Nang nasa liblib na kami ay binitawan na ako ng lalake at tumakbo na sila sa makipot na daan. Nagkanda-ubo ako dahil sa higpit ng pagkakasakal ng lalake sakin.
"Dwayne!" rinig kong sigaw ni Kendra.
Nakalapit na sila sakin at inalalayan akong tumayo ni Tyrone.
"Okay ka lang?" alalang tanong ni Kendra habang pinapasadahan ako. Tumango ako. Niyakap niya naman ako ng mahigpit.
"Sobra akong nag alala, buti at ligtas ka." sabi ni Kendra habang nakayakap pa sakin. Napatingin ako kay Tyrone na pinagmamasdan lang kami.
Agad naman kaming nagreport sa pinakamalapit na police station.
"Salamat." sabi ni Kendra kay Tyrone nang pasakay na ito sa kanyang kotse.
Tumango si Tyrone at tiningnan ako.
"Salamat." sabi ko rin.
"Ingat kayo." sabi niya naman at sumakay na siya ng kaniyang sasakyan.
Isang linggo ang nakalipas ng mangyari 'yon. Tuwing naiisip ko, para akong napaparanoid. Paano kung sinaksak sakin ang kutsilyo? Patay na sana ako o kaya naman kritikal sa ospital. Napailing na lang ako. Ayaw ko ng isipin 'yon. Gusto ko ng burahin sa utak ko.
Kinuwento ko na kila Eros ang nangyari pero sa pamilya ko hindi.
"Tsk! Kung nandun ako, comatose yung nangholdap sainyo." sabi ni Ken.
"Oh, ayan na ang palalabs mo." sabi ni Eros nang matanaw namin si Kendra na papalapit dito sa tambayan namin sa ilalim ng puno sa gilid ng soccer field.
Humingi na naman siya ng tulong, gusto niyang magpaturo sa isang major subject na nahihirapan siya.
Kaya ayun, umalis na sila Jiro. Makahulugan nilang tinapik ang balikat ko bago umalis.
So far, ang pinapaturo sakin ni Kendra ay easy na para sakin. Makulimlim na ang langit ngayong hapon, mukhang babagsak na ang ulan. Nagsisitakbuhan na ang mga estudyante para hindi maabutan ng ulan. Tumakbo narin kami ni Kendra palabas ng campus, wala ng masyadong estudyante nang makalabas na kami. Paunti-unti ang patak ng ulan hanggang sa bumuhos na ito. Ayun, nabasa na kami. Sisilong na sana kami sa waiting shed nang hinigit ako ni Kendra.
"Maligo na lang kaya tayo sa ulan, basang-basa na tayo oh." tawa niya.
Tumango na lang ako, total, basang-basa na kami ng ulan. Pumunta kami sa parke malapit lang dito. Nilagay namin ang aming bag sa may silungan.
Tumingala si Kendra at sinalubong ang buhos ng ulan. Ganon din ako, ang sarap sa pakiramdam. Habang nagtatawanan kami ni Kendra ay nahagip ng paningin ko si Tyrone na nasa silong. Nakapamulsa siya habang tinitingnan kami. Kanina pa ba siya dyan? Hindi namin siya napansin.
Nakita na rin ni Kendra si Tyrone.
"Tyrone, halika, maligo tayo." anyaya sa kanya ni Kendra. Matapos bastedin niya si Tyrone, nawala na 'yung ilangan nila mula ng mangyari ang holdap isang linggo na ang nakalilipas.
Hinila ni Kendra si Tyrone sa ulan. Pansin ko naman na ayaw ni Tyrone. Umiling lang siya.
"Ang kj." natatawang sabi ni Kendra nang makabalik sakin. Tiningnan ko si Tyrone at parang na concious ako dahil sa titig niya sakin. Bumilis din ang tibok ng puso ko.
Ano na naman bang pakiramdam ito?
Nahiya tuloy akong gumalaw, samantalang si Kendra ay nag eenjoy naman sa ulan.
Napalingon ako kay Tyrone nang naglakad na siya sa ilalim ng ulan palabas nitong parke. Hindi nagtagal ay tumila na ang ulan. Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Hinatid ko pa kasi si Kendra sa bahay niya.
Kumati ang ilong ko at bumahing. Sinipon ako at nilalamig ang pakiramdam. Mukhang lalagnatin ako nito ah.
"Yan kase, paulan pa." sabi ni Ate Hannah.
Kinabukasan, hindi ako pumasok dahil inaapoy ako ng lagnat. Panay naman ang sermon ni Mama sakin na nagpaulan ako. Tinawagan ko sila Eros na hindi ako makakapasok.
Saka ko lang naalala na huling araw na lang pala ng pasok bukas dahil Christmas break na.
"Ano, may lagnat ka?" takang tanong ni Kendra sa kabilang linya.
"Oo." sagot ko sabay ubo.
Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na kasalanan niya 'to.
Dumaan pa ang isang araw na inaapoy parin ako ng lagnat. Balot na balot ako ng makapal na kumot, nanginginig na ako sa lamig.
"Kuya, may bisita ka." bungad ni Claire sa may pinto ng kwarto ko.
"S-sino naman?" nanginginig na tanong ko
"Si Tyrone." sagot niya.
Ang nakapikit na mga mata ko ay biglang nanlaki.
Ano namang ginagawa niya rito?
"Ayan siya oh, nilalagnat, kawawa naman." sabi ni Claire sa kausap niya sa labas ng pinto. Nagulat na lang ako nang si Tyrone ang iniluwa ng pintuhan.
Pumasok siya at umupo sa kama. Kumunot ang noo ko.
"May lagnat ka pala, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.
"Heto, mamamatay na." biro ko.
May multo naman sa kanyang mga labi.
"Paulan pa kase," aniya.
"Nandito ka ba para sermunan ako?" inis na sabi ko.
"Hindi ikaw ang sadya ko, si Claire, nalaman ko lang sa kanila na may lagnat ka pala." aniya.
"Anong kailangan mo kay Claire?" tanong ko.
"Yayayain ko sana siya maging date ko sa ball ng aming mga varsity player" aniya.
Hindi naman pala ako ang sadya niya rito sa bahay. Ba't andito siya sa kwarto ko? Tsk!
"Magpagaling ka ah." aniya at tumayo na.
Inirapan ko na lang siya. Tumalikod ako sa kanya at nagtalukbong na ng kumot.
"Ikaw sana ang gusto kong maging ka-date kaso..." aniya.
Huh? Anudaw?
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.
***