-22-

978 31 3
                                    

Better than words
You drive me crazy
Someone like you
Always be my baby

.xoxo.


"Ngiti ka Ate Kath!" sambit ni Jack sabay tutok ng kanyang video cam sa'kin. Mahilig siyang mag-vlog, memories daw.

Ngumiti lang ako sa harap ng cam at ibinalik ko na ulit ang tingin sa'king cellphone nang sa iba naman niya ibaling ang cam.

Nakakaexcite na ng sobra ang adventure na medyo roadtrip namin ngayon. Maingay sa sasakyan. Isang hiace ang sinakyan naming magpipinsan kasama ang magkapatid na Zaira At Kuya Josh. Si Kuya Jan ang nagdadrive at sa passenger's seat na katabi niya ang busy'ng busy sa google map na si Kuya Andre.

Nilagay ko nalamang ang phone ko sa bag pagtapos replyan si Daniel. Jeep Wrangler niya ang gamit nila nina Kats, Seth, Mycko at Les. Nakasunod lamang sila sa aming sasakyan.

Nakasandal sa kanang balikat ko si Zaira, marahil ay antok pa dahil mag-aalas otso ay umalis na kami.

"Nawala sila sa likod naten." si Kuya Theus.

Dahan dahan akong lumingon para hindi magising si Zaira. Napansin ko ngang iba ng sasakyan ang nakasunod samin.

Bigla namang tumunog ang phone ko, hudyat na may tumatawag. Sinagot ko iyon agad ng makita kong si Daniel.

"San kayo?" panimula ko.

Narinig kong tinanong niya rin sa mga kasama niya kung nasaan sila. Medyo natawa ako, baliw talaga.

"Hindi mo alam kung nasan kayo? weirdo."

"Basta drive thru ng Jollibee! Ano?" may narinig akong boses. Tumigil siya ng saglit at parang pinakinggan ang sagot ng kasama niya. "Ayon Areza raw."

Umiling nalang ako kahit hindi naman niya kita.

"Gutom ka?"

"Hindi, si Mycko. Eh bawal 'tong magutom baka pumayat...aray ko!" narinig ko pa siyang nagmura ng mahina. Baka sinapak o binatukan siya ni Mycko.

Pagkatapos ng pag-aasaran namin ay ni-loudspeaker ko para narin maturuan sila ni Kuya Jan kung saan daraan dahil nauuna na kami.

Nang makarating kami sa entrance ng falls ay nagbayad lang kami at pinapasok na ang aming sasakyan. Nang makababa ay pansin kong berdeng berde ang mga damo rito. May dalawang kotse na nakapark malapit sa'min. Mabuti nalang talaga at naisipan naming mamasyal na hindi weekends para hindi maraming tao.

May mga bahay kubo ngunit ang mga ito'y tindahan ng pagkain, ihaw at souvenirs.

I wonder where the falls is.

"Wala pa ba sila? Ang tagal naman.." inip na sabi ni Zai nang siya ay bumaba mula sa sasakyan at lumapit sa'kin.

"Hanap tayong gwapo." natatawang sabi niya. Nagmasid kami sa paligid. Puro may katandaan na ang mga nasa kubo na nagtitinda. Baka sa mismong falls meron. Ano ba 'tong iniisip ko, dios mio!

Sinagot ko ang tawag ni Daniel mula sa phone ko.

"We're here. Nakapasok na kami." Iginala ko ang mata ko sa paligid. "Malapit kami sa...ugh, basta hanapin niyo nalang kami." wala akong masabi na significant place para mahanap nila kami.

Narinig ko ang tawa niya. Naiimagine ko yung mata niyang naniningkit dahil sa tawang 'yan. Napangiti ako.

"Wala ngang gwapo." siko ko kay Zaira nang makitang hindi pa niya tinitigilan ang paghahanap ng gwapo.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon