Mission #39 Engagement

203K 6.3K 2.2K
                                    

Para kay @Queen_tomo dahil talagang binabasa mo at ininternalize yung story XD.

@YummyKiethCat thank you sa floodvotes :)

Q1: Pano nabuhat ni Ash si Lhorraine, diba mabigat yung mga damit nila?

--kasi po yung mga tela na suot nila eh power suppresors lang at dahil wala namang powers si Ash kaya niya ito nabuhat :)

Q2: About dun sa nagshower sila, diba hindi pwede si Jana sa tubig?

-si Jana po specifically, hindi pwede sa malalamig na bagay, pwede naman siyang maligo as long as hot water (hindi kasi naispecify. sorry ^^)

Q3: Pano na nga ba yung singsing kay Wave?

-aba malay ko! Wala sakin ah! De joke, ABANGAN niyo na lang :P baka naiwala na niya yun.

------------------------
ROSE' POV

Buti na lang walang teacher for 3 hours. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapasyal dito sa garden.

Umupo ako sa favorite spot ko. Agad na nagsilapitan yung mga ibon. Nagsaboy ako ng food nila. Grabe nakakamiss din pala ang lugar na toh.

"Pasensya na hindi ko kayo nadadalaw ng madalas kain lang ng kain. Marami pa dito." I said.

Nanonood lang ako ng bigla silang magsiliparan.

"Sinong nandyan?" Kumunot ang noo ko. Tumayo ako at pinampag yung dress ko.

"S-sorry hindi ko sinasadya." Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Hunter.

"Hindi mo bagay yung name mo, naitataboy mo yung mga hayop eh." I chuckled.

"Ahm aalis na ko.." He said.

"Teka lang! Bakit aalis ka na?"

Lumingon siya sakin pero hindi niya ko matignan ng diretso, may problema ba siya? O may kasalanan ba ko? Para kasing iniiwasan niya ko.

"Samahan mo muna ako dito." I said.

"Ahm ano kasi..."

Napabuntong hininga na lang ako. "Sige na nga baka importante yang pupuntahan mo, pero next time samahan mo ko ha?" I grinned.

Tumango naman siya at naglakad na paalis.

HUNTER's POV

Ano ba naman toh?! Nakakatorpe peste. Oo na, inaamin ko naman eh, may gusto ako
kay Rose noon pa lang nerd pa siya.

Lagi kasi siyang nakangiti at hindi mahirap iapproach, ang bait pa niya sa mga hayop at halaman.

Muli akong lumingon sa pwesto niya, bumalik na yung mga ibon at pinapakain niya ulit ang mga ito.

"Sayang talaga noh?"

Kumunot ang noo ko ng makita si Kristine na nakasandal sa pader.

"Pinapanood mo ba kami? Stalker mode." Irap ko.

"Hindi naman, nacurious lang ako. Kung ganu mo ko kabilis sinunggaban noon, ganun ka naman katiklop pagdating kay Rose." She chuckled.

"Kababae mong tao ganyan lumalabas sa bibig mo." Irap ko at nilampasan na siya.

"Pustahan tayo medyo worried na ngayon si Rose." She grinned. Lumingon ako sa kanya and gave her a puzzling look.

"Feeling niya galit ka sa kanya kasi iniiwasan mo siya. Malungkot na nga siya dahil broken hearted siya tapos dadagdag ka pa." She smirked and left me dumbfounded.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon