-4- (RIA)

2.1K 47 2
                                    

Yell "cut", we're stuck inside this scene. This is heartache on the big screen..



✘●✘●



"Dj lapit pa ng konti kay Kath, ayan tapos akbayan mo siya," damn it! kinikilig na naman ako, napapangiti ng wala sa oras.



"Kahit malapit yung mukha niyo sa isa't isa dito parin ang tingin sa camera, ready?" sabi nung photographer sabay thumbs up.



"Isa pa, ngayon naman Kath hawakan mo yung kamay ni Dj," kinakabahan ako na ewan, ang lambot naman kase ng kamay niya mas malambot pa kesa sa kamay ko.



"Then Dj hawakan mo yung pisngi ni Kath gamit yung isa mo kamay," ginawa naman ni Dj yung sinabi nung photographer, pero yung daliri niya nilalaro yung tenga ko. Natawa ako kase super nakikiliti nako!



"Ms. Bernardo, Mr. Padilla mamaya na 'yang sweet moments niyo pagkatapos ng photoshoot." seryosong sabi nung photographer, pagod na ata siya kami ang huli ngayong araw eh. Darn feeling ko tuloy highschool kami na napagalitan ng teacher dahil sa pagka-PDA.




"Anong nginingisi ngisi mo jan?" inis kong tanong dito sa kalapit ko, nakuha niya pang ngumisi napagalitan na nga kami. Hinawakan ko na yung kamay niya at ginawa narin niya yung last pose kanina.



Nang natapos na yung photoshoot namin isinunod na yung solo ko. Nag-sorry narin si Kuya Aldie yung photographer, pagod lang daw talaga siya at sabi pa niya sa totoo lang daw eh Kathniel Fan siya.




Andito parin kami sa studio. Ang gwapo talaga ni Daniel, siya na kase yung kinukuhaan ng pictures kaya nakaupo nalang ako dito sa likod.




Habang pinagpapantasyahan ko si Dj hindi ko namalayang may lumapit na pala sa akin. Babaeng siguro mga nasa age 25-30, umupo siya sa lapit ko.



"Ang ganda mo, ang gwapo niya bagay talaga kayo." ang dami naring nagsabi niyan pero mas perfect match siguro sila ni Z. Marami ring nagsasabing maganda ako pero hindi ko feel kase bakit si Zharm pa rin. Ngumiti nalang ako bilang tugon.




"You both have a good heart..bagay talaga kayo Kathryn!" sabi nila bagay kami pero in science, opposites attract and similar repel. Ugh, tadhana nga ayaw samin pati ba naman science?




"Napapanood ko yung mga movies, teleserye even BTS of your photoshoots, and I can say that your both inlove with each other. Nakita ko yung kanina, MU pa rin ba talaga?" natatawa niyang sabi na parang hindi makapaniwala, sana nga po kahit MU lang meron eh kaso wala talaga. Pero hindi yun ang sinabi ko, "ah opo eh.."

Risk It All (Offcam- Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon