-24-

984 37 4
                                    

When the stars go out you can rest your love on me
And when the worlds get loud baby you can rest your love on me, on me

.xoxo.

Tumakbo agad ako pataas sa aking kwarto pagkatapos kumain ng umagahan para maligo.

"Stop running Chan, kakakain mo lang!" rinig kong sigaw ni lola.

Nasa dining area parin sila, andon parin si Daniel at nakikipag kwentuhan sa kanila. Tahimik lang ako habang kumakain kanina, nakaka-conscious dahil kita kong tinitingnan ako ni Dj kahit na kausap niya sina Jack.

"Ligo lang po, La." sigaw ko pabalik.

Nang makarating na ako ng kwarto naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

Hindi ko alam kung nasa baba pa siya at naghihintay. Hindi ako magkaigi sa susuotin ko. Para akong namimili ng bibiling damit kapag nagsh-shopping. Nakailang palit ako bago na-satisfied sa napili ko. Nagsuot lamang ako ng maxi dress na mint green ang kulay. I just blow dry my hair at gumamit lang ng lip tattoo para medyo pumula yung labi ko. Sinuot ko na rin ang summer necklace na binigay ni Daniel sa akin kahapon.

Nasa hagdan palang ay kita ko ng nanonood sila sa sala. Si lolo at Jack ay nakaupo lamang sa sofa. Si lola naman ay nag-aayos ng mga bulaklak sa vase.

Umalis na si Daniel:(

Imagine, nag-ayos pa ako ng mabuti para sa kanya!

"La, si Daniel po?" halos pabulong kong tanong kay ina at umupo narin katapat niya.

Saglit na tumingin siya sa akin bago sinagot yung tanong ko. "Maliligo muna din siya eh." pinagpatuloy naman niya yung pag-aayos.

Mabibilis na yapak naman ang narinig ko mula sa hagdan kaya napatingin ako roon. Kita ako ang nagtatakbuhan pababa ang mga soldies ko.

"Mahuli manlilibre!" sigaw ni Kuya Theus na nangunguna. Napangiti nalang ako. Kawawa naman yung mahuhuli.

Tumakbo sila at dumiretso sa dining area. Sumunod nalang ako. Baka kakain sila ng umagahan. Ano kayang plano nila ngayong araw? May dalawang araw nalang ako dito sa probinsya, gusto kong lubos lubusin na ang bakasyon na ito.

"Chan, manlilibre mamayang gabi si Lex." bungad ni Kuya Jan nang makarating ako sa dining area.

"Saan ba punta mamaya? Uwi na ako sa isang araw." Nag-pout pa ako. Ginulo lang ni Kuya Theus yung buhok ko at pinaupo ako kalapit niya.

"Movie mamaya sa mall." sagot ni Kuya Theus sabay subo ng pancake.

"Daya niyo eh, planado pagkatalo ko!" angal naman nitong si Kuya Lex na nasa kaliwa ko. So, siya ang nahuli kanina sa takbuhan.

"Okay lang yan! Wala ka namang girlfriend na kailangang i-date kaya wala kang pag-iipunan." sambit naman ni Kuya Jan. Napatawa ang lahat sa sinabi niya kaya inabot ni Kuya Lex ang ubas sa gitna ng mesa at binato si Kuya Jan ng piraso nito. Pikon!

"Ano ba pwedeng gawin? Ang boring!" sigaw ko. Pagkatapos naman kasing kumain ay heto kami at nanonood ng NBA. Ay, mali pala! Sila lang, sila lang itong nanonood ng game 4 ng cavs at raptors.

Medyo nilingon nila ako pero pinagpatuloy ang pinapanood. Ang boring naman.

"Mag-upload ka nalang ng mga pictures kahapon." suhestiyon ni Kuya Andre. Magandang ideya yun ah. Tumayo na ako para tumaas at magsimula ng mag-upload. Hindi naman lahat ako ang mag-uupload eh, si Jack nalang raw. Pipili lang ako ng pwedeng ipost sa instagram at konti sa facebook.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon