Mission #31 Leaders

212K 7K 3.1K
                                    

Para kay lovelyraine11 and floriza08.
@SaranghaeCrush thanks sa floodvotes :)

KRISTINE's POV

"Inom." Alok ni Wave sa water sa tabi ko. Lihim tuloy akong napangiti dahil sobrang sweet at caring niya.

Nasa klase pa lang kami at bumalik kami sa dati naming seats. Sina Jane hindi na kami binubully, ewan tumahimik na sila.

"As per tradition again, every class should pass a book report and movie review for reports compilation. I need two leaders for this, any volunteer?"

Napatingin lahat kay Ash. Ako kay Lhorraine ako.

"Si Ash kasi ang laging gumagawa nun." bulong ni Wave habang nilalaro niya yung mga daliri ko.

Nagkatinginan kami ni Wave ng sabay na nagtaas ng kamay si Ash at Lhorraine.

Agad pang binawi ni Lhorraine yung kamay niya kaso nakita na atah ni Ma'am.

"Okay, Ash and Lhorraine, kayo na bahala. Class dismiss." Ngiti nung teacher at umalis na.

Natahimik na lang lahat ng biglang lumapit si Ash kay Lhorraine.

"Sabay na tayong umuwi mamaya." He said at lumabas na ng room.

"Torpe much." Wave chuckled.

Natawa na rin ako ng mapansin ang reaction ni Lhorraine.

"Gulat much?" I chuckled.

LHORRAINE's POV

Awkward. Super awkward. Nagshare lang naman kami ng tables together with He Royals.

Si Wave at Kristine lang naman ang nag-uusap. Habang si Jana iniiwasan si Crimson.

Si Rose, she's talking to me para hindi siya kausapin ni Leif.

Busy sa paglalampungan yung dalawa at sobrang nakakaOP.

"Hey. Ube ice cream para sa leader natin." Napatingin ako kay Throne ng may ibigay siya saking ice cream.

"T-thanks nag-abala ka pa." I said in a shy tone.

"Ofcourse, mag-eeffort ka eh, tsaka namiss ko itong isang toh." He grinned at inakbayan si Jana. "Dali may pupuntahan tayo." Yaya ni Throne dito. Agad namang sumangayon si Jana at nagpatangay na kay Throne.

"Sh*t!" We heard Crimson cursed at napasabunot pa sa buhok niya.

"Wag kasing totorpe-torpe." Tawa ni Wave.

"G*go! Di porke't kayo na magyayabang ka na." Binato ni Leif ng chips si Wave pero nasalo niya ito at agad na kinain.

"Siyempre naman. May karapatan na kong magyabang kasi kami na." He grinned habang nakatingin kay Kristine na namumula na ang mukha.

I can no longer take this.

"Excuse me." I said at umalis na sa table. I have to apologize to Rose later for leaving her there, but I think she can manage it.

"May problema ba?" Agad akong napalingon, my eyes widen when I saw Ash walking after me.

"Sinusundan mo ba ko?"

"No, why would I?" He raised his brow at binulsa ang mga kamay.

I sighed at nagleft turn pero sumusunod pa rin siya sakin. Again left turn pero nakabuntot pa rin siya.

Naisipan kong tumigil sa tapat ng vending machine at tumigil din siya.

"You're following me." Nakapamewang na sabi ko.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon