-17-

1.5K 35 5
                                    

It's just another night
And I'm staring at the moon
I saw a shooting star
And thought of you

.xoxo.

"Oh bakit Asher na pangalan ko dito sa wechat?" takang takang tanong ni Daniel sa'kin.

Nagkibit-balikat lang ako at painosenteng binalik ko nalang ang tingin sa phone ko. Kinagat ko pa yung labi ko para mapigilan yung tawa ko.

"Tigilan mo ko Kathryn, sino ba 'tong Asher na'to at ito pinalit mo sa pangalan ko?"

Lumapit pa siya sa'kin at inusisa rin ang ginagawa ko sa phone ko. Pinapalitan ko naman ngayon ang akin ng 'Adrianna'.

"Adrianna? Asher? Sino ba yang mga 'yan?" sunod sunod naman niyang tanong habang nangongolekta ng elixir sa village niya sa COC.

"Sila yung protagonists sa binabasa kong story ngayon sa wattpad hays..." pagkkwento ko na parang inlove na inlove ako sa story na 'stasg' pero inlababo naman talaga ako sa story na yon.

"Oh so, sila magkapartner don?" tanong niya pero halata namang wala siyang masyadong pakielam dahil nakatutok siya sa nilalaro niya.

"Hindi sila magkapartner don, bestfriend lang sila ganern, tapos si Adrianna nagkagusto siya kay Ashong pero dumating naman si Jared sa buhay niya eh...hayy Jared Lionel!"

Napatigil naman ako sa pagd-daydream nang hawakan niya ang baba ko at iharap ang mukha ko sa kanya. Malapit na ang mukha namin sa isa't isa, mga two inches away na lang.

"Eh..bakit hindi nalang ako si Jared?" sabay pout pa niya.

Shit, lalong lumalapit labi namin ah! Stop that thinking, Kath!

Hinawi ko nalang yung kamay niyang hawak ang chin ko at umiwas ng tingin. Binalik ko ulit ang tingin ko sa phone ko.

"Ah syempre, gusto ko yung personality ni Adrianna kaya syempre ako yon at sino pa bang bff ko, di ba ikaw?"

"Sus, baka kase may Jared ka na." Hinagis pa niya yung phone niya sa kabilang upuan na parang naiinis.

"Hala, tampo na agad siya oh!" sabay pisil ko sa ilong niya.

Eh ano na naman sa'yo kung may Jared ako? Hays, Daniel hinihilo mo ako.

Tumawa nalang siyang bungisngis. Ang cute lang dahil hindi na halos kita yung mga mata niya. Napasabay naman ako sa pagtawa niya ng sundutin niya ang tagiliran ko at sinimulang kilitiin ako.

"Tigila-a..an m-mo, ah shet!" mukhang tanga kong pagsasalita dahil sa panggingiliti niya.

Maiiyak na 'ko di na ko makahinga eh, "Fuck you, Padilla!" sambit ko ng tinigil na niya dahil halata namang naghahabol na 'ko ng hininga.

Inirapan ko nalang siya at lumabas na ako ng kwarto niya para makihalubilo kina Arisse sa entertainment room. Andito lahat ng tropa sa bahay nila. Tamad kase talagang mag-hang out sa kung saan saan si Dj at mas gusto niyang sa kanila nalang. Halos laging wala rin naman si Tita Karla at may pasok naman sina Magui at Mela.

Kaunti palang ang nabubuksang parte ng pintuan ay rinig ko na ang hiyawan nila, ultimo si Mycko ay napapasigaw haha.

Lahat sila nakatitig sa malaking screen sa harap ng sofa at carpet na inuupan nila. May popcorn at juice naman sa center table. Parang si Les nga lang ang abala sa phone niya eh, iba talaga ang tama nito kay Mae, how sweet!

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon