-9- (RIA)

1.7K 30 0
                                    

You were mine for a night. I was out of my mind...



✘●✘●



Kath's POV



"How could I tell Ioved you when you were so happy," pagsabay ko sa kanta. "With some other...girl" at sabay buntong hininga ko.



Itinanggal ko na yung earphones sa dalawa kong tenga at pinatigil na rin ang tugtog sa phone ko. Masyado na akong nag-eemote ano ba yan, siguro napagod lang ako kagabi sa Valkyrie.



Umupo na ako mula sa pagkakahiga sa kama at tiningnan kung anong oras na, maga-alas otso narin kaya nagbihis na ako at tumungo kina Dj.





Pagkababa ko ng kotse, kita kong palabas ng gate si Julian.


"Huy Julian! Saan papunta?" pagtawag ko sa atensyon habang lumalapit sa kanya, nasa gate parin siya eh.


"Oh and'yan ka na pala! Susunduin na sana kita eh ang dami narin kasing tao" pagsagot niya sa akin.




Inaya narin niya ako papasok at isinara ang gate. Marami na nga ang tao sa labas man o loob ng bahay, pero sa labas malapit sa garahe may decorations.

Lahat naman ng makasalubong ko eh binabati ako kaya naman tinatanguan ko lamang, nasa unahan ko si Julian at papunta kami sa loob ng bahay nila Deej.




"Sabi ko sa inyo eh, astig talaga 'to the best paano pa kaya yung 7 woo!!" rinig kong sigaw ni Seth.


Kita kong nasa sala sila at nanonood ng Furious 6, balak ata nilang panoorin yung 7 kaya pinanood nila yung 6.


"Kath! Doon ka oh!" turo ni Arisse sa espasyo ng sofa na kalapit ni Dj. Siya lang ata ang hindi focus sa pinapanood eh haha.



"Happy Birthday ulit Bal, bukas na yung regalo ko!" sabay upo ko sa tabi niya. Ihinarap lamang niya yung mukha niya sa akin sabay ngiti tapos humarap ulit siya sa pinapanood niya, lechugas yan oo bwiset.



"Oh makakain, ayaw niyo talaga lumabas?" tanong ni Tita Karla habang nilalapag yung mga junkfoods, popcorn at juice sa mesa.



Natapos na yung palabas pero parang gusto pa ng barkada na magkwentuhan. Nakakalungkot kase yung pagbitaw nung babae para doon sa Chinese na lalaki para masagip siya, haha hindi ako fan masyado lang affected.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon