Chapter 15

7.9K 344 24
                                    

D A Z Z L E

Chapter Fifteen

Cameron

“Hija …”

I looked behind and saw Mrs. Margarita Harris smiling at me.

“Oh, hello po.” I answered and slightly bowed. Nasa grocery store ako para mamili lang ng ilang stocks para sa bahay.

“Kumusta ka na? Okay ka na ba ngayon?” Tanong niya sa akin at napayuko na lamang ako. “Pwede kang mag kwento sa akin kung gusto mo. Wala naman akong gagawin.” Saad ng ginang na nakapagpakurap sa akin.

“Naku, nakakahiya po.”

“Ayos lang ‘yon, hija. Hindi kasi tayo nakapag usap n’ung nagpunta ka sa bahay dahil umiiyak ka.”

“Pasensya na po kung umiyak lang ako sa inyo noong araw na ‘yon.”

“Wala ‘yon, hija. Nag aalala lang ako sa’yo.”

“Salamat po. Gusto niyo po bang mag coffee?” Tanong ko sa ginang at maganda ang isinukli niyang ngiti sa akin.

“Gusto ko, hija. Pero tapusin mo muna iyang pamimili mo.” Sagot niya at kumapit siya sa braso ko at dalawa kaming namili ng mga kailangan ko para sa bahay.

-

“Cameron, ikaw pala iyong bagong teacher kina Connie. Kaibigan mo si Connie.” Mrs. Harris said, she’s pertaining to Mrs. Yu, our principal.

“Opo, substitute teacher lang po kaya hanggang natapos lang po ang school year ako rito. Aalis din po ako.”

“Naku, sayang naman. Itanong natin kay Connie kung may mag r –retired o mag r –resign bang teacher sa school nila para hindi mo na kailangang umalis.”

“Po? Hindi na po. Talagang hanggang ngayong school year lang po ako. Gusto niyo po ba ng kape?”

“Sige, hija. Salamat.”

Mrs. Harris sat by the counter while I made the coffee.

“H’wag mo sanang mamasamain ang tanong ko, hija. Pero gusto ko sanang malaman kung bakit nagpunta ka sa bahay ko noon? Ang sabi mo lang ay may hinahanap kang Margarita Harris. Sino ba ang Margarita Harris na hinahanap mo?”

I sighed and looked at Mrs. H.

“I … I was looking for, for …” I gulped and took in a deep breath. I am rapidly being flooded with anxiety. My throat thickening, my jaw gritting. I closed my eyes and slowly counted, then I felt Mrs. H’s hand on my arm. When I opened my eyes, she’s smiling lightly.

“Hija, kung hindi ka komportable ay hindi mo kailangang sabihin sa akin. We can just enjoy each other’s company without complication.” Marahang saad niya. I smiled and nodded. “Mabuti pa ay inumin mo na rin ang kape mo bago pa iyan lumamig.”

“Opo, kayo rin po.”

Ngumiti siya at ganoon din naman ako. Nag vibrate ang cellphone ko at dalawa kaming napatingin doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ni Wyatt sa screen.

“Hi, are you home?”

I immediately grabbed my phone and turned it over. The screen now facing the table.

“May mga kaibigan ka na ba rito sa bayan namin?” Tanong ni Mrs. Harris.

“Meron naman po.”

“Sina Stella ba? “Mrs. H” ang tawag sa akin ng mga batang ‘yon. Iyon na rin ang itawag mo sa akin. Mag kakasing edad yata kayo.”

“Opo. Mrs. H na rin po ang itatawag ko sa inyo.” Ngumiti kami sa isa’t isa.

DazzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon