-26-

1.1K 29 5
                                    


Oh ano itong aking nadarama marinig ang
boses mong ka'y tamis ang araw ko ay puno ng musika sa gabi ikaw ang nasa isip
Oh dahil
sa iyo puso ko'y sumasayaw isip di mapakali ngiti ay laging nasa labi

.xoxo.

"Oh gising ka na pala..mabuti naman." nakangiting sabi ni Tita Mj na nakatayo sa kanang bahagi ng kama ko.

Umupo ako galing sa pagkakahiga kahit na masakit ang ulo ko. Hindi ako maayos makahinga, marahil ay may sipon ako.

"Iwan muna kita ah, nandyan yung pagkain" tinuro niya ang tray na may pagkain sa mesa sa kwarto ko. Nginitian ko nalamang siya.

Namilog ang aking mga mata ng may mahinuha ako. Totoo ba yung nangyari? Panaginip ko lang ata e! Agad kong iginala ang mga mata ko sa kwarto at nakahinga ng maayos ng nakita ang bouquet of roses at ang dalawang balloons sa couch malapit sa tv.

Napangiti nalang ako bigla. Is that for real? Yung taong pinapangarap ko ay may mahal narin ako? Hindi, feeling ko ay nananaginip lang ako. Mahinang sinampal ko ang pisngi ko gamit ang kanang kamay. Nakaramdam ako ng kaunting sakit, napangisi ako.

"Totoo nga!" sigaw ko sabay higa sa kama. "Totoo nga! Totoo nga!" ulit ko.

Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko kahapon ng nagtapat siya sa akin. Na mahal niya ako. Lalo pa't nagtapat siya sa ulan, hindi ko alam ang problema ko sa ulan pero movie like kapag ganon. Nakakakilig lalo. Every girl's dream.

I said yes ofcourse. Wala ng pag-iinarte. Narito na siya at minamahal ako pabalik, ngayon pa ba ako aayaw? Pero kahit na nagtapat na siya at sigurado akong may pagtingin na siya sa akin hindi ko muna aamining mahal ko siya noon pa. Hindi ko alam pero sa tingin ko'y iyon muna ang nararapat.

Nagsimula na akong kumain sa higaan. Breakfast in bed na tanaw ang bigay niya sa akin kahapon. Kinuha ko ang aking phone pagkasubo ko ng pancake nang makitang may mga mensahe mula kay Daniel.

Daniel: Magandang umaga binibini :)))

Daniel: May sakit ka raw, baka dahil sa ulan kahapon? Pagaling ka:* sorry...

Agad kong nahawakan ang puso ko. Ang bilis ng tibok nito. Lintek at texts palang ay kinikilig na ako.

Kath: I'm okay now, don't worry.

Agad naman siyang nagreply.

Daniel: Uwi ka ng Manila diba? Sabay ka na samin

Kath: Okay

Hindi ko tatanggihan ang kanyang offer na magkasabay kami pag-uwi ng Manila kahit na paniguradong aasarin kami ng barkada. Gusto ko rin kaseng ipaalam kina mama mamaya pag-uwi na manliligaw na si Dj.

Daniel's POV

"Anong trip mo?" biglaang tanong ni Kath nang magkalapit kaming nakatayo sa gitna ng daan. Naliligo kami sa ulan.

Balak ko ng umamin sa kanya matagal na. Ilang beses ko namang tinry pero wala e, tangina ngayon lang ata ako natorpe sa babae. Naalala ko yung sinabi niya noong nasa Enchanted Kingdom kaming dalawa na sweet para sa kanya ang under the rain scene. Ang babaeng iyon talaga masyadong nahuhumaling sa romance na movies. At eto naman ako gumagawa ng paraan para mangyari iyon, kaya nagpatulong ako sa plano nitong pag-amin ko sa tropa.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon