Meow 3

66 5 0
                                    

SABAY-SABAY na ibinagsak ng ROSIER ang huling nota nang kantang kanilang tinugtog nang araw na iyon para sa practice nila. At tulad nang mga nauna nilang practice, iba pa rin ang hatid niyon. Pakiramdam nila ay napakalaya ng pakiramdam nila. Pagod man, naalis naman niyon ang pagod na hatid ng ilang araw na hindi nila nagawang tumugtog.

"Pagkatapos nito, kailan uli tayo tutugtog?" komento ni Leu.

"Katatapos lang. Gusto agad-agad?" balik ni Dharwin dito.

"Siraulo," binato pa ni Leu nang hawak na papel si Dharwin. "Tinatanong ko lang. Magiging busy na kasi ako sa mga dadating na raw. Para lang mai-schedule ko."

Napailing na lang si Pao sa sagutan na naman ng dalawa. Minsan kasi may pagka-OA si Dharwin. At madalas, ito ang napagti-tripan nilang asarin.

"Kulit mo kasi, Dhar. Daig mo pa 'yong pakalat-kalat na cat woman sa campus, eh. Parang slow at laging lutang." Komento ni Alfred.

"Kilala mo din 'yon?!" biglang komento ni Leu. "Palagi ko ding nakikita 'yon."

"Ako din," sunod na komento ni Raz. "Ang kulit ng hitsura n'ya, eh. Hindi ko alam kung nagkamali s'ya ng pasok o ano."

"Kayo? Kayo?" turo pa ni Leu kay Paolo at Mon.

"Busy kami sa OJT, eh," saad ni Mon.

"Ikaw, Pao?" Baling na ni Leu sa kanya.

"Sino bang cat woman ang pinag-uusapan n'yo?"

Nagkatinginan naman ang mga kaibigan niya. Ayaw ni Paolo na direkatang sagutin ang katanungan ni Leu. Baka kasi iba ang pinag-uusapan nilang tao.

Kung si Orange kasi ang pinag-uusapan ng mga kaibigan niya, puwes, iba ang tingin niya sa dalaga. He found her cute. Kahit ang tila pagiging clueless nito sa paligid sa tuwing nakakakita ito ng pusa, in any sense of the word.

"Hindi mo pa siya nakikita?" tanong uli ni Leu. "Iyong babae na laging naka headband na may cat ears."

"Ah, 'yong parang pusa na tinubuan ng tao." Biglang komento ni Dharwin.

And he almost hit his friend. Ngunit sa halip na mainis, pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi rin kasi niya maipapaliwanag sa kaibigan kung bakit niya ginawa iyon. Kung tutuusin kasi, totoo naman ang komento ni Dharwin kay Orange.

"Yeah. Saw her many times," simpleng komento na lang niya.

Umani naman ang komento niyang iyon nang sandamukal na panunudyo sa mga kaibigan. Matagal na silang magkakaibigan ng mga ito at alam niya kung ano ang iniisip ng mga ito.

"No, hindi ko s:ya crush o kung ano pa man." Depensa kaagad niya. "Nakikita ko lang s'ya dahil kaklase ko s'ya sa halos lahat ng major subjects ko. Alam mo na, ang hirap palang mag-shift."

Natahimik naman ang mga kaibigan. Binasag lang iyon ni Dharwin. "Defensive talaga? Nagtatanong lang kami."

"Sumasagot lang ako. At ikaw pa, may itatanong na naman kayo at sinagot ko lang."

Tumango-tango naman ang mga ito.

"Anong masasabi mo sa kanya?" tila reporter na pagtatanong naman ni Raz. "Do you found her weird and unusual? Do you found her funny and crazy? Puwede po ba naming malaman, Mister Paolo Caballero?"

Napailing na lang siya si Paolo sa kalokohan ng mga kaibigan at para matahimik ang mga ito, he honestly answered them. "She's weird and unusual. Funny and crazy. Pero sa totoo lang, makulit din siya."

"Paano mo nalaan 'yan?" kasunod na pag-uusisa ni Leu sa kanya.

Natatawa na lang siya sa hitsura ng mga ito. "Langya. Daig n'yo pa si Boy Abunda, ah." Umiling pa siya. "Well, she's been following me for two weeks dahil sa pink na pusa na ibinigay ni Anie sa bag ko, na nadagdagan pa ngayon ng bell. And mukhang sinuwerte s'ya because it led her to her classes. Ngayon, para s'yang pusa na sumusunod sa amo n:ya."

Natahimik saglit ang mga kaibigan niya na muling umani ng asaran.

"Ang lupit mo!" sigaw pa ni Raz. "May girlfriend ka na, may miming ka pa."

Napaplatak na lang si Paolo doon at hindi na umimik. Ayaw na niyang palawigin ang usapang iyon. Orange is just...Orange. Wala ng iba. Naiinis siguro siya dahil hindi niya kayang makarinig na may babaeng binabastos. Kakilala, kaibigan, kamag-anak man niya iyon o hindi.

At iyon lang iyon.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon