-7- (RIA)

1.9K 40 2
                                    

When I close my eyes and try to sleep I fall apart, I find it hard to breathe..



✘●✘●



Daniel's POV



"Okay three hours break," sabay cut nung scene. Tumingin naman ako kay Kath at sinabing pumunta na kami sa tent.



Nasa shooting kami ng bagong movie namin ni Kath at wala naman masyadong tao ngayon dahil school hours.


Nang makarating kami sa tent ay sabay pa kaming humiga sa mga higaan namin. "Hay, nakakapagod talaga tapos ang init init pa sa labas." tinatapat niya sa mukha at leeg niya yung maliit niyang electricfan. Oo maarte siya pagdating sa araw, init pero vocal naman siya dun. Totoo rin namang napakainit nga sa labas.



Naisipan kong tawagan ang girlfriend ko para makamusta siya. Sana wala siyang klase, hanggang ngayon naman kase hindi ko parin saulo sched niya hahahaha.


Pagkatapos ng ilang rings saka lang niya sinagot, "Hi Z" panimula ko.


"Oh, hi babe!"


"Naistorbo ba kita baka may klase ka pa?"


"Hindi naman, actually katatapos lang ng klase ko, why?" pagpapaliwanag naman niya.


"Wala naman babe, kinakamusta lang kita kamusta?" nagkwentuhan pa kami tungkol sa nangyari sa kanya ngayong araw, ang sabi niya napagalitan siya kanina nung prof nila kase nalate siya sa klase nito. Tapos mayroon daw naglagay ng maliit na envelope sa locker niya.



"Aba't huwag mong sasabihing love letter yan!" nag-iintay ako ng isasagot niya nang may marinig akong nagsalita sa background niya na bell.


"Babe gotta go, love you!" nagmamabilis niyang sabi. "Mas mahal kita Zharm Arriola!" narinig ko pa yung tawa niya bago niya tapusin yung call.



Kath's POV



Nakikinig ako sa usapan nila habang nakahiga, halos magkalapit din naman higaan namin eh.


"Mas mahal kita Zharm Arriola!"



Nang marinig ko yun, nataranta ako at nagmabilis tumagilid para hindi niya mahalatang nakikinig ako muntikan na akong malalag.


Bigla namang tumunog yung phone ko kaya tuluyan na akong nahulog sa higaan. "Aah! Ouch!" sigaw ko. Nakahawak yung left hand ko sa likod at hawak pa rin ng right hand ko yung phone ko na hanggang ngayon eh natunog.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon