-2- (RIA)

2.9K 54 3
                                    

You took my breath away. And I kinda like the way that you're so damn unpredictable.



✘●✘●



Daniel's POV


Nanonood lang ako ng Adventure Time sa sala sa taas nang marinig ko ang boses ni Z mula sa baba.


Maya maya lang  nakita ko na siyang papunta sa direksyon ko na abot tenga ang ngiti? "Anong ngiti 'yan?" tanong ko nang nakataas ang isang kilay at may pagtataka. "Ikaw! I saw Tita Karla's tweet yesterday about TRES concert!! I'm very proud of yah'! Pero bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Yumakap siya sa'kin pero ramdam kong naka-pout siya.



"Ah yeah, ayun nga kahapon lang tapos hindi ko na nasabi sa'yo kase busy ako pag-iimpake ng bagahe papuntang LA, for ASAP." Pagpapaliwanag ko habang tinatanggal ko ang pagkakayakap niya bagkus pagpapaharap ng mukha niya sa'kin.


Magkaharapan na ang mukha namin nang..


"Ehem!" anak ng tokwa naman si Patrick!


"Mga kalandian niyo!" pagpapatuloy niya.


"Gago!" sagot ko habang pinapaupo si Zharm sa tabi ko.


"Deej, ako na magtutuloy pag-aayos ng gamit mo ha! Punta na akong kwarto mo." Tumango na lang ako bilang sagot.



"Ang harot mo pre!" natatawang sabi ni Pat sabay batok sa'kin, tumawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Napakadaldal ng lalaking ito.


"Oh asan yung loves mo?" tanong ko para naman matigil na'tong pagkukwento nito tungkol saan saan. "Ayun nagb-bake sila ng cookies ni Kath." Umupo na siya ng maayos. "Oh, eh? Hilig talaga nung si Kath sa mga luto lutong mga ganyan. Sarap nga magluto nun ng mga pastries!" Bigla namang tumayo na siya, aalis na ata.



 "Pre, nga pala! One week kayo sa LA, pasalubong ko ha labyu! HAHAHAHAHAHAHA" alam ko namang 'yun ang ipinunta niya eh.



"Eh san ka pupunta?" tanong ko kase lakad takbo na siya papuntang hagdanan. "Naisip ko biglang makapunta pala kina Kath susunduin ko si Arisse pati makikikain ako ng cookies." Tapos nagmabilis na siyang bumaba, narinig ko ring pasigaw na siyang nagpaalam kay mama.

Barubal talaga 'yung si Pat!




Kath's POV



"And it's all done! Yey, we did it Arisse!" tuwang tuwa kong sabi dahil tapos na ang oreo cookies na ginawa naming at mukhang masarap ito.


"Picture picture! haha Let's take a picture!" sabi ko sa kanya habang kinukuha ko na yung phone ko sa sala. "I know right!" rinig kong sigaw niya mula sa kusina.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon