Meow 8

452 16 4
                                    

BAGONG araw. Hindi na bago ang tingin na ibinibigay ng mga tao kay Orange. Ngunit ngayon, bago ang dahilan bakit siya pinagtitinginan na may kasama pang pagtawa. Kaya bago din para kay Orange na makaramdam ng pagkailang. Bigla kasi na natuon sa kanya ang lahat ng pansin.

Lalo pa siyang nanliit nang makita niya ang mga post it sa locker niya. Literal na ginawa iyong announcement board. Iba-iba ang nakasulat ngunit iisa ang ibig sabihin.

She was a crazy witch and she should not be here.

Napapbuntong hininga na lang siya. Hindi kasi niya akalain na mas ganoon katindi ang mangyayari sa kanya kaysa sa pinanggalingan niyang unibersidad. Pero siguro ngayon, mas matatanggap niya. Wala naman kasing ibang masasaktan bukod sa kanya.

Bukod kay Paolo.

"Woah!" Natampal pa niya ang magkabilang pisngi nang dumaan sa isip niya ang binata. "Talagang inangkin mo na s'ya bilang friend, ha. Pero kung ako sa 'yo, Orange, 'wag na lang. Parehas lang kayong mahihirapan." At kasabay nang kataga niyang iyon ay siya ding pagbagsak ng pakiramdam niya. Parang ngayon pa lang, nahihirapan na siya.

Pero bakit ba siya nahihirapan? Hindi naman sila close ni Paolo. Nagkataon lang na ito lang ang kakilala niya at nalulungkot siyang baka madamay pa ang binata sa mga kalokohan na ginagawa sa kanya.

Iyon. Iyon nga lang ang dahilan niyon wala nang iba pa. "Bakit may iba pa bang dahilan?" Saglit siyang nag-isip ngunit wala naman siyang naisip na iba kundi sa pagkawala na naman ng potensiyal na maging kaibigan niya.

Napapabuntong hininga na lang si Orange habang inaalis ang mga post-it sa locker niya. Binitbit na rin pala niya ang maliit na trash bin sa tabi ng dulo ng hilera ng locker niya at don itinapon ang mga post-it. Nalukot lang ang mukha niya nang makita ang nakabalot sa plastic at scotch tape ang padlock ng locker niya na para bang hindi inisip ng mga ito na gunting lang ang katapat niyon.

Hindi talaga niya malaman kung may galit ba ang mga tao sa kanya dahil sa hitsura niya o sa mga ginagawa niya. When after all, hindi naman affiliated ang mga tao sa paligid niya sa kanya, bukod lang siguro sa ka-schoolmate at kaklase niya ang ilan.

"Salamain, salamin, sabihin sa akin, kung sino ang salarin," saad niya sa salamin na nasa likod nang pinto ng locker niya nang mabuksan niya iyon. "Salarin sa alin, kamahalan? Sa inyong kagandahan?" Pag-iiba niya ng boses at napatawa na lang sa pinaggagagawa niya.

"Ayan, d'yan ka nadadali ng viral video mo. Tigilan mo na kasi ang pagiging maganda." Tinawanan pa niya uli ang sariling repleksiyon at nag-ayos na ng gamit. Wala na siyang pakialam kung ano ang isipin ng iba. Basta siya sigurado siyang masaya siya sa sarili niyang mundo.

Kaninang umaga din lang kasi, pagbukas niya ng Facebook, Instagram at Twitter niya, ang mga notification sa mga social media ang unang bumungad sa kanya. Napuno kasi niyon ang email niya. At nang tingnan niya isa-isa ang mensahe, pulos iyon tungkol sa isang compilation ng video ng mga ka-'normalan' niya.

Nandoon ang mga pagkakataon na nagsasalita siyang mag-isa. Eating and talking alone. Nandoon din iyong pagbabasa niya ng libro ng malakas. At nitong huli, iyong concert niya sa loob ng library. Natuwa siya sa video. Pakiramdam niya celebrity siya. Pero huwag na nga lang niya babasahin ang mga comments. Some are enjoying the video at ang iba ay tulad nang nakasulat sa post-it.

Masakit noon una. Ngunit nang sabihin ng mommy niya na hayaan na lang daw niya. Baka isang araw, mai-TV pa siya at sumikat habang ang ilan na nagtatawa sa kanya, maiinggit na lang sa kanya at forever hater na lang niya.

And that gave her the courage to face the people. Kaya nga heto siya ngayon sa unibersidad upang harapin at ngitian ang lahat ng iyon. Masaya siya ngayon at ang mga naiinggit at gumawa ng video na iyon ay nananatiling inis sa kanya.

"Salamat sa kanila," saad pa uli ni Orange sa salamin. "Sikat na ako. Pero ang gumawa ng video, hindi pa rin." At hindi na siya nakatiis, nag-selfie na talaga siya at pinost na iyon sa lahat ng account niya na may hashtag na feeling happy and gay.

Sa pagsara niya ng pinto ng locker niya at sa pagharap uli niya sa mga taong naglalakad at napapatingin sa kanya ay may nakaguhit nang ngiti sa labi niya. Naisaad na lang niya sa mga ito, "Hello, world, this is Orange Mallari. Orange Mallari, this is world. Nyaw~!" Sinabayan pa niya iyon ng hagikgik at sinimulan na ang mala-adventure niyang araw sa magubat na tingin ng mga ka-schoolmate.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon