Mission #23 Acquaintance Party II

190K 7.3K 1.8K
                                    

Dedicated to @ThePrincessInTown/@TheInnocentAuthor and sa friend mo na nagbabasa ng story ko :).
.

.

.

JANA's POV

"Kaasar malapit ng matapos yung second song." Sabi ni Throne.

"Don't tell me magsasayaw pa tayo? Hindi pa ba masakit yang paa mo? Kanina ko pa natatapakan." I laughed.

"I need to endure it, sabi ko naman sayo hindi tayo titigil hangga't hindi ka natututo." He smiled.

"Sige magdusa ka." I grinned. Kahit kasi anong subok kong iwasang apakan yung paa niya hindi ko magawa, naawa na tuloy ako kay Throne.

"I think we should stop, masakit na talaga yang paa mo eh." I said.

Tumigil naman kami sa pagsasayaw. He smiled at me at niyakap ako. I froze, b-bakit niya ko niyayakap?

"A-aww!!" I squealed ng biglang may humila sakin.

"Crimson!" Nanlaki ang mga mata ko habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko. Inilagay niya ko sa likod niya na parang pinoprotektahan.

"Wag mo siyang idamay dito Throne!!" Duro niya dito.

"I don't know what you're talking about." Kunot noong sabi ni Throne.

"Alam kong kinakaibigan mo siya kasi gusto mong makaganti sakin."

"Matagal ko ng natanggap na wala na kami ni Jheraine, I admit nagalit ako, barkada tayo Crimson eh pero inahas mo yung girlfriend ko."

Napasinghap ako sa sinabi ni Throne.

"Hindi ko siya inagaw sayo, siya ang mismong lumapit sakin." Crimson hissed.

"Pero pinatulan mo naman siya." Ganti ni Throne. Hindi na nakasagot si Crimson at mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Stay away from Jana, Throne. Baka makalimutan kong magkaibigan tayo."

"You cannot just tell him to stay away from me! Magkai--"

"Shut up!! Wala kang alam kaya tumahimik ka!!" Sigaw ni Crimson sakin. Natigilan ulit ako, ano ba kasing kinagagalit niya sakin, wala naman akong kinalaman sa love triangle nila.

"Tsss okay fine!" Piniksi ko yung kamay ko at nagmartsa paalis. Bwisit eh anong karapatan niyang sigawan ako?

.

.

.

CRIMSON's POV

Tsssss..
"Hindi ka pa pwedeng magwalk out." Hila ko sa kanya. She needs to know the truth. May pagkatanga rin kasi itong isang toh.

"Hindi ka pwedeng makipagkaibigan kay Throne kasi kaw ang gagamitin niya para makaganti sakin." I said not minding even if Throne hears us.

"Bakit naman ako gagamitin ni Throne para maghiganti sayo? Sa pagkakaalam ko lang ha? Gagamitin ka lang ng isang tao kapag importante ka sa taong paghihigantian niya. Ano ba ko sayo? Wala naman diba? Hindi naman ako importante sayo eh kaya bakit niya yun gagawin sakin?" Mahabang litanya nito.

Natigilan ako sa sinabi niya. Bobo talaga.

"Wala namang namamagitan satin Crimson eh, kaya pwede ba wag mong pakealaman ang pakikipagkaibigan ko sa iba." She left me dumbfounded. Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Throne sa balikat ko.

"Uso rin naman kasing umamin paminsan-minsan." He grinned.

"G*go! Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong masapak." I hissed. Tumawa na lang ito at bumalik sa table nila.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon