Meow 2

77 3 0
                                    

"SIGE, kita tayo mamaya."

Parang natauhan si Orange nang marinig niya ang salitang iyon mula sa may-ari nang bag na may Pusheen na pink, at oo, nakita na naman niya iyon, at humarap sa kanya. Hindi siya nagkamali nang pagkakarinig sa tinig nito. Lalaki ang may-ari ng bag at ng keychain na pink na Pusheen na ngayon ay may kasama ng cat bell.

"Ah...a-ano," nautal na saad ni Orange nang matigilan at magulat din ang lalaki sa kanya. "Kasi...'yong pusa sa bag mo."

"May pusa sa bag ko?" Nagulat ding lingon ng lalaki sa likod nito.

Bahagya na lang siyang napatawa doon. "Hindi, si Pusheen na pink."

"Ah," napaayos na tayo na ng lalaki. "So, what about my cat?"

"And bell," dugtong at pilit na pag-iwas niya sa nais malaman ng lalaki. Ngunit bigo siya dahil mukhang naghihintay pa rin ang lalaki sa paliwanag niya. "Ano, kasi, sinusundan ko 'yong pusa sa bag mo." Nahihiya na talaga niyang paliwanag.

Kahit na maamo ang bahagyang singkit na mata nito at bahagyang may katangkaran ito na mukha namang hindi siya inintimidate ng binata, nahihiya at kinakabahan pa din siya ng malala.

"Bakit?" patuloy pa ring tanong ng lalaki.

"Ano kasi...Sige, babye," mabilis na lang na paalam niya. At iisa lang ang nasabi niya sa sarili. Mukha kang tanga, Orange. Natigilan din siya, kailan ba hindi.

"Sandali," narinig niyang pigil ng lalaki. "'di ba, ikaw 'yong laging late? Ikaw din 'yong laging pusa ang headband and have to seat at the back dahil nakaka-distract ang headband mo?"

Napalobo na lang ni Orange ang pisngi niya sa mga katanungang iyon ng lalaki. Mukhang napansin siya nito. "Oo." Napayuko na lang niyang saad. Buking na siya sa ginagawa niya.

Kaklase pala kasi niya ang lalaki sa halos lahat ng subject niya. At kapag nakikita niya ito, sinusundan niya ang binata. Nitong mga huling araw, medyo nalalate siya dahil nahihirapan siyang hanapin ito. Kaya nga pasalamat siya sa cat bell na ngayon ay nakasabit sa bag nito. Kapag naririnig na kasi niya iyon, alam niyang nasa malapit lang ang binata. And sad to say, ulyanin siya sa pangalan. Buti ito hindi.

"Ikaw si Gro-Gol-Glor-"

"Glorilyn. Pero Orange na lang para madali," nakangiti niyang pigil.

"O-kay." Napatangong saad ng binata at napatawa pa. "Bakit mo ako sinusundan palagi? Huwag ka ng mahiya. Hindi naman ako galit. I'm just curious."

"Ah, ano kasi," napakamot uli siya sa ulo o mas tamang sabihin sa cat ears niya. "actually 'yong pusa 'yong sinusundan ko noong una. I mean palagi. Pero nitong huli, na realize ko na magkakalase pala tayo sa lahat ng subject and I thought it was good to follow you para hindi na ako maligaw." Bagsak ang balikat at nakalobong pisngi uli ang ginawa ni Orange matapos sabihin yon.

Mataman lang naman nakatingin ang binata sa kanya. At tulad ng ibang mga tao, tiningnan din siya nito mula ulo hanggang paa. Ang ipinagkaiba lang ng ibang tao sa binata, wala siyang makitang resentment o pangungutya sa tingin nito. It made her feel at ease. It made her smile.

"You really looked like a cat," saad nito at napangiti na lang sa kanya. "Well, bakit hindi mo kaagad sinabi sa 'kin? Edi, sana napadali ang buhay mo."

"Nakakahiya kaya." Mabilis niyang salungat rito at naitikom kaagad ang bibig sa 'feeling close' na pagsagot niya.

"Hindi ba mas nakakahiya na sundan-sundan mo ako?"

"Hindi ikaw, 'yong pusa." Pagtatama niya rito. "Sanay na akong pagtinginan ng tao at husgahan. Sila naiinis, ako masaya sa piling ng pusa sa bag mo."

Napatawa naman doon ang binata. "Bahala ka na nga."

"Bahala talaga ako," bahagyang irap niya rito.

"Paano, tara? May klase pa tayo, 'di ba?"

"Sige," malapad na ang ngiti niya. "Salamat, kuya, ha."

"Kuya talaga?" Sinulayapan siya nito. "Hindi mo ba naaalala ang pangalan ko?"

Guilty naman siyang ngumiti rito. "Sorry. Ulyanin din."

Napatawa naman uli doon ang lalaki. "Ikaw na ang baul ng kakulangan. Kulang man but funny." Bahagya pa uli itong tumawa. "Paolo. Puwede ng Pao."

"Pao-pao." Ngumiti siya.

Ngumiwi naman si Paolo. "Pao is enough."

"Pao-Pao!" Mas masigla pa niyang saad.

"Bahala ka na nga." Kakamot-kamot pa sa ulo na saad nito. "Dalian na lang natin. Baka parehas pa tayong malate."

Ngiti na lang ang naisagot ni Orange doon at binilisan din ang paglalakad. At mukha man silang tanga sa ginagawa pero talagang nagpaligsahan sila sa pabilisan ng paglalakad.

And she knew, sa simpleng kulitan nilang iyon, may bago na siyang kaibigan sa bago niyang unibersidad. At masaya na siya doon. Mali---masayang masaya pala.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon