Mission #12 Moments

240K 7.9K 2.5K
                                    

"Kayo na maglinis diyan, wag kayong umasang tutulungan namin kayo." Irap ni Crimson sa mga Nerds. Ang locker room sa likod ng gymnasium ay parang dormitory ang itsura dahil may marami pang ibang sports ang may locker room sa building na toh.

"Lhorraine, samin na lang ni Jana yung mga nasa second floor kayo na ang bahala sa taas." Suggestion ni Rose, kung tutuusin, may anim na locker room per floor lang naman kaya kayang-kaya na ng mga nerds.

"Crimson, mapapagalitan tayo, baka pati yung She Royals madamay dito." Bulong ni Leif kay Crimson.

"Sa tingin mo ba marunong maglinis ang mga yan? Eh sarili nga nila hindi nila maayos eh." Bulong din ni Wave. Napatingin silang apat sa apat na nerds na naglalabas ng mga cleaning tools sa naglagyan nilang drum mula sa stock room kanina.

Parehas na mop ang nakuha ni Jana at Kristine napatingin sila sa isa't isa at nagsimula ng magespadahan. Si Lhorraine at Rose naman busy lang sa pag-aayos ng mga gagamitin. Habang ang mga He Royals ay laglag ang pangang nanonood sa dalawa na nagfefencing.

"Uyy tama na yan! Ituturo na ni Lhorraine kung anong gagawin natin." Sabi ni Rose. Agad namang naghiwalay yung dalawa at lumapit kay Lhorraine na nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Rose. Ano nga ba naman ang alam niya sa paglilinis eh isa din siyang prinsesa?

Sinabi ni Lhorraine ang name ng bawat gamit. "Hindi ko alam kung anong gamit ng mga yan eh." Nahihiyang sabi nito.

"Mga Abnormal ba kayo?!" Biglang singit ni Crimson at hinablot mula kay Jana yung isang mop. "Sasama ka sakin." Bigla niyang hinila si Jana at pinagbuhat ito ng mga gamit sa panglinis.

"P-pero hindi ko alam kung pano maglinis." sabi nito habang sumusunod kay Crimson na nakahawak lang ng isang mop. Sa paninira ng mga bagay-bagay magaling si Jana.

"Tuturuan na lang kitang maglinis." Yaya naman ni Leif kay Rose.

"Huh? Naku hindi na kaya naman namin." Nahihiyang sabi nito at inayos yung eyeglasses. Napansin ni Leif ang pamumula ng pisngi nito.

"Okay lang yun, parusa na rin namin ito sa pagjujudge sa inyo. Sorry nga pala sa ginawa ng She Royals." Napahawak pa sa batok si Leif habang nahihiyang nagsosorry sa tatlo.

"Mmm, okay lang yun." Rose smiled at him. Kumuha na rin sila ng cleaning tools at sumunod kina Jana at Crimson.

"Uyy, sasama ka sakin." Turo ni Wave kay Kristine pero umirap lang ito sa kanya.

"Si Lhorraine ang gusto kong kasama." Nakangusong sabi nito. Napatingin sa kanya si Lhorraine. Pero kalauna'y napabuntong hininga na lang sila dahil hindi talaga nila alam kung pano maglinis.

"Etoh buhatin mo lahat yan." Muntikan ng matumba si Kristine sa dami ng cleaning tools na binigay sa kanya ni Wave.

"Hindi mo ba ko tutulungan?" Tanong nito pero inirapan lang siya ni Wave. Nagdadabog na lang ito at parang bubuyog na bulung ng bulong. Sila naman ang bahala sa first three rooms sa baba.

Nagkatinginan si Lhorraine at Ash pero nag-iwas din sila ng tingin. Tahimik lang silang kumuha ng kanya-kanyang cleaning tools at dumiretso na sa locker room.

CRIMSON's POV

Ano ba kasing ginagawa ko dito? At bakit ko tinuturuan itong nerd na tong maglinis?! Kababaeng tao walang alam. Kasalanan toh ng mga SHE ROYALS eh. Hindi nila inilugar ang pagkawarfreak nila tsss.

"Hoy unahin mong tanggalin yung mga spider webs sa kisame!" Utos ko. Nakaupo lang ako dito sa labas ng locker room, ayokong madumihan, tsaka nadamay lang naman kami dito kaya magdusa sila. Kumuha siya ng walis at sinubukang abutin yung kisame. Tssss tanga as if maabot niya eh ako ngang 6 footer hindi ko maabot yan.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon