-3- (RIA)

2.4K 44 1
                                    

So won't you smile for me and I'll take your picture. Make it last a lifetime, replay it in my eyes...



✘●✘●



Ang ganda ng gising ko ngayon, dahil ang ganda ng bungad ng umaga ko. 'Good morning tummy, wala raw tayong trabaho ngayon:)' Lahat naman ng babae kikiligin sa good morning ng isang lalaki lalo na't galing sa taong gusto mo.


Nagising ako sa mga iniisip ko ng kumatok si mama at sinabing bumaba na raw ako para sa umagahan.


"Good morning ma, pa!" bati ko sabay halik sa pisngi nilang dal'wa. "Oh saan ba ang punta mo ngayon?" bungad na tanong ni papa. Sanay na ako araw araw na iyan ang tanong niya. Ewan ko but I find it, sweet.


"Ah, wala raw po kaming shoot or anything ni Dj ngayon and wala naman po akong mallshow ngayon para sa album, kaya pwede po ba kaming mag-hang out ni Pamu?" Yeah, gusto ko lang mag-relax..parlor siguro?


"Okay lang sa'kin basta 'wag masyadong magpagabi, dalhin mo sasakyan mo ha!" pagpapaalala ni papa.



Pagkatapos kong kumain nag-ayos na ako para sa pag-alis. Doon na lang daw kami magkita ni Pamu sa parlor.



Pagkadating ko sa parlor andun na siya kausap si Ate Maine. Siya yung owner nito at ipina-reserve ko na yung isang part ng parlor the day before yesterday dahil malapit na ang christmas at maraming tao sa parlor, mahirap na.



Tapos na yung manicure at pedicure sa'min mga tatlong oras lang ang nakalipas. Pinapatuyo na lang yung mga kuko namin, medyo matagal dahil nail art siya to be exact. Sayang at wala nga sina Chie alam ko may shoot sila.



"Kath sabihin mo na," biglang salita ni Pamu pagkalabas ng dalawang babae na naglinis ng nails namin.



"Alin naman?" tanong ko habang nag-eedit ng picture namin. "Alam kong may dapat kang ikwento, ramdam ko!!" pangungulit niya, na naka-hawak na yung kamay niya sa braso ko.


"Kase naman tinext ako ni Dj ng Good morning tummy!!!" kilig na kilig kong pagkkwento sa kanya. Pero nagbago yung expression ng mukha niya mula sa excitement to a whatever look.


"Kath lagi ko namang pinapaalala sa'yo, may girlfriend na yung tao." 'yan lagi ang sinasabi niya kapag tungkol sa sweetness namin ni Deej, no scratch that sa mga 'pakilig' niya sakin.



"Hinaan mo nga 'yang boses mo!" bulong ko sa kanya, "Pero paano yung mga hugs, sweet texts at mga banat niya, paki-explain please?" Sa totoo lang lagi ko namang iniisip na para lang 'to sa loveteam namin, para lang 'to sa career naming dalawa at higit sa lahat para 'to sa mga Solid Kathniel na nagmamahal sa'min na siguradong masasaktan kapag nalaman nila ang totoo, pero bakit ramdam ko na iba na..



"What's with the sad look? Seriously though, Kath napaisip din ako kagabi sa mga ganyang situation at eto lang masasabi ko, huwag kang umasa pero mag-expect ka." Huh? ano raw? "Teka anong sabi ko?" tingnan mo 'to siya rin naguguluhan sa sinabi niya. Pero parang catch naman yung thought.


"Catch ba?" tanong niya nung medyo nakapag-isip na'ko. "medyo," sagot ko habang scroll lang ako ng scroll ng mga photos na nakikita ko sa ig. Dahil medyo wala namang bago sa mga pictures na nakikita ko, tiningan ko yung activities ng following ko. I saw King just liked Zharm's recent photo. Hindi ko naman kase siya pina-follow dahil baka magkaroon pa ng issue. Nung tiningnan ko yung pic parang bago lang 'to silang dalawa ni Eunice magkayakap.



"Siya ba yung bff niyang si Zharm?" biglang singit ni Pamu habang nakatitig pa rin ako sa picture.



Hindi ko nga alam na nakatutok na rin siya sa tinitingnan ko. "Ah oo, nakilala mo na ba si Z ng personal?" tanong ko sa kanya nang nakangiti.



"Mabait ba talaga siya, Kath? Yung totoo ha!" tinitingnan na niya yung nail art sa kamay niya. "oo naman hindi ko lang alam sa ugali nitong Eunice," nil-log out ko na yung ig ko dahil flood na naman ako mamaya.



"Kath tagal narin nila no?" panimula na naman ni Pamu sa isa na namang conversation.


"Ah, oo sila na bago pa mag-growing up pero nung PAI nag-cool off sila...kase nagseselos si Zharm." pagk-kwento ko. "Kanino? Sa'yo?" binigyan ko na lang siya ng natatawang mukha, malamang sino ba kapartner, sino ba ang patok ang loveteam?



"Nako girl may laban ka pala.. kase kung nagseselos ang girlfriend, feel niya na may laban yung makakaagaw niya." hayan na naman siya binibigyan ako ng pag-asa.



"Pero Pamu, si Deej din ang nakapag-pabalik ng relationship nila, sinundan niya pa yun sa Baguio.." nalulungkot talaga ako tuwing naalala ko yun kase noon palang may gusto na ako sa kanya.



Magsasalita pa sana ako ng may kumatok. "Ms. Kath, si Julian po nandito.." nakasilip si Ate Maine dun sa pinto. "Wait lang po Ate Maine, sabihin niyo po saglit lang." umalis na si Ate at binigyan ko naman ng nagtataka look si Pamu dahil sa sinagot niya, pwede namang ngayon na kase tapos na 'tong nails namin.




"Ikaw ha! may hindi ka pa sinasabi, akala ko ba si Dj? Ano si Estrada?" inaayos na namin yung sarili namin para makalabas na.




"We're just..friends!" pero sa totoo lang nagtatanong siya ng panliligaw..


Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon