Meow 10

61 3 0
                                    

"PAO! Long time no see, ah. Kumusta ka?"

Sinadya talaga ni Orange na hindi alisin ang earphone niya pati na rin ang lakasan ang boses niya. Sinadya niya ding magtago muna kay Paolo dahil ayaw niyang madamay ito sa mga katatawanang pangyayaring ginagawa sa kanya. Ngunit ganoon nga yata, na kapag lalo kang nagtago o umiwas, mas lalo kang nakikita.

At heto na nga ang binata, mukhang galit pa.

"Huwag mo akong isinasali sa biro mo, Orange," galit pa rin na saad ni Paolo at isinara na nito ang netbook niya sanhi para tumigil na rin ang pagtugtog sa earphone ni Orange at tuluyan nang marinig ang binata. "Bakit hindi ka pumasok? Nandito ka naman pala sa campus. Naligaw ka ba o naghabol ng pusa—"

"Both," mabilis na sang-ayon niya sa sinabi ni Paolo tulad nang madalas na akala nito ngunit tila mas lalo lang ikinagalit ni Paolo iyon.

"O nagtatago ka dahil sa mga viral video mo?"

"Hindi, ha." Mas mabilis na sagot niya na mukhang mas lalong ikinalaglag niya.

"Kung hindi, bakit hindi ka pumapasok sa klase natin? Two days ka ng absent, may mga nauna ka pang absent. Sa ginagawa mo, hindi malayong ma-drop ka. At anong balak mo sa video mo? Ganyan ka lang ba? Ha? You won't do anything about it? Hahayaan mo na lang bang ganyanin ka nila? I know you can do something for yourself pero hindi mo ginagawa? Why, Orange?"

Gulat na gulat ang pakiramdam ni Orange sa mga narinig niya kay Paolo. Hindi niya malaman kung gulat ba iyon dahil sa dami ng sinabi ni Paolo o gulat dahil iyon ang unang beses niyang karinggan ang isang tao na sobrang nag-aalala sa kanya sa mga ginagawang kababalaghagan ng ibang tao sa kanya.

Never, kahit ang mga kaibigan niya sa dating eskwelahan o ang pamilya niya, na may nag-udyok sa kanya na ipaglaban ang sarili niya.

"Sandali. Sandali lang," taas pa ang kamay niya sa mukha ng binata. Actually, tinatakpan niya ang mukha nito sa paningin niya. She can't take the stare he was giving. Baka matawa siya at lalo pang magalit ang binata.

Humugot pa uli si Orange ng hangin bago nagsalita. "Hindi ako nakapasok kasi inaayos ko 'yong mapa ko. Look, oh," ipinakita pa talaga niya rito ang mapa ngang nagawa niya kung saan, totoo naman talagang doon niya inubos ang panahon niya. "And I think magiging okay na ako after this."

"Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?"

"Bakit kita tatawagan?" Mabilis na balik niya. Ngunit parang mali yata ang sinabi niya. Nakita kasi niya ang gulat sa mukha ni Paolo at parang bigla siyang na-guilty sa ginawa. "Sorry," napayuko na lang niyang saad. "at tungkol doon sa mga tanong mo. Ayos lang ako. You don't have to worry about me. Sanay na ako sa kanila, okay?" And then she smiled.

Pero hindi gumanti nang ngiti si Paolo sa kanya. Nanatili lang itong nakatayo sa tabi ng mesa niya at nakatunghay sa kanya. Wala na ang galit ngunit mababanaag ang lungkot roon.

"Fine. Pasensiya ka na kung masyado kitang pinakikialamanan. Actually, hindi ko din alam bakit sobra-sobra ang pag-aalala ko sa 'yo." Napahagod pa ito sa buhok nito bago umatras. "Siguro nga masyado lang akong nangingialam. Like you said, dati ka pang walang pakialam sa kanila. So, why bother now? And damn! Para akong babae na nangungulit sa crush n'ya." Muli pang napamura si Paolo bago walang sinabi na lumayo na sa kanya. Walang paalam. Wala nang sinabi.

Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong pigura ni Paolo. Mukhang hindi man ito galit ngunit makikita sa mga mata nito ang inis. Natuon lang ang pansin ni Orange sa taong nasa harap niya nang magsalita ito.

"Hi, ikaw pala si Orange. I'm Leu and I want to say sorry for my friend's behaviour," pagturo ni Leu kay Paolo gamit ang ulo nito. "Hindi naman 'yan ganyan."

"Nakipaghiwalay kasi sa girlfriend n'ya." Biglang sulpot ng isa pang lalaki na mukhang maloko ang hitsura. "Dahil sa 'yo."

"Shut up, Dharwin," tampal ni Leu sa noo nito. "well, that's true. Medyo ang girlfriend kasi n'ya ang dahilan ng viral video."

"In short, ako ang dahilan ng pagkakahiwalay nila." Napalabi at napaisip na saad ni Orange. "Wish he didn't do that. Oh, well. Paki sabi na lang kay Pao na pasensiya na if I ruined his love life. Hanggat maaari hindi na muna ako lilitaw sa harap n'ya. If that's possible." Napaisip niyang saad dahil magkaklase sila ni Paolo sa halos lahat ng major subjects. "Basta. Ano, pakipigilan na rin lang s'ya if ever he would do something stupid. Okay?" Ngumiti siya sa mga ito at niligpit na ang gamit.

Natigilan lang siya sa paglalakad nang mapuna niya na halos lahat na ng mga mata ay nakatingin sa kanya. Iyong ang unang beses na naging aware siya sa mga iyon. Iyon din ang unang beses na parang nagpaawa siya. At hind na dapat pang maulit.

Stupid, Orange. Feel na feel mong may nagtatanggol sa 'yo, kaya ngayon, nagpapaawa ka? At saan ka papunta?

Napatigil siya sa paglalakad at napagtanto na papunta din pala siya sa lugar kung saan nagdaan si Paolo. Hindi siya dapat pumunta doon. Hindi ba at pinili na niyang iwasan si Paolo?

Iyon man ang daan papunta sa kaligayahan niya pero hindi naman niya kayang ulitin ang nangyari sa dati niyang unibersidad. Hindi niya kayang sirain ang kaligayahan ng ibang tao para sa sarili niyang kapakanan.

At sa unang pagkakataon sabuhay ni Orange, nagawa niyang ipakita sa lahat na malungkot siya.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon