-6- (RIA)

1.8K 36 2
                                    

That' what I like about you. You hold me tight. Tell me I'm the only one...



✘●✘●



Zharm's POV



I started 2015 without him, though nags-skype kami..pero iba rin kase yung kasama mo yung taong mahal mo.



Noong bata ako nasanay akong asarin sina mommy, yung dalawa kong tita at yung bestfriend ni ate dahil tuwing may occasions pasko, bagong taon eh nakaharap sila sa skype...mga nasa states kase ang mga partners nila.



Parang bumabalik nga sa'kin eh, yung pamangkin ko naman ang nang-aasar sakin dahil nagpapaputok sila sa labas ako ayun sa kwarto nakatunganga sa laptop.


This is the first time na hindi ko kasama si Dj ng new year..

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Naiinis ako dahil sa mga nagkalat na pictures, sa mga conclusions ng mga fans nila plus yung opinyon ni Eunice.




Hindi naman kaselos selos yung mga pictures nila, pero babae parin kase ako hindi ba't nature na sa atin ang magselos? Kahit ilang ulit kong sabihin sa sarili ko na 'Zharm, mabait si Kath.' 'Zharm, mabait si Kath.' 'Zharm, mabait si Kath.' sinasabi pa rin nung isang part ko na hindi sapat ang kabaitan sa sitwasyon namin.



Tumunog yung phone ko kaya nawala yung mga thoughts na iniisip ko kanina.


Eunesse babe:Girl tara malling, SM Aura!


Siguro ito na yung sign para hindi ako magmukmok no? So I replied to her text na magkita nalang kami sa starbucks.



Nagsuot nalang ako ng simple white shirt, high-waisted pants at flat shoes. Nag-ayos ako sa salamin naglagay ng konting make-up. Maraming tao sa mall panigurado at kahiya hiya naman makita nila akong hindi maayos, kahit ba ex nalang tingin nila sa'kin. Nagpaalam na ako kay mommy na aalis at kinuha ko na ang susi ng kotse.



It feels good driving alone, ewan ko para sa akin kase nakaka-relax. Binuksan ko yung radio para naman hindi nakakabingi ang katahimikan. Sakto namang pinapatugtog sa MOR ang "na sa'yo din pala" na kanta ni Kath.


"Argh," binuksan ko nalang phone ko at nag-earphones para dun nalang magpatugtog. Halata naman kasing sinasagot lang ng kantang yun ang "na sa'yo na ang lahat" na kanta ni Dj.



Nang makarating ako sa starbucks eh andun na si Eunesse. Umupo na kami sa seat na malapit sa counter. Nang tawagin na ang pangalan namin, pansin kong nagtinginan ang mga babae malapit sa seats namin. Siguro ay fans sila ni Dj o ng Kathniel, whatever. Kita kong tiningnan nila ako from head to toe, my gosh! Narinig ko pang bulong ng isa, na maganda naman daw ako pero mas maganda parin si Kath, wth! Ramdam kong lalapitan na sila ni Eunesse kaya hinawakan ko na agad yung braso niya.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon