Mission #67 Random

168K 5.1K 652
                                    

Sobrang sorry dahil natagalan, nagfinals po kasi kami, tsaka busy ako sa COC ko lols.

Para kay @WhySoBoring

KRISTINE's POV

Halos isumpa na niya ko noon tapos etoh?! Parang wala lang sa kanya ang nangyayari?!

Bwisit!! Nakakainis!!!

Humarap ako sa dalampasigan at pinataas ang tubig. Pinataas ko ito ng pinataas hanggang sa mawalan na ng tubig hanggang sa gitna ng dagat.

"Anong ginagawa mo?!" Sa bigla ko naibaba ko yung kamay ko at huli na ng makarinig kami ng lakas ng dagundong ng tubig.

Tumakbo ako kay Wave at pinrotektahan siya sa tama ng alon. Nakita kong nawawalan na siya ng hangin so I grab his face and kissed him to give him air.

Leshe hindi ako makafocus. I tried my hardest to calm the sea pero nanghihina ako sa ginagawa ko kay Wave.

Naramdaman ko ang payakap niya sa bewang ko at hindi na lang ordinaryong Mouth to mouth resuscitation ang ginagawa namin.

I was able to calm the sea hanggang bumaba na lang sa bewang namin yung tubig. The kiss was not broken pero mas lumalim pa toh.

"Sh*t! SPG!!" agad kong naitulak si Wave kaya lumubog siya sa tubig. Napalingon ako at nakita si Crimson.

Bigla akong namula.

"D*mn! Balak mo ba kong patayin?!" Singhal ni Wave sakin habang naghahabol ng hininga.

"E-ewan ko sayo!!" I snorted at tumakbo pabalik sa mansyon.

"Oh anong nangyari sayo?! Buti activated yung barrier kundi baka lumubog na itong isla sa ginawa mo!" Salubong sakin ni Lhorraine.

"Ayos ka lang ba? Namumula ka ah?" Rose asked.

"Ayos lang ako. Mainit lang siguro." I lied at dumiretso sa kwarto ko para maligo.

------

"Kanina pa ko naghihintay sa baba, may problema ba?" Bungad sakin ni Hunter. Napatingin ako kina Crimson at Wave na nasa likod niya at nakaupo sila sa couch.

"Wala naman. Saang isla tayo ngayon?" I asked at lumapit kay Hunter. Napatingin ako kay Wave ng bigla siyang tumayo pero nag-iwas din ako ng tingin.

"Hindi muna tayo aalis ngayon, dapat kasama natin yung iba, balak ko kasing pumunta sa Pacific Ocean." he said.

"May mga sea creatures ba dun?"

"Yup definitely, marami pa tayong pupuntahan. Dahil may mga portals doon na nagcoconnect sa Underworld, I'll talk to Ash if he's willing to help us gather data."

"Si Lhorraine?" I asked.

"We can't bother her, nagtretraining din siya." He said. Napabuntong hininga na lang ako.

"So, wala na tayong gagawin?"

"Personal trainings na lang. Pwede kang makipagsparring kina Rose if you have time. I have to go, may pag-uusapan pa kami nina Yancey at Throne." He smiled and kissed my cheek bago umalis.

Napabuntong hininga na lang ako then napakislot ng may dumamping panyo sa pisngi ko.

"Baka hindi pa siya nagtotoothbrush." Wave said. Napasinghap ako sa sinabi niya.

I grabbed his hanky at binato sa mukha niya.

"Will you stop acting like you care? It's creepy." I hissed at nagwalkout na.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon