INULIT pa uli ni Orange ang mga sinabi niya sa ilalim ng nakatakip na kamay ni Paolo sa bibig niya. Ngunit hindi naman siya maintindihan ng binata at hindi niya maintindihan ito. Noon lang niya naaalala ang nakalagay na earphone sa tainga niya. Masyado siyang nag-enjoy sa tahimik na ambience ng library at ang maingay na tugtugan nang Ellegarden.
Inalis kaagad niya ang earphone sa tainga niya at kasunod na inalis ang kamay ni Pao.
"Sandali," pigil pa rin ni Pao sa pagsasalita niya. "okay ka na?"
"Okay na," ngumisi pa siya rito. "Pasensiya na. Medyo may concert kasi ako sa kabilang mundo."
Saglit namang pinagmasdan siya ni Paolo na para bang tinatantiya kung okay na nga ba siyang talaga. Maya maya ay napailing na lang ito. "Mukhang okay ka na nga."
"Okay na nga ako, maniwala ka." Ulit pa niya uli.
"Oo na." Bahagyang tawa pa ni Paolo bago naupo sa tabi niya. "Ano palang ginagawa mo dito?"
Napsulyap naman siya rito at ngumiti. "Nagko-concert."
"Oo. Nakita ko nga." Napangiting ismid ni Paolo sa kanya. "Bukod sa concert mo, ano pa?"
"Nagpapalamig." Ngumiti na siya at muntik pa siyang mapatawa nang ngumiti din si Paolo sa kanya. Kitang-kita kasi ang mataas na cheeckbones nito. At iisa lang ang nakita niya sa hitsurang iyon ng binata. "Si Jollibee ka pala, eh. Libre naman ng jolly spaghetti dyan."
Sa pagkakataong iyon ay napatawa na talaga si Paolo at napagalitan sila doon. Hindi tuloy niya napigilang tampalin ang braso nito. "'Wag ka ngang maingay." At halos magkanda-samid-samid si Paolo sa pagpipigil nito. "Okay ka na? Teka, parang narinig ko na 'yon?"
"Oo," nagpipigil pa ring matawa na saad ni Paolo. "Kasi maingay ka kanina."
"Ah," napatango niyang saad.
"Now, your speechless," bahagyang tawa pa uli ni Paolo. "ngayon, bumalik tayo and let me get straight to the point. Bakit absent ka kanina? Na ligaw ka o naghabol ng pusa?"
Napangiwi at napayuko naman si Orange sa katanungan na iyon ni Paolo. Bakit ba kapag ang lalaking ito ang kausap niya, hiyang-hiya siya sa pagkaligaw niya? Abot-abot pa ang kaba niya kahit na ba alam niyang hindi siya nilalait, kinukutya o pinaglololoko nito. Kung tutuusin ay bagong kaibigan pa lang niya ito.
And that answers your question, Orange. He's a new friend na natatakot kang mawala. Natatakot kang saktan ka niya dahil tinaggap mo na siya bilang kaibigan mo.
Napabuntong hininga na lang siya doon bago sinagot ang tanong ng binata. "Both. Nakakita ako ng pusa. Hinabol ko. Before I knew it, wala na ako sa daan papunta sa classroom. O, edi nagpalakd-lakad na lang ako. Napadpad ako dito. Naramdaman kong malamig." Nakibit-balikat na lang siya sa huling dugtong ng paliwanag niya.
Maang at laglag naman ang panga ni Paolo na napatingin sa kanya. Saglit pa itong tumitig sa kanya na para bang normal na uli siya. Hanggang sa isinara na nito ang bibig at napailing.
"Bakit?" pagkaraan ay tanong niya. "May mali ba? Sa akin natural na 'yon."
"Wala naman," napapatawa pang saad ni Paolo. "Panay kasi ang pag-ingay ko sa bell, akala ko maririnig mo. Pero asa pa pala ako." Napakamot pa ito sa ulo. "Bibigyan pa naman sana kita ng cat bell pero parang walang kuwenta."
"Talaga?" Malakas lang sa bulong na saad niya dahil pinipigilan niya ang kiligin sa tuwa. "Patingin." Hindi na niya napigilan ang sariling makikalkal sa gamit ni Paolo nang magsimula ang binata na kuhain iyon. "Yey! Salamat!" impit na tili niya nang mahawakan iyon.
"Walang problema. At saka pala ito." Kasunod na inabot ni Paolo ang cellphone nito at si Orange naman ang napatunganga.
"Binibigyan mo ako ng cellphone? Ang yaman mo naman."
"Basta ba bayaran mo ako ng doble." Iiling-iling na saad ni Paolo. "Ilagay mo dyan ang number mo. Para kapag hindi ka pa dumdating, tatawagan kita."
Saglit naman siyang natigilan sa sinabi ng binata. It was the first time na makakita siya ng taong nag-alala para sa pagkawala niya. Well, bukod sa mga naiwan niyang ilang kaibigan sa dating unibersidad niya, si Paolo pa lang ang kasunod na tao na gumawa ng ganoon sa kanya.
Kaya naman hindi niya napigilang itanong sa binata, "Bakit mo ginagawa ito?"
Nagkibit-balikat naman si Paolo matapos mag-iwas ng tingin sa kanya. "Baka kasi bumagsak ka. Sayang ang tuition. At saka sa ugali mo, baka hindi ka makatapos. Nagtataka nga ako kung papaanong nakaabot ka ng third year college, eh."
"Grabe ka naman!" Hindi na niya napigilang tampal sa may kalaparang noo nito.
"Sshh. Kung hindi kayo papasaway, mabuti pang lumabas na kayo."
Nagkatawanan na lang silang dalawa at lalo pa silang napagalitan ni Paolo nang hatakin ni Orange ang earphone na nakapalug sa nNetbook niya at tuluyang bumuhos ang ingay sa library mula sa kanta ng Ellegarden.
It was one of the happiest moment in Orange's life. Hindi nga lang niya alam na iyon din ang simula ng problema.
BINABASA MO ANG
When Pao Meets Meow
RomanceMasayahing tao talaga si Glorilyn o mas kilalang Orange sa karamihan. Weird mang nickname ang Orange pero wala siyang pakialam, kasing walang pakialam niya sa mga kakatuwang tingin at reaksiyon ng mga ito kapag nakikita siya. Bakit? Naglalakad na pu...