya at kinindatan ako bago tumalikod at pumasok ng kotse niya.

Mabilis na naman ang kalabog ng puso ko.




**

My Beautiful Rival (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon