Mission #85 Epilogue

213K 5.2K 1K
                                    

Epilogue na po toh kasi nga BOOK 2 na yung susunod. Wag makulit makakasapak na ko haha.

Yung mga nacut na parts or missing parts, fault po ng wattpad kaya sa kanila po kayo magreklamo. Wala akong soft copy nito.

YANCEY's POV

"Nasa forbidden room ang forbidden door sa basement. Ready na ba kayo?" I asked them.

Bakas sa mga mukha nila ang kaba. Sa pagtapak nila papasok sa forbidden door wala ng bawian, wala ng atrasan.

Magbabago na ang mga buhay nila.

"Okay na." Rose breathed. Sumakay na kami sa elevator papuntang basement. I took out my keys to open the forbidden room.

Madilim ang buong paligid. At ang laman ng forbidden room ay ang nag-iisang forbidden door.

Kulay itim ito. Bumuntong hininga muna ako bago buksan ang pinto. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumati samin.

It lasted for few seconds bago unti-unti itong nawala.

"We're back." I said to them. Nagmulat sila ng mga mata.

My armor was back.

Daemon is wearing his Prince suit at ganun din si Leila nakasuot din ito ng pangprinsesa. Hunter and Throne is also wearing their armors.

Rose was back to being a wolf girl. Mahaba ang mga tenga niya na parang aso and she has her tail. Nakasuot na siya ngayon ng brown leather shorts at tube.

Nakalabas na rin ang mga pakpak ni Lhorraine. Wearing her white boots with feathers, a skirt and chest armor made of feathers. Her hair is white.

Wala pang nagbago kay Kristine dahil nasa lupa pa siya. But her hair is blue.

Jana is with her Fire girl look. Red hair, black wings, red lips, red eyes. May chest armor din siya made of steel and leather pants.

"Hindi niyo naman sinabing kailangan ng change outfit." Daisy said.

"It's natural, talagang nagbabago ang suot namin depende sa lahi namin." Lhorraine answered her.

"Nasa Alta Majora tayo." Rose said. "Nasa kalagitnaan ng syudad Mierez, malapit sa palasyo."

Kumbaga sa human world. Nasa lugar kami kung saan nakatira ang mga nasasakupan ng palasyo. May mga mumunting stalls at pwesto kung saan nagbebenta sila ng mga iba't-ibang uri ng produkto.

"KAMAHALAN!" may mga lupon ng mga kawal ang bumaba sa kani-kanilang mga kabayo at lumuhod sa harapan namin.

"Maligayang pagbabalik."

"Aros, kailan pa bumalik ang daloy ng oras?" Tanong ni Daemon kay Aros ang isa sa mga heneral ng palasyo.

"Dalawang araw na po ang nakararaan, mahal na prinsipe at sa kasalukuyan wala pang ginagawang hakbang ang mga Black Demons."

"We can't let our guards down. Ipaalam sa Palasyo ang aming pagbabalik at ihanda niyo sila ng kani-kanilang silid." Daemon added.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon