-18-

1.5K 35 7
                                    

Pictures in my mind on replay
I'm gonna touch the pain away
I know how to scream my own name
Scream my name

.xoxo.

"Trina kase kantahin mo yung roses!!" napapangiwi nalang ako sa kaingayan ni Chie habang niyuyugyog ang naglalarong si Trina na kalapit ang nanonood ng tv na si Arisse.

Nandito kami kila Chie, sa pagkakaalam ko kase movie marathon ang plano eh parang naging daldalan lang.

"Ayaw, busy ako." kita kong ngumuso si Chie sa kanya.

"Ganda ganda ng boses, ayaw i-enhance!"

Sa pagkawala ng kaingayan nila, ay bumalik na naman ako sa pag-iisip kung ano ba talaga ang meron kay Dj at Sue. But i'm sure it's not serious, hindi niya sinasabi sa tropa eh.

Nakakahiya namang magtanong, ano ako girlfriend? You wish, Kathryn.

"Fuck!" sabay sabay kaming napalingon kay Arisse dahil sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa kanyang phone.

Titig na titig siya doon kaya lumapit kaming tatlo sa kanya upang tingnan kung ano ba yon.

"Bitch!" sambit ni Chie sabay irap. "Kilala ko yan, college classmate. I know her...well, psh."

Kita sa post na nakasandal ang isang babae kay Patrick. Nakaupo sila sa sofa ng isang bar, I think? Madilim ang paligid at may mga lights so I think it's a bar. Medyo maganda naman yung babae pero mas maganda si Arisse.

"Hagisan ko silang dalawa ng bomba eh!" naiinis na sabi ni Arisse at inihagis na ang phone sa kama ni Chie.

"Kalma lang love, ang puso mo!" nilapitan siya ni Trina at humiga din sa carpet.

"Hindi naman siya yung nagpost eh, yung babaeng higad!" kita kong sabi ni Chie habang abala na sa phone niya.

"I don't care who the hell posted it! Ang sakin lang, argh shit hindi pa kami ayos tapos..." tumingin siya sakin at alam ko na, alam na alam ko na ang gagawin ko.

Love guru as always. I'm that one friend na bigay ng bigay ng advice, tips, surprises, pangaral at kung ano ano pang may kinalaman sa love. Huh! Guess what, hindi ko ma-apply sa sarili ko, tss.


Kausapin ko nalang siguro si Pat. Masakit nga naman, nakakapagselos oo, tulad nung nakita ko ang picture nila Dj.. Malaki naman ang pagkakaiba eh, si Arisse at Pat sila. Eh kami? jusme walang kami.

Nang kinausap ko si Pat kinagabihan, he apologized pero hindi naman siya sakin kamo dapat mag-sorry eh. Naintindihan ko naman ang side niya sabi niya kase "she's just a friend" woo magsama kayo ni Daniel. Boys will be boys talaga, pektusan ko silang dalawa eh.

Lahat ng explanation niya sinabi ko rin kay Arisse at itong issue na'to ang naging topic sa group chat naming mga girls hell yeah nakalimutan na nila ang issue namin ni Juls, thank God ayoko na pag-usapan yon..sumasakit puso ko.

Nanonood lang ako sa myx, ang boring naman sana mag-bukas na agad, magbabakasyon ako ngayong holy week sa province ni papa eh.

Busy ako sa panonood ng music video ng Purpose, omg Justin babe so gwapo! Nang tumunog ang phone ko. Lahat ng group chat ay naka-mute so I guess it's a pm.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon