-16-

1.6K 40 8
                                    

How many nights does it take to count the stars?
That's the time it would take to fix my heart
Oh baby i was there for you all i ever wanted was the truth yeah, yeah

.xoxo.


"Eto na ticket oh!" sabay wave sakin ni Dj ng dalawang ticket para sa entrance.

"Okay lang ba?" sabay ayos ko sa beanie ko.

"Oo bagay nga sa'yo eh!" tinaas baba pa niya yung kilay niya.

"Sabi mo kase magsuot ako ng hindi ko usual na sinusuot kaya nag-beanie ako."

"Oo nga, buti nalang at Tuesday ngayon medyo madalang tao dahil may pasok na ang mga estudyante.."

"Buti nalang pati at makulimlim dahil kung hindi mukha kang tanga na naka hoodie!!" tumawa pa ako, akala ko babatukan niya ako o babarahin pero inayos niya lang yung damit ko.

"Bakit ba kase naka-tank top ka? tss." medyo inis niyang sabi.

"Eh sabi mo nga magsuot ako ng unusal na sinusuot ko!" napaka-conservative nito, daig pa tatay ko eh.

"Tara na nga, sa mga tao lang naman tayo hindi magpapahalata dahil yung mga nagpapapasok sa rides eh alam na darating tayo."


Ang tinde kase ng trip nito hindi pa pinasarado ang EK para makapag-rides kami ng ayos, mas may thrill daw kamo kapag may pinagtataguan, parang tanga lang!

"Hawakan mo ang aking kamay..." kinanta niya ito habang inilalahad yung kanang kamay niya sa'kin.

Napangiti nalang ako. "At tayong dalwa'y maghahasik ng kaligayahan.." kanta ko rin sabay kuha ng kamay niya.


"Saan tayo unang sasakay?" tanong niya nang makapasok na kami.

"Hmm..sa wheel of fate nalang siguro?" suggest ko naman.

"Ba't ka napangisi?" tanong ko ng mapansin kong bigla siyang ngumisi.

"Wala, ano lang kase haha! Huwag nalang!"

"Ano nga?" pangungulit ko.

"Eto na nga, ano kase...ah mostly sa mga babae gusto nila last ride ang wheel of fate, yung gabi na para raw romantic. Base lang yun sa observation ko ha!" tinaas pa niya yung yung dalawang kilay niya.

"Ohh..ganun ba? haha! Wala ako kase gusto kong last ride kapag sa EK eh yung Rio Grande or Jungle Log Jam! Ang sweet na kahawak mo ng kamay yung someone special mo tapos nababasa kayo! Alternative ng ulan!" nag-wink pa ako sa kanya.

"Sus, dami mong alam!"

"Thanks!" pang-asar ko haha.


Tumakbo kami ng mabilis papunta sa pila ng wheel of fate. Pero ang daming pila, jusko.

"Kath sabi sa'yo eh mamaya na lang gabi." nag-pout naman siya peronagbigay rin ng susunod na gusto niyang ride.

Pumila kami sa roller skaters at thank God, hindi masyadong mahaba ang pila.

"Pambata, ata to eh!" reklamo pa n'ya. Sasagot pa sana ako nang..

"Walang Forever!" sambit ni ateng naka-blue habang nakatingin sa magkahawak naming kamay.

Imbis na bitawan o pansinin si ateng papansin, lalo pang hinigpitan ni Dj ang kapit sa kamay ko at ngumisi nalang.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon