-14- (RIA)

1.6K 37 12
                                    

Tell me now, tell me now. Tell me will you ever love me again? Love me again?

Where do broken hearts go?



✘●✘●



Kath's POV


"Wala ka sa focus kanina ah," sabay kagat ko sa burger. "Oh gusto mo?" alok ko naman sa katabi ko na hindi parin nakibo.



"Anong problema?" siniko ko na siya para mapansin niya ako. Tumingin naman siya sa direksyon ko at ngiti lang ang ginawa niyang tugon.



"Sige ka kapag hindi mo nilabas 'yan baka maging utot yan!" medyo napatawa ko naman siya.



"Si Zharm kase.." panimula niya. "Nagkatampuhan na naman kayo? Puntahan mo na yan! Agad agad bili!" utos ko, "Ang problema ng isang relasyon hindi dapat pinapatagal 'yan kase baka lumala." umiling lang siya.




"Eh ano pala? Ang dami kong sinabi tapos hindi naman pala!"



"Nakanguso ka na naman, yung nguso mo pwede ng sampayan yan ng hanger!" tumawa naman ako ng pilit.



"Ano ngang nangyari, iniiba mo usapan eh!" pagpipilit ko.



Tumingin lang ulit siya sa lawa, nakaupo kase kami sa tabi nito dahil katatapos lang ng part namin. Ala singko palang ng umaga at pasikat na ang araw.




"Kailangan raw niya ng space."


Napatingin naman ako sa kanya, "Oh ayun naman pala eh, space lang yu—"



"Parehas lang yun! Space, break na kami, parehas lang yun. Iniba lang niya eh para hindi masyadong masakit." tinakpan niya pang saglit ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. "Pero sobrang sakit."




"Buong akala ko solid kami, akala ko hindi siya nahihirapan sa sitwasyon, akala ko sapat na yung mga efforts ko para magka-oras sa kanya...samin, akala ko hindi niya ako kayang iwan," muli siyang tumingin sa akin at nagpakita ng malungkot na ngiti.




"Tangina akala ko lang pala," sabay hinagis niya ang isang maliit na bato doon sa lawa at nagsimula naring tumulo ang ilang luha niya, agad agad naman niya 'tong pinunasan.

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon