Mission #57 Revenge Declaration

146K 4.9K 328
                                    

ROSE' POV

Natigilan ako sa pagtugtog pati si Kristine na pinipilit lang umawit natigilan din dahil sa biglaang paglusong ni Ash sa tubig.

"He couldn't do anything, they're an hour late." I murmured.

Napalingon ako ng biglang mawalan ng malay si Kristine na swertehang nasalo ni Wave.

Binaba ko yung harp ko at lumapit sa kanila.

"Sige magpahinga ka na." I said at napatingin kay Wave. "Kaw muna bahala sa kanya, she's really not feeling well."

Tumango naman si Wave at binuhat si Kristine.

"Ang g*go ni Ash." I heard Hunter cursed.

"Wag ka ng pumunta." Pigil ni Jana kay Daemon na nagpupumilit na lumusong sa tubig.

Right after naming nalaman na may sabwatan sila sa panloloko samin parang lumayo na rin ng konti ang loob namin sa kanilang dalawa.

Lumubog na ang araw at tanging ang mga lumulutang na kandila na lang ang nagsisilbing liwanag sa dagat.

"Umuwi na tayo." Yaya samin ni Yancey.

"Uuwi na kayo? Pero nandun pa si Ash." Leif said.

"Iuwi niyo na rin yung kasama niyo. Sa kanya niyo na lang ipasunog yung bangkay ni Lhorraine." Cold na sabi ni Yancey at umalis na.

Napatingin ako kina Jana at Daemon na nag-uusap ng masinsinan at mukhang hindi narinig yung sinabi ni Yancey.

"Jana, Daemon, uuwi na raw tayo." Tawag ko sa mga ito kaya napatingin sila sakin.

"Pero si Lhorraine..." Jana said.

"Hayaan na natin sila." I said coldly at naglakad na rin paalis ng may maramdaman akong humigit sa braso ko.

"Bakit aalis na kayo?" Leif asked.

Kumunot ang noo ko. "Wala ka ng pakealam dun." Irap ko at piniksi yung braso ko.

Dumiretso kami sa sasakyan ni Yancey, wala doon si Kristine dahil nasa kotse ito nila Wave.

Dumiretso na kami sa mansyon. Nagkanya-kanya kaming diretso sa mga kwarto namin para magpalit.

Sumunod na ring dumating sina Kristine pero laking gulat na lang namin na buhat-buhat na ni Ash si Lhorraine at basa na ang damit nito.

"Bakit mo siya iniuwi?" Jana asked.

"Gumalaw yung daliri niya kanina." tuwang-tuwang sabi nito. Agad akong lumapit kay Lhorraine at kinapa ito.

"Wala siyang pulso at hindi siya humihinga baka imagination mo lang yun Ash." I asked.

Inihiga niya si Lhorraine sa couch.

"No, tignan mo, lumalambot na yung katawan niya." He said at ginalaw yung kamay ni Lhorraine.

"Ash, it's getting creepier! She's been dead for 3 days!! Impossible na siyang mabuhay."
Leif said.

"Malakas ang kutob ko, she's still alive."

Umupo ako sa tabi ni Lhorraine at pinulsuhan ito. Pumikit at nakiramdam ng mabuti.

Kumukunot ang noo ko dahil may nararamdaman akong mumunting pulso.

"Rose, ano?" Napamulat ako ng mata ng marinig ang boses ni Daemon.

"W-wala namang pinagbago." I lied and gulped.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon