MISSION #4 The First Meeting

463K 10.4K 3.6K
                                    

"Jana wakey wakey na." Yugyog ni Rose kay Jana na tulog pa rin. 7 am na at 7:30 magsisimula ang klase nila.

Papasok sila sa Grade 12 dahil 17 years old na sila sa school na pinamumunuan ng isang Royal Knight na si Yancey, siya ang tumatayong guardian ng apat sa Human World.

Pabalik-balik si Yancey dito sa Human World dahil sa isang personal na dahilan.

"Rose! Matagal pa ba yan?! Malelate na tayo!" Sigaw ni Kristine mula sa baba.

Wala ng choice si Rose kundi ang buhatin si Jana at ibalibag sa sahig.

"Ouch!" Jana squealed habang hinihimas yung likod. "Rose naman eh! Pwede mo naman akong gisingin ng maayos!" Pagdadabog ni Jana habang tumatayo.

"Kanina pa kaya kita ginigising. Next time kasi wag mo ng hintayin na kung ano pa ang wasakin ko bago ka magising ng tuluyan." Natatawang sabi Rose pero inirapan lang siya ni Jana at pumasok na sa CR para maligo.

"Oh asan na yun?" Tanong ni Kristine habang pababa siya ng hagdan.

"Naliligo na." Rose smiled at dumiretso na sila sa hapag kung saan kasalukuyang nagbabasa si Lhorraine habang umiinom ng coffee at si Yancey habang nagbabasa ng dyaryo.

"Ano? May lumabas na bang mga nakprint diyan sa libro?" Tukoy ni Kristine sa cursed book na hawak-hawak ni Lhorraine.

Napabuntunghininga na lang si Lhorraine at umiling. Nakasaad sa cursed book ang lokasyon at kung paano makukuha ang mga elemental weapons.

Ngunit hanggang ngayon, blangko pa rin ang lahat ng pahina ng libro.

"Dalian mo Jana, malelate na tayo." Sabi ni Yancey habang nagpupunas ng bibig.

"tssss. Sandwich na naman?" Irap ni Jana at umupo na sa tabi ni Lhorraine.

Maganang kumain yung tatlo habang si Lhorraine at Yancey ay nag-uusap tungkol sa mission nila.

"Tara na. Dun na lang kayo sa isang kotse, Lhorraine kaw na magmaneho dun." Sabi ni Yancey at pinatunog yung alarm ng kotse niya.

Hindi sila pwedeng magsasabay sa pagpasok dahil hindi pwedeng malaman ng mga students na ang apat na mysterious nerds ang totoong may-ari ng school nila.

"Oh and one more thing. No powers and No hurting anyone, lalo kana Jana." Turo ni Yancey kay Jana na agad namang ikinanuot ng noo nito.

"Ilang ulit mo ng sinabi yan sakin. Nakakasawa ng pakinggan." Irap nito.

"Kapag may narinig akong may ginawa kayong kalokohan, malilintikan kayo sakin." Pagbabanta pa nito.

"We can control and supress our powers Yancey. You have nothing to worry about. I'll take responsibility if anything wrong happens." Sagot naman ni Lhorraine.

"No one will take responsibility, cause no one will break the rule. Right Jana?" Sabi ulit ni Yancey, napairap na lang si Jana.

"I really hate that old lady." Inis na sabi ni Jana nung makapasok na sila ng kotse. Nasa likod sina Rose at Kristine habang nasa driver's seat si Lhorraine.

"She's not that old, i think she's in her mid twenties." Sabi naman ni Rose.

"Tssss." Irap ni Jana at sumandal sa headrest ng upuan niya.

"She's cool." Dagdag pa ni Kristine na mas lalong ikinainit ng ulo ni Jana.

"Gusto mo ba ulit ng away Kristine?" Banta ni Jana na tumingin pa sa likod.

"Game ako diyan!!"

"Enough!! Kasasabi lang ni Yancey na don't use your powers diba?!" Awat naman ni Rose. Nag-irapan na lang silang dalawa at nagcross arms.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon