Mission #30 Double Date

222K 7.3K 3.8K
                                    

Para kay @_zyrene_ at @khezlyf
Thanks for the flood votes. Love you na XD.

---------------
JANA's POV

Pumasok lang si Wave sa kwarto niya gumaling na siya??

"Look, nagpropose na siya sakin." Wave grinned at pinakita samin yung sing-sing.

The Elemental Ring.

"Asan ang critical diyan?" Tanong ni Crimson sakin with sarcasm.

Inirapan ko na lang siya at hinila yung kamay ni Wave. I tried to pull off the ring pero hindi ito matanggal.

"Aray!! Jana naman masakit!!" Sabi sakin ni Wave binawi niya yung kamay niya at marahang minasahe ito.

I glared at Kristine pero nag-iwas lang siya ng tingin. Hindi dapat mainvolve ang mga tao dito pero sa ginawa niya tiyak na manganganib ang buhay ni Wave.

"Tanggalin mo yan bago pa magdilim ang paningin ko at putulin ko yang kamay mo." I hissed. Kumunot ang noo niyang tumingin sakin.

"No way! It is the symbol of our love." Ngisi ni Wave at hinila papunta sa kanya si Kristine.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay Fine. Ginusto mo yan." I said at nagwalk out na.

"Jana." Napalingon ako ng marinig ang boses ni Throne.

"Kala ko di ka darating." I said.

"Pwede ba naman yun? Ah oo nga pala I brought something, mas mabilis kang gagaling dito." May binigay na basket ng mga prutas si Throne kay Kristine.

"Thanks Throne." Kristine smiled.

Napanguso nanlang ako. "Eh yung akin?"

"Wag ka ng mainggit, kung gusto mo bilhan kita ng tig-iisang farm ng mga prutas na gusto mo." He grinned sinapak ko na sa balikat.

Yabang talaga hahaha.

"Aalis kayo?" Biglang sulpot ni Yancey. As usual nakacorporate attire na naman ito, busy siya masyado.

"Hmm? Pwede po ba?" Ngisi ni Throne dito.

"Oo naman, kung pwede lang wag mo ng iuwi yan dito." Pacool na sabi ni Yancey. Napatingin ako kay Rose na inililigpit yung pinagkainan nila.

"Kayo na lang maggrocery kung ganun? Ikaw Lhorraine may papabili ka?" Tanong ni Rose.

"Hmmm alam ko na! Hihi Lhorraine talaga mahilig sa ube ice cream." Throne grinned. Pati nga kami kailan lang namin nalamang mahilig sa ganun si Lhorraine.

Namula ang pisngi nito at nag-iwas ng tingin.

"Uhm, y-yung 1 Liter." nahihiyang sabi nito.

"Kayo may papabili kayo?" Tanong ni Throne kina Crimson.

"Tsss makauwi na nga." Irap nito at lumabas na ng mansyon. Pati sina Ash at Leif sumunod na rin.

"I'll call you." sabi pa ni Wave kay Kristine bago sumunod sa tatlo.

THRONE's POV

"Wala ba ito sa list?" Pakita ni Jana sa isang supot ng Mang Juan.

"Bakit ba puro wala sa list ang kinukuha mo?" I asked. Napanguso na lang ito at binalik yung kinuha niya.

"Eh kasi naman, magagalit na naman si Yancey kapag wala sa list ang mga binili ko."

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon