Meow 14

410 13 0
                                    

"A DATE at Miao Café at isang solo viewing ng gig nila. And you're saying na hindi kayo?"

Hindi. Ayaw isipin ni Orange na date iyon. Isa lang iyong pagpapakita ni Paolo nang mga bagay na pinagkakasunduan nila. Mga bagay na parehas sila. Mga bagay na dahilan kung bakit nakakasakay ito sa mga kabaliwan niya. In short, may natatago ding kabaliwan si Paolo.

"Ayan. Ayan, tingnan mo nga 'yang ngiti mong 'yan," Bahagya pang dinutdot ni Rose ang gilid ng labi niya. "iyan ba ang sinasabi mong hindi kayo?"

"Porke ngumingiti, kami na kaagad? Paano kung humahalakhak ako, edi, mag-asawa na kami, ganoon?"

"Gaga," tinampal naman siya ni Jessica. "pero gusto mong maging asawa n'ya sa lagay na 'yan."

"Praning!" Tinampal niya sa noo ang kaibigan. "Kung hindi ko kayo kaibigan, baka isipin kong bugaw kayo. Parang ibinebenta n'yo ko sa kanya eh."

"Binebenta nga."

"Oo naman."

"Ang sama n'yo," kunway umiiyak na saad ni Orange sa magkasabay na sagot pa ng kaibigan. "Bakit kayo ganyan?"

"Kawawa ka naman," niyakap at tinapik-tapik pa siya ni Jessica sa likod. "'Wag kang mag-alala, nararamdaman naman namin na mabait s'yang lalaki kaya ayos lang na ibenta ka namin sa kanya. 'Wag ka nang mag-alala, sisiguraduhin naming pakakainin ka n'ya ng maayos at hindi itatawid ng ilog para iligaw."

Isang tumataginting na tawa ang pinakawalan nila nang itulak ni Orange si Jessica at kunwa ay sakalin.

Masaya siyang dinalaw siya ng mga kaibigan niya. Kahit papaano ay naramdaman niyang konektado pa rin pala siya sa mundo at hindi nag-iisa. Isa lang kasi ang pagkakataon ngayon na nararamdaman niyang tunay ngang nage-exist siya sa mundo.

Mabilis na lang niyang iniiling ang ulo upang palisin ang malungkot na isipin. Masaya siya. Kahit na wala doon sina Rose at Jessica ay masaya siya. Kailangan maging masaya siya para hindi mag-alala ang mga taong nasa paligid niya.

"Natulala ka na naman. S'ya na naman ang iniisip mo, 'no?" May panunudyo sa tinig na saad ni Rose. "Pero puwera biro, Orange, we like him for you."

"Tama," napapatayo pang saad ni Jessica. "nakita namin 'yong video mo at promise, gustong gusto namin sumugod sa eskwelahan n'yo dahil doon. Pero noong makita namin 'yong mga post ni Paolo para pigilan ang pagkalat n'on, grabe, pakiramdam ko nagbabasa ako ng teleserye sa comment box nang video."

"Parang labanan ng Pabebe haters at Pabebe Warriors, eh," sinundan pa iyon ni Rose ng mataginting na pag-tawa.

"At huwag mong itanggi na kinilig ka, Rose, nang makita mo 'yong picture ni Paolo."

At totoo nga, parang pinilipit na labahan si Rose nang sabihin iyon ni Jessica. At hindi pa nakontento at pinalo pa siya sa braso. "Grabe, ang guwapo pala n'ya, ha." Pumaypay pa ito sa mukha.

"Ang sabihin mo, adik ka lang sa mga singkit." Sinabunutan naman ito ni Jessica. "Tama na ang kilig. Baka masobrahan."

"Ay, sorry naman, madam," pag-ayos nga ni Rose. "Pero, Orange, hindi talaga kayo?" tanong pa uli ni Rose na para bang isa itong reporter.

"Hindi." Umiling pa si Orange. Napalingon naman siya kay Jessica nang ito naman ang magtanong.

"Hindi din nanliligaw?"

"Hindi." Umiling din siya rito.

Nagkatnginan naman ang dalawa bago magkasabay uli siyang hinarap at halos pasigaw nang sinabi na, "Bakit?"

"Eh, hindi, eh. Anong gagawin ko?"

"Akitin mo. Landiin mo. Halikan mo!" Tila ba natataranta nang saad ni Rose.

"Sandali! Maghunusdili kayong dalawa," pigil na niya sa bibig ng mga ito. "Magkaibigan lang kami ni Paolo at hindi na hihigit pa doon. At saka ano ba, ayoko kaya ng ligawan sa isang barkada."

"Bakit barkada ba kyo?"

"Friends, bakit? Ayaw ko pa din." Mabilis niyang depensa sa sinabi. "Besides, ayaw kong sirain ang kung anong mayroon kami. You know I rarely na magkaroon ng totoong kaibigan at ayaw kong mawala 'yon. Sayang, eh."

And that kept her friends shut their mouths. Nagkakatinginan lang ang mga ito bago titingin sa kanya. At umaasa si Orange na sana naiintindihan na siya ng mga ito. Sana nga dahil alam naman nito kung bakit nag-aalangan siyang palalimin ang attachment niya sa mga tao. Ayaw na niyang maloko pa at paasahin sa mga sinasabi ng mga ito na importante siya.

O, wag mo namang masyadong dibdibin. Hayan nga si Rose at Jessica, you still have them.

Hanggang kailan? Hindi ba si Jeraldine, kaibigan niya ako dati pero nanawa na lang yata na maging kaibigan ako.

Natigil lang siya sa pag-eemote niya nang mapansin niyang hindi na nagsalita ang dalawa at nakatitig na lang sa kanya.

"What?"

"Orange, hindi kaya masyado mong kinukulong ang sarili mo?" Seryoso nang saad ni Jessica.

"Oo nga." Segunda naman ni Rose. "Aba'y pagkakataon mo nang magkalove life at tigilan na ang pagkakahumaling sa mga Jrock crushes mo pero pinipigilan mo ang sarili mo dahil sa takot mo. Malay mo naman hindi ka niya iwan."

Lumabi naman siya sa mga ito. Hindi talaga siya titigilan ng mga ito. Kung sabagay, kung siya din ang nasa paa ng mga ito, hindi din niya titigilan ang dalawa kung hindi ito mag-push sa mga damdamin nito sa isang lalaki.

"Hindi naman sa ganoon," pagsisimula niya sa paliwanag. "I mean, masaya kasi ako na nakaka-ride siya sa lahat ng kabaliwan ko. Aminin n'yo na, hindi nyo keri ang Jrock addiction ko, and si Pao ang una. Masaya ako kung anong friendship mayroon kami at gusto kong manatili 'yon."

Saglit namang natigilan ang dalawang kaibigan niya at tiningnan na lang siya. Bumuntong hininga pa si Jessica at napailing naman si Rose.

"Whatever, Orange. Basta isa lang masasabi namin, mas mahirap kapag pinigilan."

"Hindi ko nga pinipigilan!" Halos napatili na niyang saad. Umaasa siyang tumigil na ang kaibigan. Baka kasi sa katagalan ng panundyo sa kanya ng mga kaibigan, baka nga, hindi na niya mapigilan.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon