-13- (RIA)

1.5K 41 6
                                    

And yeah I've let you use me from the day that we first met but I'm not done yet.

Falling for you, fool's  gold.



✘●✘●



Daniel's POV



"Gising na Gothico!" masiglang bungad ko sa linya.


"Padilla naman, pwede 5 minutes pa?" rinig ko pang humikab siya.



"Ang daya mo ah, ako gumising ng maaga para dito!" pangungulit ko.



"Sa'yong surpresa naman 'to eh!" ramdam kong hindi parin siya nabangon.



"Brader naman bilis na kilos na, tutulungan rin kita sa mga susunod mong surpresa kay Krish...seryoso!"


"Weh? Kahit busy?"



"Oo nga! Tayo na saka tawagan mo narin sila Kats. Nga pala baka pwede mo naman akong bigyn ng ideya sa sp-"



"Kami na nga sa surpresa eh,ikaw na d'yan! Para namang hindi ka sanay sa mga ganyan haha, sige pare." sabay patay niya ng call, bastusan aba.




Gumising talaga ako ng maaga para ihanda lahat ng kailangan para mamaya, nandito lang ako sa bahay nagsasaulo ng mga linya para sa Pangako Sayo mahirap na baka bigla akong ipatawag sa taping.



Pilit kong sinasaulo yung mga dialogue pero kumakaliwa yung isip ko sa kung anong dapat kong sabihin kay Zharm. Peace Offering eh hindi naman ako sanay sa mga ganito dahil hindi naman kami madalas mag-away ni Zharm.



Paano humingi ng tawad sa importanteng tao? Enter.


Napakagaling ng gumawa ng google, solid eh!



Pinindot ko ang unang lumabas.. Tips sa Paghingi ng sorry: Nababagabag lang talaga ako, gabi-gabi ko nalang naririnig ang Super Junior. Bakit ba sila sorry ng sorry? Ano bang kasalanan nila? Paki-explain please.



Tangina ang korni nito ah pero benta haha, in-exit ko na at naghanap ng iba.


Ah eto parang pormal sabay pindot ko ng pangalawa.



Alamin ang iyong kasalanan.


Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon