"Dwayne!"
Rinig kong tawag sakin papalabas na kami ng campus nina Jiro. Nagulat nalang ako nang kumapit si Kendra sa braso ko. Isang linggo na ang lumipas at lagi na siyang lumalapit sakin.
Napangisi naman ang mga kaibigan ko dahil kay Kendra na kung makakapit sa braso ko parang linta.
"Sabay na tayong umuwi." aniya. Wala na akong nagawa kundi tumango nalang.
"Sige pre, una na kami." May halong panunukso na paalam nila Eros.
Gusto ko sanang tanungin kay Kendra kung nasaan ang manliligaw niya pero natanaw na namin si Tyrone sa parking lot na nakasandal sa kanyang kotse. Kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan.
"May maghahatid na yata sayo eh." sabi ko. Nakakapit parin siya ng mahigpit sa braso ko. Ang touchy niya ah.
"Ikaw na maghatid sakin, gusto ko lang umangkas sa motor mo." sagot ni Kendra.
Napatingin ako kay Tyrone na mariin ang titig sakin, anumang oras parang susugurin na ako.
"Tyrone, sa kanya na muna ako magpapahatid ah." sabi ni Kendra nang makalapit na kami sa kanya. Ako naman, hindi makatingin kay Tyrone, sa motor lang ako nakatingin.
"Sige." sagot ni Tyrone.
Hindi pa nga ako nakakaangkas sa motor ay umangkas na agad si Kendra. Tss.
Inabot ko naman sa kanya ang isang helmet. Umangkas na ako. Sa gilid ng mga mata ko, madilim ang mukha ni Tyrone. Umirap nalang ako at pinaandar na ang motor ko. Ayan na naman ang mga kamay ni Kendra na nakakapit sa katawan ko. Makatsansing ang babaeng 'to, wagas!
Tinuro niya naman kung saan ang bahay niya na nasa loob pa pala ng isang subdivision. Mas malayo pa pala ang bahay niya kesa samin eh.
Kinabukasan, nandito kami nina Jiro sa tambayan namin na nakaupo sa damuhan sa gilid ng malawak na soccer field. Nakita ko naman sila Kendra at Tyrone na umupo rin sa damuhan sa ilalim ng puno. Si Tyrone, may bitbit na gitara. Kumaway naman sakin si Kendra nang makita ako. Napatingin din sa gawi ko si Tyrone na parang galit.
"Pagkakataon mo na 'to Pre, na makaganti sa kanya." sabi ni Ken at tinanguan naman siya nila Jiro at Eros.
Kumunot naman ang noo ko. "Huh?"
"Agawin mo si Kendra kay Tyrone." nakangising sagot ni Ken.
Napailing nalang ako.
"Tutulungan ka namin maagaw siya sa gagong 'yan." ani pa ni Ken.
"Tsk! Ayaw kong paglaruan si Kendra." sabi ko.
Napatingin na ako kila Kendra nang marinig ang pagtugtog ng gitara at kumanta si Tyrone.
'Pag automatic na ang luha
Tuwing naghahating-gabi
'Pag imposibleng mapatawa
At 'di na madapuan ng ngiti..Di ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Tyrone habang kumakanta at nag i-strum ng gitara. Napatingin si Tyrone sakin na para bang nanghihypnotize. Kumabog naman ang dibdib ko.
Kumapit ka kaya
Sa akin nang ikaw ay
Maitangay sa kalayaan ng ligaya
Tayo na, tayo na
Ika'y magtiwala sapagka't ngayong gabi
Ako ang mahiwagang elesi.."Hoy!" nagulat nalang ako nang sinapak ako ni Ken.
"Anong sabi mo?" inis na baling ko kay Ken.
"Wag mong sabihing kinikilig ka sa gagong 'yan habang kumakanta!" nakangising sabi niya.
"Kinikilig agad? Tsk!" singhal ko.
"Ang pangit naman ng boses niya." sabi naman ni Eros na parang nagpaparinig.
Napasulyap ako kila Kendra. At tinuturuan na siya mag strum ng gitara.
Ewan ko ba, parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang kinukurot ang puso ko nang makita silang ganyan ang posisyon. Halos yakapin na ni Tyrone si Kendra habang tinuturuan.
Naiinis ako kay Tyrone.
May gusto na ba agad ako kay Kendra?
"Pre, late na tayo." Nakatayo na pala silang tatlo at tinanggap ko naman ang kamay ni Eros para makatayo. Nagpagpag ako sa puwetan ko at naglakad na ng hindi nilingon pa sila Tyrone.
Kinahapunan, papalabas na kami nang tinawag na naman ako ni Kendra. Kasama niya si Tyrone. Diretso lang ang mata ko kay Kendra nang lingunin siya.
"Bakit?" tanong ko.
"Magpapaturo sana ako sayo," sagot niya.
"Saan?"
"Sa isa kong major subject." aniya.
"Sa kanya ka nalang magpaturo." tukoy ko kay Tyrone pero di siya tinitignan.
Naramdaman ko naman ang pagsiko ni Ken na parang kinukumbinsing turuan si Kendra.
"Business siya, tayo ang pareho ang kurso, kaya sige na.." pamimilit pa ni Kendra. Bumuntong hininga nalang ako.
"Okay, saan kita tuturuan?" tanong ko at rinig ko ang sabay-sabay na sabi nila Ken.
"Yuun!"
"Kahit dyan lang sa may coffee shop." sabi ni Kendra.
Tumango nalang ako.
"Bukas ng sabado ah, chat nalang kita, bye." paalam niya at hinigit na si Tyrone na hindi ko naman tinitingnan.
"Hahaha!" sabay napahagalpak sila Ken.
"Bakit?" kunot noo kong tanong.
"Kung nakita mo lang ang pagmumukha ni Tyrone, selos na selos." sagot ni Jiro.
"Ang talim ng tingin sayo pre." sabi ni Eros.
"Mukhang makakaganti ka na, chance mo na bukas, pormahan mo na, boy." sabi ni Ken. Nakangiti silang tagumpay.
***