Inistraight kong nilagok ang beer na hawak ko at padarag na nilagay sa lamesa. Umiikot na ang paningin ko sa kalasingan.
"Tama na 'yan pre." saway sakin ng kaibigan kong si Eros.
Hindi ko siya inintindi at patuloy lamang sa pag inom. Umaalon na ang paningin ko, namalayan ko nalang na akay-akay na niya ako.
Nagising ako sa nakakasilaw na sinag ng araw sa may bintana. Kinusot ko ang mga mata ko at napahilot sa sentido dahil biglang kumirot ito. Pagbangon ko sa kama, nanlaki ang mga mata ko nang nakaboxer na lang ako. Napatakip agad ako ng sarili ko. Shit, sinong nang-rape sakin?
Bumukas ang pinto at si Eros ang pumasok.
"Anong ginawa mo sakin?" tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya at saka umiling. "Wala ka na bang matandaan sa ginawa mo kagabi ah?"
Pinilit ko naman inalala ang nangyari kagabi. Ang naaalala ko lang ay uminom ako.
"Tangina pare! Inaya mo kong... alam mo na." makahulugan niyang sabi sabay halakhak.
What the!
"Joke lang." bawi niya. "Kumain ka na ng almusal at pagkatapos umalis ka na rito sa apartment ko."
"Ba't ako nakahubad?" takang tanong ko.
"Sumuka ka, alangan namang hayaan kitang mabahiran ang kama ko ng suka mo, yuck!"
**
"Ba't ka inumaga ?" bungad sakin ng kapatid ko na si Ate Jessica pagkauwi ko sa bahay, nasa garden siya kasama ang dalawa ko pang kapatid na babae.
"Baka naman, oh my god! Baka may nangyari na sainyo ng girlfriend mo?" sabi naman ng isa ko pang kapatid na si Ate Hanna.
Tss!
"Baka nabuntis mo siya kuya?" sabat naman ng bunso naming kapatid na si Claire.
Tss, ang o-oa. Umiling na lang ako at napahawak sa ulo kong masakit. Nahihilo pa rin ako.
Naabutan ko naman sila papa at mama sa sala na nanonood ng tv.
"Ano, anak? Gumawa na ba kayo ng magiging apo namin?" ngising tanong ni Papa.
"Ano ka ba naman Sebastian! Bata pa ang anak natin para dyan!" saway ni Mama.
Umiling na lang ako at umakyat na ng hagdan. Hindi na ako nagpaliwanag kung saan ako nanggaling. Alam na rin naman nila na lagi akong tumatambay sa apartment ng barkada ko.
"Nagbibiro lang naman ako." rinig kong sabi ni papa.
"Dwayne, kumain ka ng almusal!" sigaw ni mama.
"Nag almusal na po ako!" sagot ko.
Nahiga ako sa kama at inisip ang mga nangyari. Hays, makakalimutan din kitang babae ka. Mahigit isang buwan mo kong niloko at pinaasa.
**
Dumating na ang pasukan. I'm a second year college na sa kursong Tourism. Ang lakas ng ulan sa unang araw ng klase. Nabasa pa nga pati medyas ko dahil baha yung daan. Minalas nga naman dahil kaklase ko sa isang subject si Talia. Para lang akong hangin na nilampasan niya. Tumiim ang bagang ko. Kumulo pa lalo ang dugo ko nang marinig ang kwentuhan ng mga kaibigan ni Talia. Halatang ako ang pinag uusapan nila. Ang obvious dahil pasulyap-sulyap sila sakin habang nagkukwento si Talia.
"May bago ka ng boyfriend?" gulat na sabi ni.. nakalimutan ko name niya. Halata namang pinaparinig niya sakin.
"Yes, and ang masasabi ko lang... he's better than him."
Nang marinig ko ang sinabi ni Talia. Tatayo na sana ako para lumabas muna nang dumating na ang professor namin sa hospitality.
Inisip ko, kailangan ko ng pagtitimpi sa babaeng 'to. Kalma lang Dwayne, makakahanap ka ng ipapalit sa kanya.
Nagkita-kita naman kami ng mga kaibigan ko nung lunch break. Si Eros, Jiro at si Ken. Habang kumakain kami sa cafeteria, napalingon ako sa pinto nang pumasok si Talia kasama ang boyfriend niya. Aba! Dito pala nag aaral ang lalakeng 'yan.
"Pre, relax." si Eros sabay tapik sa braso ko.
"Mas gwapo ka pa nga dyan eh." si Ken.
"Makakahanap ka din ng iba." si Jiro.
Nagpatuloy na lang ako sa kinakain ko. Parang hindi pa ako ginanahan kumain. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na kumakain na sila at nakukwentuhan.
Tsk! Maghihiwalay din kayo.
At pagsisisihan mo Talia na niloko mo ako.
Sa hindi inaasahan, nagtama ang tingin namin nung bagong boyfriend ni Talia. Halatang nagulat siya na nandito ako. Tinignan ko siya na parang nanghahamon.
"Pre, chillax ka lang." sabi ni Eros sabay tapik ulit sa braso ko.
"Sarap basagin ng pagmumukha ng gago." sabi ni Ken.
"Oy, chillax ka rin." si Jiro kay Ken.
***
To be continued....
![](https://img.wattpad.com/cover/224965375-288-k437796.jpg)