Ilang linggo pa na lagi kong nakikita ang landian nila. Para pa nga nilang sinasadya na ipakita sakin ang sweet moments nila. 'Yung lalake naman, sa tuwing nagkakasalubong kami, may tagong ngiti sa kanyang labi. Nakakairita na. Parang gusto ko na tuloy na magtransfer sa ibang school.
"Ano, pilayin natin?" sabi ni Ken sabay pinaumpog ang dalawang kamao.
Nandito kami sa basketball gym na nanonood ng laro. Tune up game. Ayaw ko sanang manood kaso napilitan ng mga kaibigan ko dahil mahihilig sila sa basketball. Todo cheer pa si Talia habang naglalaro 'yung boyfriend niya.
Varsity player pala ang gago.
"Go Tyrone!" sigaw ni Talia.
"'To talagang si Ken, napakabayolente." iling na sabi ni Eros.
"Kase naman parang nanghahamon ang tingin niya kay Dwayne." giit ni Ken.
Natapos ang laro na ang panalo ay ang team nung Tyrone. Bumaba pa si Talia para i-congratulate ang pagkapanalo ng boyfriend niya at walang hiyang naghalikan sa labi ang dalawa.
"Ay, putsa! PDA Pre." si Eros.
Paano ba makamove-on sa ganitong sitwasyon? Parang araw-araw nalang laging umiinit ang ulo ko.
Nang gabi pumunta kaming bar. Ibang bar naman ang pinuntahan namin. Hilig kase namin ang mag bar hopping na magbabarkada.
"Cheeeers!" pinaumpog namin ang baso na may lamang alak.
"Pre, ayun oh lapitan mo." tulak sakin ni Ken. Pinilit nila akong pinatayo at tinulak patungo sa may bar stool kung nasaan ang babaeng tinuturo nila. Maganda naman ito at sexy. Hapit na hapit ang damit sa katawan niya. Kita pa ang cleavage. Ngumiti ang babae sakin.
"Hi, I'm Katy." pakilala niya sabay lahad ng kanang kamay sakin.
"Dwayne." pakilala ko rin sabay tanggap ng kamay niya.
Napalingon ako sa mga kaibigan ko na sinesenyasan ako ng kung ano-ano dito sa babae. Nagkuwentuhan lang kami ni Katy ng kung anu-ano. Sa huli ay niyaya niya akong sumayaw sa dance floor. Sumunod naman ako sa kanya.
"Let's dance, come on." aniya habang dinidikit na sa katawan ko ang balakang niya at ginugulo pa ang buhok na parang nang aakit. Nakatayo lang ako na parang poste. Hindi naman kase ako marunong sumayaw. Nahagilap ng mga mata ko sila Eros na nandito rin sa dance floor.
"You're so pogi." sabi ni Katy sabay haplos sa dibdib ko.
"Wanna do some hot stuff?" aniya pa.
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko? Ano nga ba?
Nahagip naman ng paningin ko si Talia na nandito din sa dance floor. May kasayaw siyang ibang lalake.
What the!
"I think you're gay, dyan ka na nga!" rinig kong sabi ni Katy at tinalikuran na ako. Napirmi parin ang tingin ko sa kay Talia at binalewala ang sinabi nung katy.
Pambihirang babae 'to! Wag niyang sabihin na niloloko niya rin ang bago niya ngayong boyfriend? Parang kumulo ang dugo ko sa nakita ko.
Napailing na lang ako at bumalik na sa couch. Naabutan ko doon si Eros na mag isa.
"Pre, nasaan na 'yung babaeng kasama mo?" tanong niya.
"Umalis." sagot ko. Sinabihan pa akong bakla.
Iniisip ko parin ang nakita ko. Wala na yata talaga akong pag asa kay Talia. Naniniwala pa rin kase akong magkakabalikan kami pero malabo na talaga.
Dumating naman sila Jiro at si Ken na may kasamang babae.
"Pre, nakita mo ba si Talia? Nandoon siya sa dance floor may kasamang ibang lalake." Hindi makapaniwalang sabi ni Jiro. Tumango nalang ako at lumagok na ng alak. Edi dalawa na kaming naloko niya. Ako at ang bagong boyfriend niya. Grabe.
Kinabukasan sa school. Walang kaalam-alam itong Tyrone na 'to na niloloko din siya ni Talia. Nakatanaw lang ako sa kanila sa may bench sa gilid ng football field. Kami naman, nakaupo sa malaking ugat ng puno. Si Talia nakasandal ang ulo sa balikat nung Tyrone habang pinaglalaruan ang daliri niya. Napailing nalang ako. What a relation-shit!
"Dao ming si!" rinig kong sigaw ng babae.
Napalingon ako kay Barbie na papalapit. Si Eros lang naman ang tinatawag niyang ganung pangalan.
"Hays, andyan na naman siya." iritadong sabi ni Eros.
Natawa naman kami.
"Patay na patay talaga sayo si Shancai eh." natatawang sabi ni Ken.
"Hi, may dala ako para sayo." sabi ni Barbie nang makalapit na samin sabay abot ng lunch box kay Eros.
"Pwede ba, tantanan mo ako." asik ni Eros.
"Tinantanan na kita ng ilang buwan, pero di ko talaga matiis eh. Miss na miss na kita." sabi ni Barbie.
Napailing nalang ako habang natatawa.
"Hindi kita type, alis." pagtataboy niya.
"Atsaka, wag mo kong tatawaging Dao ming si!"
"Kamukha mo kase siya eh."
"Umalis ka na, shoo." taboy ni Eros.
"Akin na lang 'yan, kung ayaw ni Eros." sabi ni Ken at kinuha na ang lunch box mula kay Barbie. Nagpout na lang si Barbie at umalis na.
"Kawawa naman pre, syotain mo na kase." natatawang sabi ni Jiro.
Maganda naman si Barbie. Kaso, wala talagang amor sa kanya si Eros. Kase ang childish kumilos, ayaw niya raw ng ganung babae. Gusto niya, mature na mag isip.
"Alam mo naman na ayaw ko sa childish diba." giit ni Eros.
Gumapang bigla ang pait na nararamdaman ko nang matanaw ang dalawa na si Talia at Tyrone na naglalaro ng football. Nadulas si Talia at inalalayan siya nung Tyrone.
Patuloy pa rin sila sa pagtakbo habang hinahabol ang bola.
"Wag mo na kaseng tingnan." biglang may tumakip ng palad sa mata ko.
Inalis ko ang kamay ni Ken at bumaling na lang kung saan.
Hanggang sa may mabigat na bagay ang tumama sa ulo ko.
"Aray ko, putsa!" daing ko habang sapo ang ulo ko. Bigla akong nahilo. Narinig ko ang singhapan ng mga kaibigan ko.
"Sinong--"
Nang tumayo ako ay papalapit naman sa kinaroroonan namin si Tyrone.
"Sorry pre, di ko sinasadya."
"Sinadya mo kaya." giit ni Ken at ambang susugurin na si Tyrone pero pinigilan siya nila Eros.
"Sorry talaga." aniya.
Kita ko naman sa kanyang mga mata na concern siya. Nabaling ang tingin ko kay Talia na nakangisi lang.
Nagulat na lang ako nang lumapit na sakin si Tyrone at tinitignan ang ulo kong natamaan. Nagulat talaga ako. Akala ko hahalikan ako eh. Bigla ba namang lumapit ang pagmumukha sa mukha ko. Nabaling ang tingin ko sa mapupulang labi niya.
"Dalhin kita sa clinic." anyaya niya.
Umiling na lang ako. "Wag na." sabi ko at tumayo't tinalikuran na sila.
**
To be continued....