Nanood nga kami ni Kendra ng movie araw ng pasko. Gusto ko sana comedy, pero ang gusto niya horror. Kaya naman panay ang kapit niya sakin sa braso sa tuwing may susulpot bigla sa eksena na multo. Parang chansing na ang tawag dito eh. Minsan, parang yumayakap na sakin. Tsk! Hindi naman nakakatakot ang pelikula na 'to, walang thrill.
Laking gulat ko, hindi sa multo kundi sa lalaking katabi ni Kendra. Natatamaan ng liwanag sa big screen ang mukha niya.
Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba kami? O sadyang maliit lang ang mundo?
Nag smirk si Tyrone nang bumaling sakin.
Heto na naman ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Parang nag iinit ang pisngi at tenga ko sa presensya niya. Hindi nagtagal ay tumayo si Tyrone, siguro pupunta ng cr. Tumayo rin si Kendra.
"Cr lang ako, parang ma iihi na ako rito." aniya.
Kumurba ang bibig ko. Mukhang mag uusap sila ah. At tama nga ako, sinundan ko si Kendra ng hindi niya namamalayan. Narinig ko ang pag uusap nila sa labas ng cr. Nandito lang ako sa madilim na parte.
"Sinusundan mo ba kami?" rinig kong tanong ni Kendra.
"Anong hindi, ang obvious naman." sabi ni Kendra.
"Nagkataon lang." rinig ko naman sabi ni Tyrone.
"Ayaw kitang paasahin, kaya please lang, wag ka ng bubuntot-buntot sakin." ani Kendra. Mabilis naman akong umalis nang marinig ko ang yapak.
Bumalik na silang dalawa na parang walang nangyari.
"May multo pala akong katabi." sabi sakin ni Kendra.
Tama. Ghost talaga siya. Bigla-bigla nalang nagpaparamdam.
New year's eve, nang mag bar kami ng magbabarkada dito sa Eastwood.
"Cheeers!" toast namin ng basa at sabay-sabay lumagok ng alak.
Lumabas kami ng bar para manood ng fireworks display. Nagsisimula na ang countdown hanggang sa i-welcome na ang panibagong taon. Namangha ako sa nagliliwanag na mga fireworks sa kalangitan. Nagtatalon-talon na ang kumakanta na si Bamboo sa stage. Nagtatalon din ang mga tao at sumasabay sa pagkanta nito. Ganun din kami nina Jiro.
Sa pagtatalon ko ay may naapakan akong paa sa aking likuran. Napatigil ako sa pagtalon at nilingon ang tao na nasa likuran ko.
"Sorry," sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Si Tyrone pala ang naapakan ko sa paa.
Tumango lang siya sakin habang pinapanood si Bamboo.
Heto na naman ang hindi ko mapangalanang nararamdaman sa kanya. Ba't ba habang tumatagal ay naggagwapuhan na ako sakanya. He's wearing a white t-shirt, black jeans and white sneakers. Nakapamulsa pa, ang angas ng dating.
"Small world huh?" sabi ko.
"Wala dito si Kendra," sabi ko pa. Akala niya siguro, kasama ko.
Tumaas naman ang gilid ng labi niya.
Tinalikuran ko na siya at nanood na lang. Sila Eros, Ken at Jiro, enjoy na enjoy samantalang ako, heto at natulala na lamang. Parang naconcious tuloy ako sa paggalaw. Parang bawat galaw ko, pinapanood niya. Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa at binasa ko ang mensahe ni Kendra.
"Happy New Year bb!
Tumaas ang kilay ko at nagbati rin ng 'Happy new year!'
Hindi ko namalayan na sa pagdami ng tao, hindi ko na makita sina Ken. Nasaan na ang mga 'yun? Haist! Nagkawatak-watak na kami.