-20-

1.3K 32 8
                                    

May sasabihin ako sayo
Pero nahihiya akong malaman mo laman ng puso ko
Gulong gulo ang isip ko
Ako ngayo'y litong lito
Kung paano ko sasabihin ito sayo-oh

.xoxo.


"Tara na kase Chan!" sigaw ni Zai saken habang hinihila yung kamay ko. Prenteng nakaupo lang ako sa dulo ng kama ko, katapat ng tv.

"Ayoko na nga lumabas ng kwarto, nakakatamad." nag-pout pa ko sa harapan niya. Gusto niya kaseng pumunta sa kwarto ni Kuya Andre kung saan naroon lahat ng boys at naglalaro ng poker.

"Ako lang babae don? Ah ah naman Chandria!!" patuloy parin niyang hinhila ang kamay ko with matching pagpadyak pa ng paa. Habang ako'y naghahanap ng magandang channel.

"Wala ka ng mahahanap na magandang palabas, 10pm na kaya." lumapit na siya sa salamin ng kwarto ko at inayos na ang buhok niya. "At kung manonood ka naman ng myx, si Sue ang celebrity vj kaya wag mo ng pangarapin manood."

Sasabihin ko palang na myx na lang papanoorin ko pero, eto at pinipigilan ako ng kaibigan ko.

"Hater ka no?" sabay tayo ko at nag-ayos na rin ng buhok. I gave up, okay. Sasamahan ko na 'tong abnoy kong kaibigan.

"Hindi ako hater, ayoko lang nasasaktan ka. Tara na, ang bagal!" naks natouch naman ako sa sinabi ni Zaira. Bago pa ko mag-emote, eh pinagmamabilis na niya ko. Atat nito, nasa pintuan na eh ready na lumabas.

Kalapit lang ng kwarto ko ang kwarto ni Kuya Andre, grabe 'to nahiya pa.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay rinig agad ang ingay at tawanan. Lahat ng mga soldies ko ay sound proof ang kwarto, swerte nila hindi naririnig mga kalokohan nila ni ama at ina.

Unang nahagip ng paningin ko ang lalaking naka-white shirt at naka-ipit ang buhok. Akala ko wala siya dito. Kaya ako tinatamad eh, thank you kay Zaira nakasilay ako!

Mukhang seryoso siya sa laro nila. Kalapit niya si Kuya Jan na abot tenga ang ngisi. Mukhang si Kuya Jan na ang nananalo, base sa chips na kalapit ng kanyang kamay na nakapatong sa table.

Napansin ko sa bandang kanan kung nasan ang master's bedroom ng kwarto ang nagtatawanan na si Ate Camille na girlfriend ni Kuya Theus at Ate Meryl na girlfriend ni Kuya Jan. Hindi ko alam na nandito sila.

"Kuya Theus, sinundo mo?" tapik ko sa balikat ni Kuya Theus sabay turo sa dalawa.Tango lang ang response niya, no wonder seryoso rin sa laro.

Tumabi ako kay Kuya Lex at nakikiusisa sa cards niya. "Huwag mo isusuko, may laban 'yan." bulong ko sa kanya nang makita ko ang binigay sa kanyang baraha ni Jack na siyang bangka. Kunyareng tinuon ko ang tingin sa mga baraha sa gitna ng table dahil sa tapat ko nakaupo si Daniel na kita kong nakatingin sakin. Nginitian ko nalang siya.

Nang naglabasan na ng cards, idineklarang panalo ang kay Kuya Lex. "Flush Hearts, nice Kuya Lex!" sabay siko ko. "Balato ha!" nag-wink nalang siya at tumawa.

"I'm hungry." maktol ni Jack habang nagbibigay na naman ng cards. Hindi na siya baby boy, hay nako tinuturuan na nila ng ganito.

"We'll make pizza, you guys want?" prisinta ni Ate Meryl habang inaayos na yung ipad niya at earphones.

"Yass babe please." nalipat ang tingin ko kay Kuya Jan dahil sa sinabi nito. Hays ang sweet talaga nila, goals af! Kita ko pang nagpipigil ng ngiti 'tong si Ate Meryl dahil sa sinabi ni Kuya.

Si Jack naman parang nabuhayan sa sinabi ni Ate Meryl.

"Isama n'yo na si Chan, Cam." sambit ni Kuya Theus sabay lapag ng cards niya. At sa ilang pagkakataon pa, panalo na naman Kuya Lex. "Mukhang swerte ni Alexus 'yan eh." dagdag pa niya. Tumawa nalang ako.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon