MISSION #5 First Meeting 2

297K 9.6K 2.8K
                                    

HAPPY 400+ reads!!!!

---------



Gaya ng dati, lahat ng taong nakakasalubong nila napapatingin sa kanila na may halong panghuhusga. Kaw ba naman makakita ng apat na weird na nerd? Birds with the same feathers, flock together ika nga nila.

Pumasok sila sa classroom nila.

Busy lang sa pagbabasa si Lhorraine. Habang si Rose naman inaawat na naman sina Kristine at Jana na nagbabangayan.

"Ganito pala itsura ng mga tao, hindi naman nalalayo satin." Sabi ni Rose, napatingin naman silang tatlo sa paligid nila. Tama nga si Rose hindi naiiba ang itsura ng mga tao sa kanila. Pero alam ng apat na sa dami ng mga tao sa paligid nila, mas dadami din ang mapang-api at mapanghusga sa kanila.

KYAAAAAHHHHH!!!!

ANG GWA-GWAPO TALAGA NG HE ROYALS!!!

BAGAY NA BAGAY SILA NG MGA SHE ROYALS!!!

Lahat ng students lumabas sa kanikanilang classrooms para makita ang pagdating ng ROYALS.

"Oh my God! Papasok sila sa classroom natin!"

"Classmates natin sila?! Kyaaahhhh!!"

Agad namang nag-ayos ang mga students sa loob ng classroom mapalalake man o babae.

"May kaguluhan atah?" Inosenteng tanong ni Kristine.

"May digmaan bang magaganap?" Takang tanong ni Jana.

"Ano yung HE and SHE ROYALS?" tanong ni Rose kay Lhorraine. Sila lang atang apat ang hindi umalis sa upuan nila para tignan yung mga paparating.

Naghalo-halo na ang iba't ibang uri ng pabango sa loob ng classroom.

"Grupo ng mga estudyanteng pinakamayayaman at pinakahinahangaan ng mga students sa Academy. Yung apat na babae kanina sa hallway sila ang SHE ROYALS." sabi ni Lhorraine.

Napatango-tango na lang si Kristine at Rose, pero si Jana parang walang pakealam at sumandal na lang sa upuan niya. Patuloy pa rin ang tilian ng mga students hanggang makapasok ang ROYALS sa loob ng classroom.

"Oh! Classmates pala natin yung mga WEIRDOS!!" sabi ni Jheraine at nagtawanan naman ang mga ibang students. Nakayakap ang mga SHE ROYALS sa mga braso ng HE ROYALS. Lahat ng mga students sa tingin ay bagay na bagay ang mga Royals sa isa't-isa.

"Let's stay away from those weirdos guys." Sabi naman ni Daisy habang nakayakap sa braso ni 2nd Prince, si ASHTON RYUSEI GREYSON, the coldhearted genius.

Agad namang hinila ni Bea si LEIF ALLEN VILLARUEL, para tabi sila ng seats, siya ang 3rd Prince, the ultimate playboy and casanova.

"Bez tabi tayo dun." Bea smiled, nagpahila na lang si Leif at natawa na lang sa kakulitan ng bestfriend.

Sa left side sa likod ang mga ROYALS at nasa right side naman ang mga DEMON PRINCESSES.

.

.

.

.

Katabi ni Jheraine si CRIMSON VINCE ZANDERS, ang King, the hot-headed guy. Siya yung tipong may isang salita at nakukuha niya lahat ng gusto niya by hook or by crook.

Aliw na aliw naman si WAVE DANIEL MONTEREAL sa apat na nerd. Talaga kasing nagsama sama sa iisang grupo. Kanina pa siya tawa ng tawa at kung anu-anong pang-iinsulto ang binabato sa apat. Buti na lang pinag-earphone ni Rose si Jana dahil kung hindi malamang kanina pa tustado si Wave. Kahit kanina pa naiinis si Kristine, nagtitimpi na rin lang siya.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon