Mission #46 The Plan

205K 6.3K 1.2K
                                    

Sa mga nagtatanong po about kay Daemon, don't worry try kong gumawa ng chappy XD.

At tsaka akin na po kasi siya. Kung kilala niyo po si Kim Myungsoo, siya na yun. We're meant to be po kasi kaya pasingit-singit lang yung name niya sa MNMCR. Lols :P.

Salamat nga po pala sa pagiging active sa group :) Lahat na kayo Dyosa.

--------

ROSE' POV

Napatingin ako sa Rose na binigay ko noon kay Leif, only an individual who has a pure intention can take this back to it's original color.

Pure ang intention ni Leif? But he has a devilish purpose, mas masahol pa pala sila sa Demon.

I sighed.

Pinagkatiwalaan ko pa naman siya.

Bumaba na ko para samahan yung tatlong nanonood ng TV.

"Hey, I know another way para makaganti kayo sa mga Royals." Sabay-sabay pa kaming napatingin kay Yancey.

"Ang hilig mo talagang sumulpot kung saan-saan." Ruby said.

"Pwede na palang shadows ang screen name ko." She grinned. "Anyways as what I was saying, I've got a great plan kung pano kayo makakaganti sa Scratch Royals."

"Ano?" Halos sabay-sabay pa naming tanong.

"Sa Lunes, November 2 na. All soul's day." She grinned. Sabado ngayon. October 31, ngayon ang simula ng sembreak.

Magreresume lang siya after next week as in 1 week lang.

"Oh bakit? May dadalawin ba tayo sa sementeryo?" Ruby asked.

"Ano ba naman yan?! Nakalimutan niyo na?! Sa Lunes na yung All Out Battle! Cursed Royals' Return!!" Excited na sabi ni Yancey. Sabay pang napatayo si Jana at Kristine sa mga upuan nila.

"You mean approved na yung pagsali namin?!" Kristine exclaimed.

"Yeah, the battle will be dirty, you can do anything you want pero hindi tayo sasabay sa entrance ng mga Gangs, magmumula tayo sa bubong once the moon turns red. Ang alulong ni Rose ang magiging signal."

Biglang nanindig ang balahibo namin sa narinig. Bigla ulit akong nagcrave sa mga laban.

Yung tunog ng mga nabaling buto, hiyaw mula sa sakit, they're like music to my ears. Those things are the most pleasant noises for us, Earth Demons.

Napatingin ako kay Jana na nagpupunas ng bibig. Naglalaway na rin siya sa dugo.

"Gosh, I can't wait for it." Kristine exclaimed.

"Magpapahangin lang ako sa labas." Napatingin kaming lahat kay Lhorraine ng bigla siyang lumabas papuntang garden.

Sumunod naman ako sa kanya.

"Are you upset dahil sa nakita mo?" I asked. Lumingon siya sakin and half smiled.

"I gave him myself, I broke my promise to you cause I thought he has feelings for me, Disappointed lang ako sa sarili ko dahil hindi gumana ang utak ko that moment." She sighed.

"How about the baby? Are you upset, he wasn't formed?"

Nakita kong napahawak si Lhorraine sa puson. "I won't give him myself kung ayaw kong may mabuo, you know how sacred making love is."

"Sabihin man nating mahal ka niya o mahal niyo ang isa't isa, wala pa ring mabubuo Lhorraine dahil wala siya sa tabi mo. No one will protect and care for you, hindi yan mabubuo kung hindi mo siya kasama."

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon