Mission #17 Cease Fire

224K 7.3K 1.1K
                                    

KRISTINE's POV

"Tama ba yung ginawa nating pag-aalter ng mga memories nila?" Tanong ko kay Lhorraine habang binubuklat niya ng pabalik balik ang bawat pahina ng cursed book.

"Hindi makakaya ng utak nila ang mga nakita't narinig nila." Sabi nito. "Halos maghysterical na nga sila nung makita nila ang katawan ni Jana na naliligo sa sarili nitong dugo."

Napabuntong hininga na lang ako. You read it right. Yancey was forced to punish her and we understand that. Ngayon, si Yancey na naman ang problema namin dahil ayaw na nitong lumabas sa kwarto niya.

"Namimiss ko na si Jana, kayo ba?" Tanong ni Rose habang nangalumbaba sa harap ng mesa.

"Kapag pala wala si Jana ang tahimik ng bahay, walang maingay at walang napapagalitan." I tried to laugh pero pumiyok lang ako hanggang sa mapaiyak na lang.

"Tara na malelate na tayo sa school. Tsaka wag niyo na munang pag-usapan si Jana. Just please. Move on." Sabi samin ni Lhorraine at kinuha na yung bag niya.

Nagkatinginan na lang kami ni Rose at sabay na napabuntong hininga. Dumiretso ako sa kwarto ni Yancey at kumatok sa pinto niya.

"Yancey, alis na kami. Sure ka bang hindi ka papasok ngayon?" I asked. Hindi niya binuksan ang pinto niya pero hindi rin siya sumagot. Napabuntong hininga na lang ulit ako at lumabas na ng bahay diretso sa kotse.

"Anong sabi ni Yancey?" Tanong ni Rose.

"Ayaw niya talaga tayong makausap." Malungkot na sabi ko.

"Baka siguro naguiguilty siya sa ginawa niya kay Jana."

"Baka nga.." I sighed. Nakarating na kami sa campus ng tahimik. Nakakapanibago. Wala si Jana. Wala akong kaasaran, kapikunan, kaaway. Namimiss ko na siya.

Pumasok na kami sa classroom at diretso sa kanya-kanya naming seats.

"Oo nga pala nasa inyo nga pala ang priviledge na makatabi kaming Royals. Muntik ko ng makalimutan halos isang buwan din kasi kaming hindi pumasok. Nakakastress kasi ang makita kayo araw-araw."

Napatingin ako kay Jane, kasama niya si Daisy at nakahalukipkip sila sa tabi ko. At dahil wala ako sa mood ngayon hindi ko na lang sila pinansin at nangalumbaba sa mesa ko.

"So, snob na kayo ngayon?!" Medyo tumaas ang boses niya kaya napatingin samin ang iba naming classmates. "Hindi porke't kayo ang nagtututor sa He Royals eh feeling niyo mataas na kayo."

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hablutin yung mukha ko at halos bumaon yung kuko niya sa pisngi ko. "And if I were you, lalayuan ko si Wave lalo na kung hindi mo kilala ang binabangga mo." She hissed at marahas na binitawan yung mukha ko.

Napahaplos na lang ako sa panga ko. Inirapan niya ko sabay upo sa seat niya. May upuan sa pagitan namin kung saan dun uupo si Wave. Napatingin ako sa gawi nina Lhorraine, tahimik ulit itong nagbabasa habang naiirita naman si Daisy sa tabi niya.

Si Bea at Jheraine wala pa sa mga seats nila, gaya ng He Royals.

.

.

.

WAVE DANIEL's POV

"Kailan mo ba balak ipadala sa bahay ampunan o sa dswd yang batang yan?" Tanong ko kay Crimson habang nakapiggy back ride sa kanya si Carla. Yung batang ubod ng kulit at daldal.

"Nagreport na nga ko sa police diba? Satin muna siya hangga't wala pang tumatawag para kunin siya." Sabi nito. Hindi namin toh maiwan sa bahay dahil iiyak naman. Gusto laging nakadikit kay Crimson hanggang dito sa school.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon