Mission #60 We're Demons

158K 5.7K 1.6K
                                    

Feeling ko aabot tayo ng 100+ chappies haha. Kaya mamadaliin ko na toh XD

At dahil, ngayon ko lang napansin na 300k+ reads na pala tayo lols. Gusto kong mamigay ng Macbook Air!! Pero syempre joke lang yun haha.

Anong gusto niyong prize? I will give upto 10 pcs depende sa budget :3

------

JANA's POV

Nagising ako sa yugyog at malakas na boses ni Kristine.

"Darn! Hindi niyo ba nakikita?! May natutulog!" Singhal ko at padabog na tumayo ng maramdaman ko ang pamamanhid ng paa ko kaya bumagsak ako sa sahig.

"Aray!!!"

"Jana! Bakit ka ba kasi bumabangon agad!!" Singhal sakin ni Crimson at binuhat ako papunta sa kama ko.

Napatulala ako sa mukha niya. Andito siya?!

"Anong ginagawa mo dito?!" I asked bago niya ko ibaba sa kama at mapansin ang benda sa paa ko

"Hindi mo maalala? Nawalan ka ng malay ng pumunta tayo sa dagat."

Dagat? Oo nga pala galing kami sa dagat tapos nawalan ako ng malay.

"Ayos na naman, nagamot ko na." Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko at paghaplos ni Crimson sa mukha ko.

"Napagsabihan na namin yan. Wala ng magdadala sayo sa dagat." I heard Daemon's voice. Tinampal ko yung kamay ni Crimson tsaka ako yumakap kay Daemon.

"Takot na takot ako kanina. Akala ko, akala ko kakainin na ko ng dagat." I sobbed.

"Ssshhh don't worry hindi namin hahayaang may mangyaring masama sayo." He said.

"T-talaga?" He nodded. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong kumirot.

"Aray.." I breathed. Naitulak ko ng malakas si Daemon dahil biglang sumakit yung ulo ko na parang mabibiyak.

"P-palabasin niyo sila dito!!!" I groaned.

"A-anong nangyayari?!" I heard Crimson shouted. Buti na lang nakalabas na sila ng hindi ko na makontrol ang init ng katawan ko and I burst.

Napuno ng apoy ang buong kwarto and I don't know kung pano na nila naiwasan yung apoy but there's only one thing I know.

I can't control it.

CRIMSON's POV

"Oh f*ck!" I cursed ng mahawakan ang nagbabagang doorknob.

"What the hell is happening here?!" Singhal ko pero hindi namin mahawakan yung pinto dahil nagbabaga ito.

"Tubig!" Hysterical na sabi ni Wave bago kami nagtatakbo pababa para kumuha ng tubig. Kahit ilang timba ang kinuha namin hindi pa tumatama sa pinto eh nageevaporate na.

"Do you think... Do you think nasusunog na sila sa loob?!" Tanong ni Leif.

"Wag kang magsalita ng ganyan!" Hila ni Wave sa kwelyo nito.

"What am I supposed to think?!" Tulak nito kay Wave. Inawat na namin bago pa magkapisikalan.

"Tama na! Wala yang magagawa!" Ash shouted. Napaatras kami ng biglang may lumabas na tubig mula sa loob ng kwarto.

Kasabay nun ang paglabas ng kwarto nina Kristine na parang walang nangyari.

"Oh my gosh! Bakit di pa kayo umaalis?!" Singhal ni Kristine samin na kasama si Daemon.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon