Mission #72 Jealousy

172K 5.5K 1.7K
                                    

JANA's POV

Hindi naman tumitigil sa pagsasanay ang mga tiefling pero kaming mga Demons nagprapractice ng Waltz?!

Seryoso?! Pake ko sa Waltz?! Mas masisiyahan pa ko kapag kumain ako ng tinik kaysa matutong magWaltz.

Kaya etoh ako nakatambay sa tuktok ng puno at kumakain ng mangga.

"Jana, lunch na tayo." Sabi ni Kristine sakin ng makasampa siya sa branch na kinauupuan ko.

"Si Yancey?" I asked. Hangga't maaari hindi dapat kami magkita ni Yancey during Dance Lessons, alam kong megatorture na naman ang gagawin niya sakin.

"Bumalik na sa Maynila, isinama na nga niya sina Throne dahil marami silang aasikasuhin para sa Anniversary." She said.

"Good then. Tara na!!!" I grinned at mabilis pa sa kidlat na bumalik sa mansyon.

"The runaway princess." Daemon mocked habang inaasikaso niya si Daisy. Napangisi na lang ako at umupo sa tabi ni Crimson.

"So, where did you go?" Daisy asked.

"Natulog lang diyan sa tabi-tabi." I chuckled habang pinapanood ko si Daemon na naglalagay ng kanin sa plato ni Daisy.

Nakaramdam ako ng inggit kaya napatingin ako kay Crimson na susubo na sana.

"W-what? Bakit hindi ka pa kumakain?" He asked. Napanguso na lang ako at padabog na nagsandok ng pagkain sa plato ko.

Buti pa si Rose, sinusubuan ni Leif, si Lhorraine pinaghihimay ni Ash.

Si Kristine at Wave? Nevermind.

Ako? Nganga!

Sweet ng boyfriend ko. -.-

"Crimson, ang hirap hiwain nung karne." Nagpacute pa ko. Uminom siya ng tubig habang nakatingin sakin.

"Lunukin mo na ng buo, tutal sanay ka naman eh." He chuckled and patted my head. I smiled sweetly at him at walang awang ginutay-gutay yung steak na kinakain namin.

"Crimson, pasalin naman ng juice oh." Pagpapacute ko ulit at nagbeautiful eyes pa ko.

"Leif, paabot nung pitcher." He asked Leif. Iniabot naman agad yun ni Leif. Nagsalin siya ng juice sa baso niya tapos inilapag yung pitcher sa harap ko.

Napatingin ulit ako sa mga kasama ko. Si Daemon pinapat yung likod ni Daisy dahil nasamid ito.

Si Rose, pinapainom ni Leif.

Si Lhorraine at Ash share sa iisang baso.

Si Kristine? Nevermind ulit.

Ako? Nakabusangot na nagsalin ng juice sa baso ko. Hinawakan ko na lang yun at pinakulo para mainom ko.

Natapos na kaming kumain ng hindi ko man lang naenjoy yung food. Leif and Rose did the dishes.

Lumabas sina Lhorraine at Ash, pumunta sa garden sina Daisy at Daemon. Si Kristine at Wave, nevermind.

Si Crimson dumiretso sa living room at dumapa sa couch para manood ng TV.

Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa likod niya. Halos magpumiglas na siya dahil alam kong hindi siya makahinga.

Pake ko ba?! Bwisit siya!!!

"Jana! Masakit ang katawan ko!" He hissed, tumayo na ko at pasimpleng umupo sa couch.

"Ano bang problema mo?" Singhal niya sakin.

"Wala, namimiss ko lang si Throne." I said at sinubukang tignan kung anong magiging reaksyon niya.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon